BOBO PALA HA? (One-Shot)

300 9 5
                                    

Based on true events.

Names of characters were not changed.

++++++++++++++++++++

“Okay class, get 1/4!” pag aanunsyo ng aming guro.

Pagdating ng hapon sa eskwelahan, alam niyo naman kung ano ang nakakatamad.

Mainit na panahon plus quiz na hindi mo ini-expect.

Isang boring na hapon sa aming mga BS Biology students ang magkaroon ng quiz lalo na’t dapat ay oras na ito ng pahinga. Kokonti lang kasi kami kaya combined kami sa mga Home Technology (HT) Students. Ang totoo, dalawa o tatlo lang ang kilala ko sa kanila. Wala kaming kaide-ideya kung sinong mga Poncio Pilato ang classmates namin. Kilala ko lang sila sa mukha.

Silang lahat ay nakaupo sa likod. Alams na. Magbubukas sila ng notebook at pasimpleng magkokopyahan.

Kami naman ay nasa harapan.

Alam na nila ang drill, magkokopyahan din kami.

Gulat kayo no? May lakas ng loob kaming magkopyahan lalo na’t nasa harapan kami.

Ang aming teacher na si Sir Salcedo ay nagkastroke noon kaya medyo limitado ang mga galaw niya. Nahihirapan siyang maglakad dahil may arthritis din siya. Wala siyang pakialam kung magkopyahan man kayo dahil hindi ka naman niya maaabutan. Titingnan ka lang niya at kunwari’y wala siyang nakita.

“1/4 paper Sehr?” tanong ng isang kaklase kong HT.

“Ay hinde! 1/4 illustration board ang sa’yo. Boplaks.” sagot ng katabi niya.

“’Yan kasi, tatanong tanong ka pa.” sabi pa ng isang katabi nito.

Okay na ako, dahil Social Science naman ang tinuturo ni Sir. May alam naman ako kahit konti.

Tinukso ni Sir Salcedo ang isang barkada kong si Roniel na isulat ang mga tanong sa blackboard. Nahihirapan din kasi si Sir na magsalita at magsulat dahil sa karamdaman niya.

Huminga ako ng malalim habang nagsusulat si Roniel sa blackboard.

“Number 1, who was the first impeached Philippine President?”

Ngisi kami ng ngisi ng mga kaklase ko. Kampante kami, dahil alam namin ang sagot. Hindi na muna kami nagkopyahan sa number one.

Maraming ingay sa likod, alam kong nagbubukas na ng notebook ang iba.

+++++++++++++++++++++++

Ilang minuto ang nakalipas at natapos na ang quiz.

“Exchange your papers sa mga kaklase niyo sa likod.” Turan ni Sir.

Pagkakuha ng barkada ko ng isang papel mula sa mga HT. Tawa siya ng tawa.

“Ahahahahahaha, guys! Guys! Ahahaha.” Sabi niyang nakatawa habang tinitikwas ang mahabang buhok.

“Bakit?” tanong ni Angelique.

“Tingnan mo ang sagot niya sa number one. John Estrada! Ahahaha” walang humpay na kakatawa ni Kezia.

Tawa parin siya ng tawa na imboluntaryong nagliliyad ang katawan niya. Parang pati ngala ngala na niya ay makikita mo. Siniko siko din niya kami para makasabay sa tawa niya.

Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa sagot na John Estrada na dapat sana ay si Joseph Estrada ang naimpeach? Haha Kailan pa kaya naging presidente si John Estrada?

“Ang bobo naman. Hahaha. Artista ‘yon eh. Haha, bobo.” Dagdag pa ni Kezia na hindi nawawala ang paghawi ng buhok at tinikwas tikwas niya, samahan pa ng pagliyad.

“Haha, oo nga. Baka naman nagkamali lang.” sabi ko.

“Oo, nagkamali ang ballpen! Ang bobo talaga! Hahahaha.” Sagot ulit ni Kezia.

May tumikhim sa likod.

“A-ham.”

“Sino si Ka-zah-yah?” tanong ng isang lalaking payat na malaki ang mata.

“Excuse me, it’s Keeh-zeh-yah! Bakit?” binigyan niya talaga ng emphasis ng bawat syllable ng pangalan niya. Hindi pa nakontento dahil nagroll-eyes pa siya at hinawi ang buhok niyang hanggang beywang.

“Yung sagot mo sa number one, John Estrada.”

END

BOBO PALA HA? (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon