KA CHAKAHAN 19

852 18 0
                                    


CHAPTER 19

Its so hurt mga bes, lagi nalang kase akong mali sa kanyang paningin, halos wala na nga akong nagawang tama. Kahit anong gawin ko, kahit inaayos ko na ang trabaho ko ang ending galit parin sya sa akin. Di ko nga din alam kung may pagkukulang ba ako sa nagawa ko kaya hindi sya nasa satisfy or trip nya lang magalit sa akin.

Kanina mga bes, nabasa nyo yung walk out scene ko? di ba bonggaang binitawan kong lines? Kailangan ko na kase syang sermunan, hindi sa lahat ng bagay ay dapat na sigaw-sigawan nya ako, tratuhin na parang hindi tao. Ewan ko ba sa lalaking yan, kung di ko lang sya mahal, aalis na talaga ako sa office nya ehh, kaso bago ko gawin yun, gusto ko munang i-fix ang ugali nya, para kung mag resign man ako at makahanap sya ng ipapalit sa akin ay yung good boy na sya. Kahit masakit man sa loob ko ay pilit kong iniintindi sya, that's me... being a martir in the namne of love.

Una sabi ko paghanga lang tong nararamdaman ko sa kanya, bakit habang tumatagal napapamahal na sya sa akin, kahit kay sama ng pakikitungo nya sa akin, di magawa ng heart ko na magalit sa kanya,o magsuklam sa kanya. Ganto na ba talaga ako ka gaga at katanga para lang sa kanya? O sadyang manhid na talaga ako sa lahat ng mga pananakit na natanggap ko mula't sapol na naging kami ni Drake hanggang sa nag tagpo kaming dalawa ni Terrence?

Mga bes, dito ako condo nya ngayon, dito ako nagtungo nang nag walk out ako mula sa office nya. Gusto ko nga sanang umuwe ng bahay namin kaso lang sabi ng taxi driver kanina ay baka lumaki ang bill ko dahil ma-traffic pabalik ng baranggay Munay, kaya I chose na dito nalang maglagi sa condo nya.

Dito ako sa ibabaw ng kama,nag mumukmok. Na iinis na nga ako sa phone ko dahil panay ang ring, at take note ang bosa-boss kong boss ang tawag ng tawag, pero di ko yun sinasagot. Huh!!! di ako magpapatinag sa kanya, di ko sya kakausapin bahala sya sa office nya. siguro panic overload yun kase maya't maya ang nagsisitawag sa phone sa kanyang opisina, wahahaha!

Nakailang tawag na si Terrence sa akin at ilang text messages din ang pinaulan nya sa inbox ko. pare-parehong mensahe nga lang ang pinag te-text nya. Yung tipong ako pa talaga ang hinamon nya. Tinext ba naman ako na kapag hindi ko daw sinagot ang tawag nya ay sisisantihin nya daw ako? nakakatawa sya, akala nya naman wala akong pinirmahang kontrata sa kanya at mga kasunduan about sa magazine, baka nakalimutan nya, hawak ko ang pagkabagsak ng industry nya, charot!

"hindi mo ba talaga sasagutin ang tawag ko?" text nya sa akin pero hindi ko sya nireplyan, hanggang sa isa na namang text ang natanggap ko sa kanya na nagsasabing...

"bumalik ka dito sa office madami pang trabaho na tatapusin" turan nya sa text at kasunod nun ay syang pagtawag nya. Dahil sa inis ko ay I turn my phone off. Gusto ko nga sanang ihagis yung phone ko kaso napag isip ko hindi pa pala paid yun sa plan ko.

Humiga ako sa kama at don ay nagmuni-muni, hanggang sa kinausap ko ang aking sarili.

Hindi ko na namalayang ilang buwan na din pala akong nakikibaka sa office ni Terrence, ilang buwan akong nagtitiis sa mga panglalait nya sa akin, sa mga pang-aasar nya sa akin. Kay bilis lang talaga ng panahon, at kasabay nun ay ganun din kabalis ma attract ang puso ko sa kanya. Ang hirap naman kase kapag gwapo ang boss mo di ba? hindi mo maiwasang mainlove at magkagusto. Sana... sana.... magustuhan nya din ako, tulad ng pag kagusto ko sa kanya, charsss!!

Huminga ako ng malalim at syang pikit ko ng aking mata.

"darating ang panahon, magiging maganda din ako, at kapag dumating ang araw na yun, sisiguraduhin kong hahabol-habulin mo din ako" turan ko sa sarili ko.

"ehh di wow ka" sabi ng konsensya ko. At talaga nga naman,buhay pa pala si konsensya, at yung tipong ngayon nga lang kami nagkitang dalawa, inukray pa ako kaagad!

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang