•Even though

1.3K 36 9
                                    

Dahil sa mga pang yayari dito sa mansion gaya ng pagala galang kung sinong lalaki dito sa Mansion ay hindi nanaman natuloy ang plano naming lumabas ngayong gabi.

"Ayan nanaman tayo sa sususnod nalang."

Nakasimangot na sabi ni Galen samin nang napag desisyunan naming hindi na muna ituloy ang pinakahihintay na hiling ni Galen.

"Wag kang maarte, kung gusto mo umalis ka mag isa."

Sabi ni Daemon sa kanya habang naka higa si Galen sa sahig at habang nakaupo kami sa sofa.

"Eh kasi! Minsan na ngalang nauudlot. Riley! Dali na~ sabihin mo sa kanila na aalis tayo.~"

Pamimilit nya sakin saka nag sisipa sa sahig.
Gusto ko man sumama sa kanya, hindi naman pwedeng hayaan ko nalang silang ayusin ito ng sila lang.

"Pasensya na Galen. Pero may kaylangan pa kasi tayong asikasuhin kaya wag muna ngayong gabi. Saka anong oras na o."

Sabi ko sa kanya.
Kanina pa kami nakaupo at nag papalipas ng oras kakaisip kung anong pwedeng maging dahilan ni Bryon para gumawa sya ng ganun at kung konektado pa talaga sa kanya ang lalaking nakita nila Galen at Daemon dito kanina.

"Mag pahinga nalang muna tayo ngayon. Bukas na tayo umalis tutal wala naman tayong pasok bukas. Pakiramdaman na muna natin kung may kakaiba bang mangyayari nanaman ngayong gabi."

Sabi ni Vicku.
Sumangayon nalang ang lahat.

"Bukas ah! Totohanin nyo na talaga yan."

Sabi naman ni Galen.

Dahil sa desisyon ni Vicku, ay nanatili nalang kami sa mansion ngayong gabi.
Bumalik ako ng kwarto ko matapos ng usapan namin.

Wala na kaming iba pang naka kwentuhan at dumiretso na sa kani kanilang kwarto.
Hinatid lang ako ni Jaythan kanina sa harapan ng kwarto ko at saka tahimik na bumalik sa kwarto nya.

Napabuntong hininga ako habang nakahiga sa kama.
Napaka misteryosong ng mga nakaraang araw.
Simula ng nasa Canada pa kami ng mag kakapatid ay lagi ng wala sa mood si Bryon.
Naalala ko pa nung may kausap sya sa cellphone nung nag kkwentuhan kami ni Galen sa hallway nung nasa Canada pa kami.

Pati na yung galit na galit sya sa kausap nya nung may farewell party kami.
Tingin ko matagal na nya 'tong pinu-problema. Pero kahit isang beses hindi nya sinabi kahit sa akin.
At ngayon wala kaming magawa kundi ang mag antay ng mga pwede pang mangyari.

"Jusko, lagot pala ako kay Bryon pag nalaman nyang sinabi ko sa mag kakapatid na nag kita kami."

Bigla akong napasabunot sa buhok ko.
Hindi ko pa sya nakikitang galit talaga pero tingin ko ay galit na talaga sya pag nalaman nya ang ginawa ko.

Pinahihirapan kami ni Bryon sa pag iisip ng problema na pwede nyang maging dahilan para maging ganito sya.
Wala pa akong nakikitang kaybigan nya mula noong nakilala ko sya kaya hindi ko rin malaman kung paano sya nag kumikilos kasama ang barkada nya.

Napabuntong hininga nalang ako saka ako pumikit at pinipilit na dalawin ako ng antok.
Wala ni isa sa amin ang kumain dahil narin sa mga nangyayari.
Sa totoo lang gutom ako, pero ayoko namang mang abala.

Pero sa bawat pag pikit ko ay parang may bumubulong sa akin mula sa aking tiyan.
Pero mag papatalo ba ako sa tiyan ko? Dibate ito ng utak at ng kalamnan.
Bumaluktot ako mula sa pag kakahiga sa kama.

Kumain ka~
Kumain ka~

Para akong binabangungot. Pakiramdam ko nag sasalita ang hinihigaan kong kama at sinasabing kumain ako.
Pero hindi ko na talaga kaya, alam kong hindi ako paturulugin ng tyan na 'to.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon