The Sound Of Silence Is Dug Dug Dug!

626 34 9
                                    

"Yow, wazzup men!"

Nagtinginan ang buong klase sa kapapasok lamang na grupo. Magulo ang buhok nila, may headset na nakasalpak sa tenga, bukas ang butones ng polo at ngumunguya ng chewing gum.

Napapailing nalang ako. Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena dahil sa tuwing papasok ang tatlong lalaking to sa classroom, laging ganyan nalang ang binubungad knowing na nandito na ang teacher namin at nagsisimula ng magturo.

"Mr. Manansala! Will you just please take your seat and be quiet?!" taas-kilay na sabi ng teacher namin.

"As you wish ma'am. *wink*" sagot ni Bluster sabay kindat kay Ms. Cruz. Ngumisi naman yung dalawa nyang kasama saka sila pumunta sa upuan nila sa likuran.

"Gotcha!"

"Hoy ano ba! Akin na nga yan!" hinila ko sa laylayan ng polo si Bluster dahil bigla nalang nyang hinablot ang hawak kong papel nang dumaan sya sa gilid ko.

"Ito ba yung isusubmit mong article? Hmm, patingin ah." nakangisi nyang sabi na parang hindi ako narinig. Aalis na sana sya pero muli ko syang hinigit.

"Akin na!" impit na sigaw ang ginawa ko. Baka kasi mapagalitan ako ni Ms. Cruz eh.

Bahagya syang yumuko para harapin ako. "Bakit? Nagdadamot ka na ngayon? o baka naman hindi ka lang confident?"

"Bluster! Serene! Pwede bang itigil nyo na yan?!" yan na nga bang sinasabi ko eh. Napagalitan pa tuloy ako ni Ms. Cruz.

Inirapan ko si Bluster saka pagalit na binitawan. Dumiretso naman sya sa likuran kung saan sya nakaupo. Nakataas pa ang dalawa nyang paa habang nakasandal sa upuan at binabasa yung article na kinuha nya sakin.

Nakakainis talaga ang lalaking to! Lagi nalang kaming ganito. Nakakasawa na nga minsan eh.

Maniwala man kayo o hindi, ako, si Serene Gonzales, at si Bluster Manansala ang magkalaban sa klase. Mahirap paniwalaan dahil wala naman sa itsura at ayos nya eh. Kapag una mo syang tiningnan, iisipin mong isa sya sa mga estudyanteng bulakbol at walang pakialam sa pag-aaral. Pero mula nung freshmen palang kami hanggang ngayong senior na, wala pa ring nagbabago -- magkalaban pa rin kami sa academics at co-curricular activities. Tulad na lamang ngayon, pareho kaming kasali sa School Paper ng school at pinagpipilian kung sino ang magiging editor-in-chief this school year. Kung sino man ang manalo sa botohan, sya ang magiging editor-in-chief. At kung sino man ang matalo, sya naman ang assistant editor-in-chief.

Dahil isa sya sa pride ng school, hindi sya pinapagalitan ng matindi ng mga teachers. Simpleng saway lang pero hindi yung sobrang pinapagalitan o kaya ay pinaparusahan gaya ng ibang estudyante kahit na lagi syang late sa first subject at hindi sumusunod sa rules and regulations ng school. Isa pa, may kayabangan din ang lalaking yun. Sa katunayan nga sya ang isa sa pinakamaingay sa section namin. Unfair nga eh. Tinotolerate ng school yung mga ginagawa nya eh kung tutuusin bad influence naman sya. Sabi naman ng mga estudyante, ang cool nya daw kasi. Sabi naman ng mga teachers, okay lang daw na magyabang at mag-ingay sya dahil may ipagmamayabang naman daw bukod kasi sa matalino na, gwapo pa.

RIIIIIINNNNGGG

Nagbell na para sa recess. Naglabasan ang mga kaklase ko. Saka ko lang narealize na ako nalang pala ang tao sa classroom. Kinuha ko ang bag at libro ko para pumunta sa canteen. Nagugutom na rin kasi ako eh.

"Hoy Gonzales!" narinig kong may tumawag sa kin kasunod ng ingay ng upuan sa likuran. Lumingon ako at nakita ko si Bluster na nakaupo at nakataas ang dalawang paa. Nandito pa pala sya. Akala ko ako nalang ang tao dito. Palibhasa nasa likuran kaya hindi ko nakita.

"Ano na namang kelangan mo Manansala?!" saka ko sya binigyan ng masamang tingin. Ganito kami. Apelyido ang ginagamit bilang pagtawag sa isa't isa. Ni hindi pa nya ako tinawag na Serene. Talaga ngang kalaban ang tingin nya sa kin eh. Hindi ko nga lang alam kung bakit ba ganun nalang katindi ang determinasyon nyang maging top 1.

The Sound Of Silence (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon