Love Under My Umbrella

1.6K 65 8
                                    

Love Under My Umbrella

June 13, 20xx

Friday the thirteenth, mukhang tinamaan ako ng kamalasan ngayong araw. Una, na late ako sa unang klase ko. Pangalawa, hindi ako na kakain ng lunch, ang masama dun lunch lang ang vacant ko ngayong araw. So, difinitely hindi na ako nakakain talaga. Pangatlo, kung kailan naman pauwi na ako, at saka umulan ng napakalakas. Sabi ng kaklase ko bagyo na raw 'to. Nabalita raw sa TV, e. Hindi ako naniniwala, madalas kasi hindi naman nagkakatotoo 'yung sinasabi ng balita. Sasabihin uulan daw, pero tirik na tirik naman ang araw. Anyway, wala naman akong pakialam dun, una sa lahat may dala naman akong payong, kung mababasa man ako konti lang. At pang-apat, wala akong masakyan na tricycle. Hindi ako makauwi, na-stock tuloy ako rito sa waiting shed na sa tingin ko ano mang oras ay babahain na dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Umupo muna ako sa upuan, medyo basa na pero p’wede pa namang upuan. Hindi naman kasi mahahalata sa palda ko, kulay itim kasi. Sa sobrang inis ko, sinipa sipa ko na 'yung lintik na sahig ng waiting shed. Mag-iisang oras na ako rito at wala pa ring tricycle. Pati, naiinis na rin ako sa sarili ko. Kung tutuusin malapit lang bahay ko, kung kanina pa ako nag naglakad malamang nakauwi na ako. 30 minute walk lang naman ang layo ng school ko sa bahay namin. Pero naman kasi! Umuulan nang malakas oh!

Tumayo na ako, at binuksan ko na 'yung payong ko. Bahala na si Batman, kung magtatagal pa ako hindi talaga ako makakauwi.

“Lord naman, baka naman p’wedeng patilain niyo kahit saglit 'yung ulan? Para naman po makauwi na ako,” bulong ko sabay tingin sa langit. Magsisimula na sana akong maglakad ng may napansin akong parating na tricycle. “Lord thank you po,” bulong ko sabay tingin ulit sa langit.

Huminto mismo sa harapan ko 'yung tricycle, pagtingin ko sa loob may lalaking nakaupo. Si Ethe pala, best friend ko.

“Maki, sakay ka na,” aya niya sa akin.

Sumakay naman kaagad ako. Pag sakay ko, feeling ko huminto ang buong paligid ko. Feeling ko kaming dalawa lang ni Ethe, as in walang ingay nang malakas na ulan. Wala si Manong Driver, wala kami sa tricycle.

“Sabi ko na nga ba hindi ka pa umaalis sa shed, e," inis na sabi niya. P-in-at niya 'yung ulo ko. “Ikaw talaga, isang oras ka nang naghihintay dun hindi mo pa naisipan maglakad? Hindi mo ba naisip na baka nag aalala sa iyo parents mo?” Tinitigan ko lang siya. Ang sarap itanong ng—“Ako, hindi mo ba naisip na nag-aalala ako?” mahinang tanong niya. Nabasa niya ba ang naiisip ko?

“Sorry,” hingi ko ng paumanhin, “Alam mo namang tamad akong maglakad,e.”

P-in-at niya ulit 'yung ulo ko. “''Yun na nga, paano kung hindi ko alam na tamad kang mag lakad? Tingin mo pupuntahan kita dito?” inis na tanong niya.

Sumimangot na lang ako, puro sermon na naman ang aabutin ko sakanya.

Nagkatinginan kami nang biglang huminto si Manong Driver. Malayo pa naman kami sa bahay namin, a?

“Nako, sorry Ethe, a? Mukha tinopak na naman 'tong tricycle ko,” nahihiyang sabi ni Manong.

“Nako, okay lang ho Mang Teban, mag lalakad na lang ho kami,” nahihiyang sagot din ni Ethe. Nag abot na siya ng 50 kay Manong Driver, tapos sinenyasan niya ako na bumaba na. Bumaba naman ako. “Ay, ano ka ba naman? Hahawakan mo lang ba 'yang payong mo?" Kinuha niya 'yung payong sa kamay ko at tuluyan na siyang lumabas ng tricycle tapos binuksan niya agad. “Ang payong ginagamit, para hindi ka maarawan o maulanan.” Pinayungan niya ako. “Tara na,” aya niya at sabay na kaming naglakad.

Ang tahimik namin, walang nagsasalita. Ako, patingin tingin lang sa kanya, guwapo niya kasi, e at matangkad pa. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi ko naman itatanggi na kasama ako sa mga 'yun. Ang kaibahan ko lang sa mga 'yun, ako lagi ko siyang kasama sila, hanggang panaginip lang, hanggang tingin lang.

Hindi naman kami childhood friend, sa katunayan nga, e nagkakilala lang kami bago kami gr-um-aduate ng high school. So, more or less mga three years pa lang kaming magkakilala.

“Grabe naman 'yang tingin mo sa akin, p’wede kang tumingin sa dinadaanan natin.” Nagulat ako nung nag salita siya, natapilok tuloy ako. Buti nasalo niya ako. "Oh, sabi ko sa iyo tumingin ka sa dinaraan mo,e." Tumayo na ako nang maayos. Hindi naman ito ang unang beses na natapilok ako sa harap niya, pero ngayon ko lang naramdaman 'yung feeling na napahiya ako sa paningin niya. “Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya.

“Huh?” naguguluhang sagot ko, “A, okay lang ako,” sagot ko at pilit na tumawa. Nagpatuloy ako sa paglalakad, pero nakaramdam ako ng kirot sa daliri ng paa ko. “Aw. Masakit pala,” bulong ko. Nagulat ako nang huminto siya, tapos pinahawak sa akin 'yung payong. “Uy, ano'ng gagawin mo?” gulat na tanong ko nang umupo siya sa harapan ko. Inangat niya 'yung kanang paa ko.

“Patingin,” mahinang sabi niya.

“Ano ka ba?” pigil ko sa kanya. “Okay lang 'yan, malapit na naman tayo sa bahay, e. Pati natapilok lang, e,” binaba ko 'yung paa ko, “Tara na,” aya ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumayo. Hindi na niya hawak 'yung paa ko, pero nakaupo pa rin siya, nakayuko. “Ethe?” tawag ko sa kanya, “Okay ka lang ba?” Tumayo na siya, kinuha na niya ulit 'yung payong.

“Paano kung hindi kita nasalo? Baka mas malala pa nangyari sa iyo. Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo,” inis na sabi niya. Sinabi niya 'yun ng hindi manlang ako tinitignan.

“Okay ka lang ba? Ang weird mo.” Parehas kaming nakahinto, naghihintay kung sino unang maglalakad. Mauuna na sana ako ng bigla siyang nag salita.

“Okay lang ba kung mahalin kita?” Tumingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin, sa sneakers niya siya nakatingin. “P’wede ba kitang mahalin ng higit pa sa kaibigan? Okay lang ba 'yun?” Hindi ko Makita kung ano’ng ekspresyon ng mukha niya.

“Ethan,” mahinang tawag ko sa kanya.

“Hindi ko naman hihilingin na mahalin mo rin ako, kaya lang kasi hindi ko na kayang pigilan,” tumawa siya nang payak, “Pati ako, hindi ko na maintindihan sarili ko, kaya okay lang kung hindi mo ako maiintindihan. Basta hayaan mo lang ako na mahalin ka.” Unti-unti kong naramdaman ang pagsilay ng isang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam, pero ang saya saya ko.

“Paano kung ayoko?” Napatingin na siya sa akin, malungkot 'yung expression ng mukha niya. “Paano kung ayoko na ikaw lang 'yung magmahal?” Nagtatakang tinignan niya ako. “Parang unfair naman kung ikaw lang 'yung nagmamahal, 'di ba? P’wede mo namang itanong kung parehas tayo ng nararamdaman, 'di ba?”

“Ibig mong sabihin—“

“Sabihing ano?” Niyakap niya akong bigla gamit 'yung left arm niya since hawak niya 'yung payong gamit 'yung right, ang lakas ng kabog ng puso niya. Ramdam ko at dinig na dinig ko.

“Alam mo ba kung bakit mas malaki ang lalaki sa babae?” Umiling ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. “Para mayakap niya ng buong buo ang babaeng minamahal niya. Ang babae naman kaya mas maliit sa lalaki, para pag niyakap sila ng lalaki, maririnig nila 'yung tibok ng puso ng lalaking mahal nila.” Hinigpitan niya pa lalo 'yung pagkakayakap niya. Huminto na naman 'yung mundo namin. Feeling ko wala na ang bagyo, humupa na. “I love you,” bulong niya.

Ngumiti ako at niyakap na siya ng tuluyan. “I love you, too.”

The End.

Love Under My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon