CHAPTER 35

51 18 1
                                    

Marahas kong pinunasan ang pisngi ko'ng punong-puno ng luha bago kunin ang handy bag ko. Kinuha ko 'ron ang katamtamang laki ng salamin at tinignan ang sarili...

'I looked wasted...'

Nag-kalat ang eyeliner ko, lumagpas ang lipstick, magulo ang buhok, basang-basa ang mukha ng luha, at namamaga ang mata. Mukha akong kawawa...

Kinuha ko ang tissue tsaka pinunasan ang mga nag-kalat ko'ng make-up, sinuklay ko rin ang buhok ko. Sa totoo lang, hindi ko alam ang mga nag-hahalu halong nararamdaman ko. Ang masakit na katotohanang ayaw sakin ni Devin, at ang galit at pag-papahiya sakin ni Daddy. Nagagalit ako. Naiinis. Naiiyak. Nasasaktan. I don't think I deserved this kind of shit.

Matapos kong maayusan ang sarili ay nag-lagay ako ng panibagong make-up. I need to unwind a little to lessen the pain I'm feeling. Ayokong mag-drama na naman kay Grey pagkatapos magiging awkward na naman ito sa lahat. Isa pa, maya-maya lang ay lalabas kami ni Grey. Siguro nga makakatulong ang pag-sama ko sa kanya mamaya, baka sakaling mabawasan ang nararamdaman ko'ng sakit.

"Queenie, san' ka pupunta?"

Napaikot nalang ako ng mata bago siya lagpasan. Eto na naman siya...

"Hwag ka ng umalis kasi baka dumating ang mommy mo." Habol niya sakin. Humarap ako rito ng salubong ang mga kilay.

"You're so annoying. Ano ba'ng pake mo?" Pormal kong sabi. Kita naman ang pagka-gulat sa kanyang mukha pero wala akong pake. Sinabi ng ayoko ng pinakekealaman ako.

"I-I'm just... Concerned." Mababang aniya.

Peke naman ako'ng natawa, "Big word." Giit ko tska ako pumihit palabas ng shop.

Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Gusto ko na namang umiyak...

Madiin akong napapikit ng may humablot sa braso ko at pilit akong hinarap.

"Queenie ano ba?!" Sigaw niya.

"Wow, san ka nakakuha ng lakas ng loob para sigawan ako?"

The fuck! What's her problem? Can't she see I'm leaving for good?

"Ano ba kasing gagawin ko para maging maayos tayo ulit, Queenie..." Bumaba ang kanyang tono. "Ayoko na ng ganito eh... Pinag-sisihan ko naman na yung kasalanan ko, pero ang totoo 'non para sayo lang yung ginawa ko dati. Bakit ba ang hirap para sa'yo na patawarin ako?" Dagdag niya.

Hindi ako nakapag-salita. Tila na-blangko ako at naubusan ng sasabihin. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit naiinis pa rin ako. Para kasi sakin niloko niya 'ko. Para sakin lahat ng sikreto ko binunyag niya.

"Queenie I'm begging you... Please let's get this over. I... I want my bestfriend back." Maluha-luha nito'ng ani.

Pero muli, hindi na naman ako makapag-salita.

Inis akong napakamot sa kaliwang kilay ko bago mag-salita. "Enough please? I hate dramas." Yun lang at mabilis na 'kong sumakay ng kotse. Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita dahil baka may masabi lang ako na pag-sisihan ko pa. Kailangan ko lang talaga ipahinga ang utak ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko, nasasaktan ako. Gusto kong umalis, gusto kong mapag-isa, gusto kong makalayo rito, at galit na galit ako kay daddy. Parang ang hirap intindihin na bata palang ako kontrolado na niya 'ko, na parang may nakakahawang sakit ako't bawal makihalubilo sa iba. Tapos ngayon malalaman ko ang totoo na dahil pala pumatay siya sa ibang lugar para sa kayamanan niya, na maski ako ay kayang-kaya niyang saktan emotionally and physically para lang sa sarili niya.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now