Mabuti naman at may nangyayari na sa research ko. Ang yaman pala ng pamilyang Dela Cruz, parang yun sweldo ko barya lang sakanila. May company sila sa ibang bansa, tapos ang dami nilang business dito sa Pilipinas.
Ang swerte naman ng mga taga-pagmana nila Mr. and Mrs. Dela Cruz, sana isa nalang ako sa mga anak nila. Nakakatawa nga, isa dun sa mga ni-research ko nandun si Alexander. Haha. Isa daw siya sa mga anak, e wala naman siya dun sa ibang na search ko.
Tapos sa mga family picture na nakita ko, madalas dalawa lang kasama nun mag asawa. Malay ko ba, isang misteryo yan si Alexander sakin e, di ko talaga alam kung saan siya nanggaling. Isa kaya siya sa mga anak? Hawig sila ni Mr. Dela Cruz e?
Teka lang, Alec Thomas yun pangalan ni Mr. Dela Cruz, tapos yun asawa niya, Jessica. Si Alexander? Ano nga ba buong pangalan nun? Alexander Joseph dela Cruz?
Hmm, hindi kaya, yun Alexander niya, kinuha sa Alec tapos yun Joseph, sa Jessica, A-J. O dba? Pwede yun! Pero bakit sa ibang research ko wala siya? Ang madalas lang, e yun dalawang anak, si Arianne Jasmine dela Cruz tapos yun lalaki Andrew John dela Cruz. Bakit wala siya? Sakto nga yun pangalan niya e, Alexander Joseph dela Cruz, pang mayaman.
E nako, kung ano ano iniisip ko, papa-schedule nalang ako ng interview sakanila. Para matapos na ‘tong pag tatanong ko, at itong research na ‘to.
Na e-mail ko na yun secretary, okay na yun mga tanong, may nakalimutan pa ba ko? Hmm, wala na. Matutulog na ko. Wala pa si Alex ha? Uuwi kaya yun? Text ko nga, ay, wala pala akong number nun. May susi naman siya ng bahay, pumasok nalang siya, antok na ko, good night! J
Ang sarap matulog! Sana araw araw ganito, walang trabaho, walang maingay, payapa! Buti di na ko pinapasok nun boss ko, buti naman at naawa siya. Ma-check nga yun mail ko, baka nag reply na yung sa company nila Mr. Dela Cruz.
Check, check, check…
Ayun, meron reply. Yes! Matatapos agad ‘to! Kailan kaya sila available? Ay, Saturday? Ano ba ngayon? Friday? So bukas na? May lakad ata ako bukas e? Wait, check ko nga…
Sabi na! Meron. Tsktsk, birthday ni Angela bukas. Pano yan? Hassle naman oh. Pero umaga naman yun interview ko sa mga Dela Cruz, tapos yun party ni Angela e gabi pa. Go, kaya yan! Sana maaga matapos yun interview.
Address, check!
Time, check!
Questions, check! Okay na! Ready na ko bukas.
May napapansin ako. Wala ata si Alex ngayon? Maagang umalis? O hindi talaga siya umuwi kagabi? San naman kaya natulog yun? Madalas kasi pag gising ko, gising na siya, nakahain na yun almusal. Bakit ngayon parang wala? Katukin ko nga sa kwarto niya, baka tulog pa.
“Alex? Nandyan kaba?”
Wala ata? Katok ako ulit.
“Alex?! Alex!!”
Mukhang wala nga, mukhang hindi nga siya umuwi kagabi. O baka naman tuluyan ng umalis? Haha! Edi masaya! Payapa na ulit buhay ko! Woohoo!
Kaso hindi e, yun laundry niya nandyan pa, slippers. Tsaka yun iba niyang gamit. Bakit ko ba siya inaalala? Malaki na yun, uuwi siya kung kalian niya gusto, tsaka parang border lang siya dito, wala akong pakielam kung ano man gawin niya.
Makaligo na nga lang, mag shoshopping nalang ako, para sa birthday ni Angela bukas, bibili ako ng dress at gift para sakanya. Yes! Makikita ko nanaman sila bukas! Yey! Tawagan ko muna siya. :D
Kriiiiiing, kriiiiing, kriiiiiiiiiiing…
Tagal naman sagutin yun phone. Amp.
“Hello?” Sa wakas sinagot din!
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...