IRIS ELAINE'S POV
Papunta ako ngayon sa likod ng library. Nakakainis, hindi man lang ako napansin ni Rebel. Panay ngiti n'ya. Kaya sobra ang inis ko. Nakakahiya naman kasi, kinumusta ko s'ya ngunit hindii n'ya ako pinansin.
"Ris, saan ka pupunta?" tanong ni Yanna sa 'kin.
"Maglakad-lakad lang para makapag unwind. " sagot ko.
Nang makarating sa likod ay napangiti nalang ako habang tiningnan ang puno. Mukhang mabubuhay pa ng matagal ang muntik ng mamatay na puno. Uupo na sana ako sa may damo ng napansin ko ang isang tarpulin na nakasabit sa sanga ng puno. Para itong sinadyang isabit para masilungan pero ng basahin ko 'yon ay naisip kong hindi pala para silungan. Nakasulat kasi do'n ang 'BAWAL TUMAMBAY DITO'.
Napangiti nalang ako. Sigurado akong pakana na naman 'to ni Yelo. Alam kong inaalagaan n'ya ang punong 'to kaya unti unting tumubo ang panibagong dahon sa mga sanga nito.
"Hoy, bawal tumambay dito." napatayo ako saka tiningnan ang pinanggalingan ng boses. Si Yelo, Nakasandal din ito sa puno.
"Ba't ba ang arte mo?" tanong ko sabay pout. At nakacross arms na tiningnan s'ya.
"Eh ang gwapo ko kasi." nakangising tugon n'ya sabay pogi sign pa.
"Anong connect sa kagwapohan mo at sa bawal tumambay sa puno."
"Eh... ahhmm... Gwapo din ang puno."
Napangiti ako sa sinagot n'ya at...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hindi ko mapigilan ang halakhak ko.
"Anong nakakatawa?" nakapout n'yang sabi.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." nag-iisip ba ang yelong 'to.
"HAHAHAHAHAHAH" NApahawak nalang ako sa t'yan ko dahil sumasakit na sa kakahalakhak.
"Wala namang nakakatawa ah" sabi ulit n'ya. Kaya naman pinilit ko ang sari ko na tigilan na ang kakahalakhak.
" Ngayon ko lang kasi naisip. Kapareha nga kayo ng puno. Ang katawan nito ay kasing gaspang ng ugali mo." sabay walk out ko. Sana. Pero hinawakan n'ya ang braso ko at pinaharap sa kanya saka.. niyakap n'ya ako. Katahimikan ang namayani habang yakap-yakap n'ya ako. At nararamdaman ko pa ang bilis ng pagtibok ng puso n'ya.
'Tang'ina ka Yelo ka. Nakakahawa ka.'
Oo nahahawa ako, nahahawa ang puso ko at bumilis din ang pagtibok nito. Pakiramdam ko, naglaho lahat ang sakit na naramdaman ko. Dati pa, ganito na ang nararamdaman ko sa t'wing nandyan s'ya. Pinapagaan n'ya ang nararamdaman ko.
"I need to tell you this... Hindi ko na kasi kayang kimkimin 'to." He uttered.
"Gusto kita. Gusto kita. Gusto kita. Noon pa. Natutuwa ako na makikita kang naiinis sa 'kin. Sobra akong kinilig noong oras na binabato mo ako ng Lampshade, ng unan, ng sapatos mong may takong. Mahal na nga siguro kita eh."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Totoo ba 'to? o panaginip lang 'to. Mas bumilis pa ang pagtibok ng puso ko.
"Gusto naman kita eh Yelo ka." I paused, then evil grin.
"Gusto kitang iuntog sa puno para marealize mong mas gwapo at malakas pa pala Ang puno kesa sa 'yo."
Napabitiw s'ya sa pagkayakap sa 'kin saka nagpout pa.
" Ang brutal mo pala." Nakanguso paring sabi n'ya at ako naman panay ngiti lang.
"Umalis ka na nga. Bawal tumambay dito okay. kaya alis." galit-galitan pa n'yang tugon sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Death Game Series1: THE LOSTS SOUL
Gizem / GerilimAfter an accident happened when she was young, Iris Ellaine Park doesn't have a normal life. She can sees souls. Everytime she had an eye contact to the souls she encountered, she felt that it's her responsibility to help them. Whether helping for t...