Chapter 15: Research

71 1 0
                                    

HANNA’s POV:

Grabe. Nabusog ako dun ah. Dami kong nakain, ganun ba talaga nagagawa pag binibisita ni EX? Haha. Papataba ako para sakanya, para pag nagkita kami ulit, sasabihin niya sakin. “Wow Maureen, nagkakalaman ka na ha, sinunod mo yun utos ko.” Hahaha. Kiliiiiiiig!! :”>

Si Alexander, tsk, nako, napaka sungit pa din hanggang nandun sa restau, walang imik ang loko. Nakakapanibago tuloy, pag mga ganun kasi ang dami ng tanong nun, ano ginawa ko sa office, o kaya bakit ako nanlibre.

Pero kanina, wala, as in ang tahimik. Ang onti pa nun kinain niya, ako tuloy umubos lahat. Amp. Okay lang, para kay Michael naman e. :”) Ay teka, yun lunch na ginawa ni Alex para sakin. Tsktsk.

Wow. California Maki tsaka Spam Musubi pala ‘to, bakit di ko napansin kanina? Favorite ko ‘to!! Teka, bakit niya alam? Stalker ko ata si Alex e? Hindi, sus, ang assuming ko ha. Baka nagkataon lang, kasi baka favorite niya din dba?

Makain na nga, para di na siya mag tampo, ang arte arte. Namimiss ko tuloy kaingayan nya. Bakit kasi ganun siya? Ano naman kung di ko nakain dba? Sayang nga lang effort niya. Kakainin ko na, para wala na siyang masabi.

In fairness ha, masarap. Magaling siya gumawa ng Maki at Musubi, papagawa nga ko araw araw. :3

ALEXANDER’s POV:

Hay, wala talaga akong gana. Nagselos talaga ako dun sa lalaki kanina, nasayang effort ko. :( Nakakainis yun si Hanna, di ko lang siya matiis kaya pumayag ako dun sa libre niya. Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

Ano naman kung nasayang effort ko? Ano ba niya ko para ma-konsensya siya dba? Sus. Hayaan ko na nga lang siya. Bahala siya sa buhay niya. Di ko siya papansinin! Hmp! Wag lang siyang mangulit.

“Alex, Alex, tao po? Alexander? Tulog ka na ba?” Kakasabi ko lang na wag siyang mangulit, ayan naman, dumating. Ano kaya kailangan niya?

“Ano yun?”

“Labas ka, dali, may papakita ako sayo.” Ano naman kaya yun? Bagong rules? Tsk.

“Ayoko, matutulog na ko.”

“Ano ba yan, dali na, saglit lang.”

“Pagod ako Hanna.”

“Pano ka mapapagod? E wala ka naman ginagawa dito. 5 minutes lang kasiiiii. Ayaw pa kong pag bigyan.”

“Bukas nalang.”

“Ngayon na, useless na ‘to bukas.”

“Say the magic word.”

“Please Alex?”

Madali naman akong kausap, kaya binuksan ko na rin yun pinto, ang sigla niya ngayon ha. Kanina pa siya nangungulit.

“Oh, ano ba kasi yun?”

“Tignan mo ‘to. ^_^” Pinakita niya yun lunch box na pinaglagyan ko ng lunch niya dapat.

“Ano meron?” Pag susungit ko, pero natutuwa ako. Haha!

“Sungit. Kinain ko na, sayang naman kasi. Tsaka kahit busog na busog na ko.”

“Kinain daw. Tinapon mo lang yun.”

“Uy hindi ha! Kahit tignan mo pa sa basurahan. Tsaka sayang, favorite ko yun e!” Oh, favorite niya pala yun? Wow. Ang galing ko, haha!

“Sus, tinapon mo lang.”

“Hindi nga, tignan mo pa.” Hinila niya ko pababa, pinakita niya sakin yun basurahan.

“Salamat.” Tapos kiniss ko siya sa noo, haha! Naka-nakaw nanaman ako ng kiss. Natulala siya e. =))

“Bastos ka talaga!!”

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon