CHAPTER 12
"WHAT'S UP WITH YOU?" 'Yon kaagad ang lumabas sa bibig ni Gladz ng makapasok sa kusina at nakita si Beckett na nagtitimpla ng kape habang nakahilig sa island counter. "You're being weird."
Hindi siya pinansin ni Beckett, sa halip ay sumimsim ito ng kape saka napatitig sa lababo na para bang may importanteng bagay na naroon.
Napailing siya saka nilapitan ang binata at tinampal ang dibdib nito.
"What the hell?!" Parang nagising si Beckett sa ginawa niya dahil pinukol siya nito ng masamang tingin.
"Kinakausap kita." Aniya saka umupo sa stool na nasa gilid ng island counter. "Ano na naman ang drama mo sa buhay?"
He gave out a loud breath. "I'm feel so fucking guilty."
Napabaling siya bigla sa binata. "At bakit?"
Humarap sa kaniya si Beckett saka tinitigan siya. "You were so drunk last night so I took a really good care of you even thought Im pissed because youre drunk. Saka ko lang na realize na umiinom ka lang naman pala kapag malungkot ka, nasasaktan o may problemang gustong mawala sa isip mo. And then I also came to realize, what you had been through when I choose to leave you behind knowing all your problems and worries at that time." Mapakla itong natawa. "Guilt is eating me, Gladz. I keep asking myself... Naglasing ka din ba noon ng umalis ako? Sino ang nag-aalaga sayo kapag nalalasing ka? Safe ka bang umuwi. May nambastos ba sayo? Ang dami kong tanong na alam kong hindi mo sasagutin—"
"Oo, palagi akong naglalasing noon." Aniya at pinutol ang iba pang sasabihin ng binata, "tama ka, iniwan mo ako sa ere kung kailan kailangan na kailangan kita. My family was a mess back then. The yelling won't stop. Arguments here and there. At ang taong takbuhan ko kapag nangyayari 'yon, umalis din at iniwan ako. I feel so depressed. And then year after you left, Dad died. Can you imagine the hell that Id been through? Taking care of my father's funeral while worrying over my mother's mental health.
"I dont know what to do." Nag umpisang manubig ang mga mata niya, "I'm depressed, Im in pain, Im lonely, Im scared and I feel so alone. And my fucking boyfriend, Kevin, the only person I was counting on that time, left me too. Just like you did."
"Gladz..."
Marahas siyang umiling saka ilang beses na huminga ng malalim at nanunumbat ang matang sinalubong ang mga mata ng binata. "I hate you. I can't forgive. Hindi ko kaya. Kapag nakikita kita, parang may kamay na pumipiga sa puso ko dahil iniwan mo ako kung kailan kailangan kita samantalang nangako ka sakin na hindi mo ako iiwan. I asked you, no, I beg you not to leave me, but you didnt listen. You left me knowing what Im going through."
"Gladz..." Inabot ng binata ang kamay niya saka pinisil iyon, "Im so sorry. I'm really sorry."
Tumingala siya para pigilan ang pagdaloy ng luha pero nakatakas pa rin iyon sa mga mata at nabasa ang pisngi niya. Napasinghot-singhot siya saka kaagad na tinuyo ang basang pisngi.
Beckett gathered her in his arms and embraced her tightly.
Sa hindi niya malamang kadahilanan, yumakap din siya sa binata na matalik niyang kaibigan mula sa first year high school hanggang college.
"I hate you." Bulong niya habang nakayakap kay Beckett.
"Alam ko." Hinagod ng binata ang likod niya. "Alam ko."
Ilang minuto rin siyang umiyak bago kumalma at kumawala sa yakap ni Beckett.
"Okay na ako." Aniya saka bumaba sa island counter at ilang beses na huminga ng malalim. "I'm okay." Ulit niya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...