Beginning

0 0 0
                                    

I didnt really care for others since i was brought here.

Nagising na naman ako ng madaling araw. Basa ang katawan sa pawis,
"hay nako nararamdaman kong andyan na naman sila nagmamasid. Para bang takam na takam samin. Pero pababayaan ko nalang sila kasi di din naman sila makakapasok dito. "
Bumangon ako at hinubad ang basa kong sando. Tinignan ko ang ibang taong natutulog baka may gising pa pero wala. Nagdamit ulit ako at bumalik sa pag higa. Tumagilid ako at tumingin sa may bintana. Bilog ang buwan and maririnig mo lang ay ang ingay ng gabi. Mga insekto, palaka, at ang mga ibon. Bumalik ako sa pag tulog.

Umaga na ng nagising ako, gising narin ang mga kasama ko sa silid. Unang araw naming nagkikita kita pero pag tinitignan mo sila para bang kakainin ka. Binati ko ng magandang umaga ang katabi kong kama. Tinignan niya lang ako. Ang weird na hah di ko alam kung nasan ako. Di ko alam kung sino ang mga kasama ko at mas lalong di ko alam kong ano ang nangyayari dito.

Kaming lahat ay nag ayos ng higaan. Ng may pumasok na isang ale na naka paldang kupas at damit na parang gutay gutay na. Mahaba ang buhok at pikit ang isang mata. Sinabihan niya kaming magbhanda na para sa umagahan at pinapapunta sa hapag kainan.

Nasa hapagkainan na kaming lahat at pansin ko na puro kami babae dun. May mga lalake pero parang bantay samin. Pinaupo na kami at pinakain. Nagulat ang lahat sa pagkaing inihain sa mesa mga karneng hilaw. Nag tinginan kaming lahat na parang nalilito sa mga pangyayare. Pero nagulat ang lahat ng may isang grupo ng mesa na kumain ng hilaw na karne at laya ang iba ay kumain narin. Sinubukan kong kumain pero hindi kinakaya ng sikmura ko. Tatayo na sana ako para uminom nalang ng tubig ng may lumapit sakin at sinabihan akong kainin ang pagkain. Nagulat ako at kinain ang karne kahit labag ito sakin.

Pagkatapos kuamin pinalabas kaming lahat sa malaking bahay. Malapit lang pala kami sa dagat. Nakatira kami sa parang isla na kami lang ang nandun. Nakakatakot na ewan. Nang pina bilang kami basi sa aming silid nagka gulo ang ibang grupo sa bandang kaliwa ko. Hindi ko alam kung anong nangyayare pero natatakot akong tignan ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UntitledWhere stories live. Discover now