Tandang-tanda ko pa,
Yung araw kung kailan ako umibig sa'yo sinta.
Ako'y nabighani sa iyong ngiti,
Pati narin sa tinig mong nagpapasaya sa'kin parati.Masaya ako sa tuwing nakikita kita,
Nabubuhayan ako at sumisigla.
Ngunit ang saya na aking nadarama,
Ay bigla nalang nawawala sa tuwing naaalala ko na,
"Sa panaginip nga lang pala tayo nagkakasama."Gaya ng iba,
Ninais ko din na makita at makasama ka.
Pero napaka-imposible naman ata noon hindi ba?
Dahil ang mundong ginagalawan natin ay magka-iba.Isa kang sikat na tao,
Habang ako naman ay palihim lang na umiibig sayo.
At sa tuwing binibigkas mo ang salitang "Saranghaeyo",
Umaasa ako na sana,
Sana para sa akin ang salitang binitawan mo.Kung saan-saang bansa ka pumupunta,
Habang ako naman ay nakasubaybay lamang sa'yo sinta.
Hindi ko man nasasabi sa'yo tuwina,
Ngunit ang puso ko na ang siyang sumisigaw na "Mahal Kita"Aminado ako,
Na hindi parin ako bumibitaw sa pangarap ko.
Sa pangarap ko na kahit minsa'y magkikita din tayo.Ikaw ang aking insipirasyon,
Kung kaya't nasulat ko ang tulang ito.
At alam ko na darating ang panahon,
Kung kailan masasabi ko din sa'yo.
Masasabi ko sa'yo ang mga katagang,
"Ikaw ang nagbigay kulay sa buhay ko"
BINABASA MO ANG
Saranghaeyo
PoetryHi guys... Gusto ko lang na i-share sa inyo ang tulang nagawa ko... Hindi naman ito mahaba kaya sana magkaroon kaya ng kahit katiting na oras para basahin ito! Ang tulang "Saranghaeyo" ay inaalay ko sa BTS at sana po ay magustuhan nyo... Iyon lang p...