Selos
Simula nang iniwan mo ko
Wala pa ring nagbago
Sakit na iyong idinulot
At damdaming malungkotMasaya kana nga
Pero ako pa ri'y nagluluksa
Sa tuwing nakikita kita
Siya pa rin ang nadaramaSa tuwing kasama mo siya
Na siyang dahilan ng 'yong pagngiti
Sa tuwing kasama mo siya
Na ayaw nang lumisan sa kanyang tabiAng tayo ay matagal ng nakaraan
Alam ko wala na akong karapatan
Matagal mo na akong iniwan
Pero bakit pa rin ako nasasaktanNakikita nanaman kita
At ang iyong masasayang mata
Habang kasama mo siya
Na para bang siya na talagaAko ngayon ay nagseselos
Puso ko ay nagagalos
Kasalanan bang maramdaman ito
Ang magselos ako sa inyoGusto ko nalang sumigaw
Umiyak araw araw
At tumigil na bukas
Para matapos na sa wakas
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala