Friend Request [ One Shot ]

528 32 47
                                    

[ Hi kuya :) Natuwa lang talaga ako nung binati mo ako nung birthday ko, thank you.. ahaha, this is for you po, sana magustuhan mo :) ]

~

Nakahiga ako habang nagbabasa nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. “Hoy ate! Bumaba ka na doon, andiyan na naman ‘yung boyfriend mo. Pauwiin mo na nga! Ang aga-aga pa e nambubulabog na naman!” Inis na bulyaw ng kapatid ko sa akin.

            

                             

Summer vacation na at halos araw-araw akong dinadalaw ni Charlie rito. Bukod kasi sa wala siyang magawa, ay ayaw na ayaw rin nitong nawawala ako sa paningin niya. In short, may pagka-possessive ang boyfriend ko. Kaya’t heto, kulang na nga lang ay bitbitin na niya lahat ng mga gamit niya at tuluyan na ring tumira rito.

 

 

Bumaba na ako matapos kong mag-ayos. Mula sa hagdan, kapansin-pansin ang nakagilid nitong seryosong mukha. Kitang kita rin naman ang maliliit subalit matangos nitong ilong at ang mapang-akit niyang mga tingin. No wonder kung bakit marami akong naging kaagaw sa lalaking ito. Sinalubong niya ako ng halik sa pisngi matapos kong makababa.

 

 

“Kumain ka na ba Bee?” Salubong kong tanong sa kaniya at saka dumiretso sa kusina upang ipaghanda na sana siya ng makakain nang yakapin niya ako mula sa likod.

 

 

“Hindi pa,” malambing nitong sagot at saka bumulong sa akin, “Ikaw kasi ang gusto kong kainin e,” sabi nito using his seductive voice. Hinampas ko nga sa balikat. Tama bang pagtawanan ako? He’s toying with me again.

 

 

Buong maghapon kaming nagtawanan at nag-asaran habang ang mga tingin naman ng kapatid ko ay hindi nagbago. Masama at matalim pa rin.

 

 

 

Mag-aalas otso na ng gabi nang magpa-alam si Charlie sa akin. “Bee, gabi na pala. Uuwi na ako dahil baka palayasin na ako ni mommy sa amin niyan e,” patawa-tawa pa nitong sabi. “Bukas na lang ulit, at siguraduhin mong maliligo ka na ha?” Kita mo ‘to. Siya nga ang nagpigil sa akin kanina kaya’t hindi ako nakaligo tapos ngayon aasarin lang pala niya ako? Kinurot ko nga.

 

 

Nagpaalam na rin siya sa kapatid ko and as usual, ano pa nga ba ang gagawin nito sa kaniya? Kung hindi tingnan ng masama.

 

 

Matapos no’n ay hinatid ko na siya sa labas. “Siya nga pala Bee,” pag-aalangan kong tawag sa kaniya, “kung huwag ka muna kayang dumalaw dito bukas. I mean, kasi palagi ka na lang nandito. I’m sure pinagagalitan ka na ni tita, baka pati sa akin magalit na rin ‘yun.” Napataas naman siya ng kilay sa sinabi ko.

 

 

“Wala naman sa akin ‘yung mga salita na ‘yan ni mommy e, basta makasama lang kita masaya na ako. Tapos ‘yan ang sasabihin mo sa akin ngayon? Takot ka lang ba talagang magalit sa iyo si mommy o ayaw mo lang akong nandito?” Ramdam ko mula sa pananalita niya na mukhang naiinis na siya.

 

 

“Wala naman akong sinasabing ganiyan Bee. Ang akin lang kasi, halos araw-araw ka nang nandito. Hindi ka ba nagsasawa? What I’m trying to say is spe-“ Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko at nagsalita na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend Request [ One Shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon