"Flower, wag ka nang umiyak... mas lalong sumasakit ang sugat ko eh"
"Ano ka ba!! Sa sitwasyon mong yan, nagagawa mo pa talagang magbiro!"
"Wag ka nang magalit, gusto lang naman kitang patawanin"
"Well hindi nakakatawa!!"
"Flower, wag ka nang umiyak, alam mo naman na nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak. Baka mahirapan ako niyan makarecover"
"Sino naman ang nagsabing umiiyak ako? Humikab lang ako kaya mamasa ang mga mata ko" *punas ng luha*
"Flower, ito ang tandaan mo. Hinding-hindi kita iiwan. Gagawa at gagawa ako ng paraan para patuloy na mahalin ka"
"Hindi kita maintindihan"
"Basta, ipangako mo sa akin na maghihintay ka. Flower, hihintayin mo ang pagbabalik ko di ba"
"Bakit parang nagpapaalam ka na? Ren-ren, wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo"
"Kailangan pa rin nating maghanda. Flower, ayaw kong mag-alala ka pero wala naman tayong magagawa kung—"
"Hindi!! Hindi yan mangyayari!!! Please... please Ren-ren, don't do this to me"
*sigh*
"Sige, okay, pakibili mo na lang ako ng fruits, wala na kasi dito"
"And leave you here alone... no, magpapahatid na lang ako—"
"No, ang gusto ko ikaw ang bumili. Ikaw lang naman ang may alam kung anong gusto kong kainin di ba. Please Flower"
"Papano ka? Hindi naman kita pwedeng iwan dito"
"Kaya kong mag-isa. And besides, hindi naman ako aalis dito. I'll be right here waiting for you"
"Sige, madali lang ako. Hintayin mo ako ah"
"Of course"
"Sige, alis na ako"
"Flower!!!....... I Love You"
"Love you too Ren-ren" *muah*
"Promise to wait for me okay..."
(⊙-⊙)?
"Promise me Flower"
"P-pr-promise"
♡After 1 hour♡
"Emergency at room A3!!!"
{{(⊙﹏⊙)}}!!!
*takbo takbo takbo takbo*
*droped fruits*
"Doc, asan na siya?! Doc!! Asan na ang boyfriend ko??!!!"
"I'm sorry miss..."
"Noo!! That's not true!! Ilabas niyo siya!!! Ilabas niyo ang boyfriend ko!! Hindi pa siya patay!! Sinabi niyang maghihintay lang siya dito!!"
.
.
.
.
"Noooo!!!! Renzo!!!! Please!!!!""Jaja!! Gumising ka!! Jaja wake up!!"
(⊙ㆁ⊙)!
"Napanaginipan mo na naman siya? Jaja naman, 1 year na ang nakalipas, hindi mo pa rin ba talaga siya nakakalimutan?" Sabi sa akin ni Kuya.
Napanaginigpan ko na naman ang pagkamatay ng first love and first boyfriend kong si Renzo Clark Rodriguez. Namatay siya dahil sa severe brain cancer. Critical stage na ang kondisyon niya kaya hindi niya kinaya ang therapy.
"Jaja, alam kong mahal mo siya, pero ang ganitong gawain, hindi mo na dapat nararanasan. Wag mo naman ibaon ang sarili mo sa lungkot. Hindi ka na makapagfocus sa buhay mo dahil palagi ka na lang nagmumukmok. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Hindi mo ba alam na nag-aalala din kami ni mama sa'yo?!" Sabi sa akin ni kuya. Palibhasa hindi niya pinagdaanan ang mga pinagdaanan namin ni Ren-ren.
Nasasabi niya yan dahil hindi naman siya ang nagmahal, ako yun. Ako yung nagmahal at nasaktan dito!! At kahit kailan hinding-hindi ko magagawang kalimutan ang mga nangyari sa amin ng taong pinaka mamahal ko.
∞Ω∞Ω∞Ω∞Ω∞Ω∞Ω∞Ω∞Ω∞Ω∞Ω∞
A/N:
Annyeong everyone!! This book is now my third work. Makikipagsapalaran po uli si author sa isang love story, kahit wala pang experience.
Sana po maintindihan niyo ang mga kabaduyan ko.😄😄✌
Kamsahamnida💖
Announcement:
This is a work of fiction, everything that is stated in this story is a work of the author's imagination only. If there is anything in the story that resembles in real life, it is entirely coincidental.
Plagiarism is a crime!!! This is an original work of the author herself. Please respect the originality of the story. Thank You😊
~우수은👩
[Edited]
BINABASA MO ANG
The First And Last
Teen FictionHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...