Absent yung teacher namin ngayong last period kaya para na namang nakawala sa hawla tong mga kaklase ko kung mag-ingay! Kaya kami laging nababansagang "Worst Section" ng mga teacher eh. Yung adviser lang namin yung nagsasabing mababait kami hehe. Pero kahit ganto kami pagkailangan ng isa ng tulong, lahat kami tutulong! At kung may nangangailangan samin nagbibigayan talaga kami :>
"Jane!!!" nilingon ko naman yung tumawag sakin which is isa sa mga kaibigan ko. Si Kate. Lumapit naman ako sakanila dahil kasama nya ang dalawa pa naming kaibigan. Sina, Irish at Rhian. We're best of friends since elementary hanggang ngayon na Grade 10 na kami.
"Oh, kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Tignan mo yung crush mo. Hinaharot ni Mitch!" inis naman na sabi ni Irish! Sus! If I know kaya yan inis na inis kay Mitch dahil usap usapan sa school na nililigawan ni Drew si Mitch. Eh crush niya yun haha.
Tumingin naman ako dun at nakita ko yung crush kong si Red na nakikipagtawanan with his friends and Mitch. Aba! Hindi man lang nailang siya lang nag-iisang babae dun. Kainis din to si Red enjoy na enjoy! Hmp! Simula Gr.7 gusto ko na si Red kaya siguro ganito ako kaapektado.
"Pabayaan mo na lang sila." biglang sabi naman ni Rhian. "Baka naman nagkukwentuhan lang sila." Well, may point naman si Rhian. Pero nakakalungkot pa rin kasi di ko man lang siya nakakausap kahit classmate kami. Nahihiya kasi ako. :<
"Ehem! Change topic na nga! Alam niyo ba may singing contest daw this month! Para daw yun sa Christmas Party ng buong school! Omo! I want to join!" excited na sabi ni Kate. Kumikinang pa yung mata! Maganda kasi boses nya eh! Eh kaming tatlo wala eh, nganga!
"Edi sumali ka." pilosopo talaga to si Rhian haha. Sumimangot tuloy si Kate at tinawanan naman ni Irish. Loko talaga tong mga to.
"Ako din sali ako! Maganda kaya ang boses ko!" syempre niloloko ko lang sila! Kahit kailan di naging maganda boses ko eh :<
"Ano yun, JOKE? HAHHAHAHAHAHA!" nakakainis to si Irish! Di na lang makisabay! Sabay sabay pa silang tumawa na tatlo. Grabe tong mga to! Kala mo hindi kaibigan.
"May nai--HAHAHAHAHA may naisip ako!" ano nanamang naisip nitong si Kate? -_- For sure mantitrip to!
"Oh, ano naman yun?" naka taas kilay ko pang tanong sa kanya. Azar eh.
"Mag-interview tayo ng mga kaklase at tatanungin natin sila kung maganda ba ang boses ni Jane!" ngiting ngiti niya pang sabi na animo'y napakaganda ng kanyang ideya! Kaasar talaga! Sabi na nga ba mantitrip nanaman eh!
"Wag nga! Nakakahiya!" pigil ko sa kanila.
"Anong nakakahiya dun? Tsaka magandang idea yan Kate! Galing mo talaga!" ani Irish at nag apir pa silang tatlo. Mga bwiset talaga to!
Wala na kong magawa kasi alam kong kahit anong pigil ko gagawin at gagawin nila yun. Sa totoo lang ginawa na din namin dati yan eh hehe pero si Kate naman pinagtripan namin! Sabi kasi nang sabi na maganda sya hahahaha pinagtripan tuloy namin. Feeling ko tuloy gumaganti lang yun kainis! Ako kasi naka isip nung pinagtripan namin sya eh. Hay.
Inistart naman nila yung video sa camera at nagsimula nang maglakad. Hawak hawak ni Rhian yung camera habang vinivideohan si Kate na naglalakad. Si Irish naman nakamasid lang pero todo naman ngiti! Ako naman ay sinusundan lang sila.
"Hi everyone! Nandito po tayo ngayon sa aming room. Kung saan kami ay magsasagawa ng maikling interview tungkol sa bagay na ipinaglalaban ng aming kaibigan na si Jane." ngiting ngiti pa talaga tong si Kate! Kala mo nasa TV.
Nagulat naman ako nung lumapit sila dun kila Red. Shet, kinakabahan talaga ako sa mga to eh! Narinig ko naman na humagikhik si Irish. Sabi na nga ba eh may plano sila eh!
"Good afternoon, Red! Pwede ka ba naming mainterview?" ngumiti naman si Red at tumingin sa camera.
"Sure!" Shet, bat ang gwapo nya? Pero shete talaga! Kinakabahan ako sa tanong nila!
"Kani kanina lang kasi ay may ipinaglalaban ang aming kaibigan na si Jane. Kilala mo naman siya diba?"
Ngumisi si Red. "Of course I know her." naghiyawan yung mga tropa niya kahit si Mitch. Nagulat naman ako. Tsaka bakit naman sila maghihiyawan? Weird. At dahil sa hiyawan nila naglapitan lahat ng classmates namin para manoud. Kaasar. -_-
"Ipinaglalaban niya kasi na ang kanyang boses daw ay maganda. Ano ang iyong masasabi?" badtrip to si Kate! Nagtawanan naman yung mga kaklase ko, alam naman kasi nila na hindi kagandahan ang boses ko.
"Well, maganda naman talaga si Jane." nakangiting sagot ni Red habang nakatingin sakin.
Naramdaman ko naman na uminit yung pisnge ko dahil sa sagot nya. Pero ano daw? Maganda ako? Eh yung pinag-uusapan ay yung boses ko eh! Shet naman kinikilig ako!
"Ayiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!"
"Mga banatan mo pre ah!"
"Yeah naman binata ka na boy!"
"Emeghed! Nagbablush si Jane!!"
Yan yung mga naririnig kong hiyawan at alam na alam ko na si Irish yung sumigaw na nagbablush ako! Kahit kailan talaga to!"Ehem. So, may nais ka bang iparating na mensahe sa aming kaibigan?" nakangiti naman na tanong ni Kate kay Red pero imbis na kay Red ay sa akin siya nakatingin. Kumindat pa ang loka!
"Uhm. Hi, Jane. The first time I saw you, I was already attracted to you. Pero syempre nasa isip ko noon attraction lang yun. Sino ba namang di ma aatract sayo? Maganda, matalino at mabait. Kaya habang tumatagal yung kala ko attraction lang naging crush na. Nagustuhan na kita. Pero syempre di ko pa masabi kung mahal na kita eh. Basta ang alam ko tumitibok nang mabilis yung puso ko pagmalapit ka, kinakabahan ako pagkinakausap kita at nung isang beses na mahawakan ko yung kamay mo nung play, parang may kuryenteng dumaloy sa nga kamay ko. Ewan ko ba kung bakit ganun yung epekto mo sakin. Basta masaya ako pagnakikita kita at naiinis ako pag may ngini ngitian kang ibang lalaki. But of course, I want to prove to you na totoo lahat nang sinasabi ko. So, Jane Cordova, can I court you?" Lumuhod si Red sa harap ko at nakangiting tumingin sakin.
-------
End.