Time check: 6:00am. May dalawang oras pa ko para mag ayos. 9:30am yun interview sa mga Dela Cruz. Dapat presentable, so start na ko mag ayos, ako ang mag iinterview, kaya dapat, hindi ako ma-late. Tignan ko muna gamit ko, baka may kulang.
Recorder, check!
Notebook and ballpen, check!
Copy of questions, check!
Ayan, okay na. Maliligo na ko, tapos mag aayos, then gorabels na! Good luck sakiiiiiiin. Aja!
Ang ganda ganda ko na. :D Matipuhan sana ako ni Andrew John, isa sa mga anak ni Mr. Dela Cruz. Haha! Kaso, ang tanda na nun, 30 ata, e ako, 22. Haha.
Age doesn’t matter naman pag dating sa love dba? Haha. Kaso may fiancé na daw yun e. Ang landi ko lang, haha! Tama na pag papantasya. Baka ma-late pa ko nito.
Wala nanaman breakfast. :( Na-mimiss ko na yun fried rice niya. :( Sarap niya kasi gumawa nun. Gising na kaya siya? Katukin ko kaya? Kaso baka maistorbo. Wag nalang. Hmp. Maka-baba na nga, sa labas nalang ako mag breakfast, mag drive-thru nalang ako.
Wow. Ano ‘tong nasa lamesa? Breakfast? Akala ko tulog pa siya, maaga palang nagising, e san naman kaya siya pumunta? Yes, makakain na ulit ako ng fried rice na gawa niya. Na-miss ko ‘to ha. Hihi. Teka, time check muna. Okay, 8:00am, pwede pang kumain. Yey! :’D
At nakahiwalay pa talaga plato ng ketchup ha? May nakasulat pa, hmmmm..
“G-O-O-D M-O-R-N-I-N-G-! S-O-R-R-Y-! I-L-Y!”
Ano yun ILY? I love you? I love you, agad agad? O baka naman, I'll leave you? May note, basahin ko muna. Kakain na lang ako, dami pang echos. Alexander talaga.
“Hi Ms. Hanna! My princess. :) Sorry ‘bout last night, I didn’t mean it. Ikaw naman kasi, I told you to stop, pero hindi mo pa din ako tinigilan sa girlfriend girlfriend na yun. Hmp! Nakakaasar kaya. She’s not my girlfriend, I don’t even court her. Just so you know. Have a great day! Take care and God bless! :) ILY! – ALEX.”
Ano ba ibig sabihin niya sa ILY niya yan! Kainis na ha. Yun princess pa, parang ewan lang. Amp. E sino yun babae na yun? Napaka-mysterious naman nitong si Alex, parang ang daming tinatago. Wew. Kainin ko nalang nga ‘tong hinanda niya, para maka-alis na din.
Okay, busog na, ready na ko sa interview. Sweet din yun si Alex no? Ngayon ko lang na-experience yun ganun. Di ko kasi na-eexperience yun sa mga naging EX ko, lalo na kay Michael, siya nga laging nakakatanggap ng surprise mula sakin e, hmp.
Dito na ko sa building ng mga Dela Cruz, as usual, busy lahat ng mga tao. Feeling ko napaka maimpluwensya nilang pamilya. Ang daming nag tatrabaho sakanila, tas may mga foreigners pa, siguro mga business partners nila.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...