“ I hate them, I hate my life, for crying out loud I’m already 20, bakit kung makahawak sila sa akin daig ko pa ang nagdadalaga” inis na inis nyang sigaw.
Nasa loob sila ng bestfriend/Chaperon/ P.A/ yaya na rin na si Rhea sa Fastcraft terminal ng Dumaguete. They were bound to sail to Cebu two hours from now nang bigla pina-hold siya ng mama nya sa departure.
“ Calm down Sheng, pinagtitinginan na tayo ng mga staff nyo!” awat ng bestfriend nya sa kanya.
“ I don’t care Unnie, I just don’t fuckin carrrrre!” sabay balibag nya sa kanyang shoulder bag sa mesa ng maliit na private office ng Narvaez sa pier, bago pa kasi siya makapagwala ng tuluyan sa labas ay hinila na siya ni Rhea papasok sa maliit na opisinang iyon.
“ How could she do this to me? Urrrrgh!” inis na inis na sigaw pa din niya.
All her life sobrang gwardiyado siya, sobrang pampered. Only daughter kasi, kaya ganun kung makabantay ang mama nya sa kanya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay ganun pa rin, samantalang graduate na siya ng College at nagtatrabaho na nga sa Company ng Family nila, she knows from the start she was destined to run the family business na dumaguete base, at simula ng nag-OJT siya till now ay unti-unti na siyang bini-build-up ng mga Auntie, tito, tita at lalo na mama nya para maging ready siya pagdating ng panahon.
Lahat iyon tinatanggap nya ng walang reklamo, alam nya kasi tulad ni Spiderman kailangan niya itong gampanan, sabi nga ng Uncle ni spider man “ great power comes great responsibility” at dahil makapangyarihan sila sa mundo ng business na kinabibilangan nila at sa kanya ito nakaatang ay kailangan nyang panindigan ang responsibilidad na iyon kahit sa murang edad niya.
Pero iba ngayon, specially sa araw na ito, di niya matanggap na pati ang kakaunti freedom na ito ay ipinagkakait ng mama nya sa kanya.
“ I’m only 20 for crying out loud, Unnie. May karapatan din akong mag-enjoy, kahit ito lang, di nila ako kayang pagbigyan?” inis na inis pa ring sabi niya.
“ I understand Sheng! I’ll try to talk to Tita about this, we still have 1 hour para magbago ang isip nya.”
“ No!, I’ve had enough. I’m going, with or without her permission, di lang naman Narvaez ang may mga barko na lalayag papuntang Cebu.” Sabay walk out niya sa maliit na opisina na iyon.
“ Shiela Marie! Wait!, Oh God, mapapatay ako ni tita nito” sabay habol nya sa kaibigan nya na nagmamadaling naglakad papunta sa sasakyan nya.
Sanay na sanay na si Rhea sa mga outburst ng bestfriend nya, kahit naman kasi kung siya ang nasa kalagayan nito ay ganun din ang maramdaman niya. Kaya nagpapasalamat siya na hindi siya naging anak mayaman, kasi ang akala ng iba ay ang sarap maging ganun, pero sa totoo lang kahit salat siya sa material na mga bagay ay mas masasabi pa rin nya na na-enjoy nya ang kabataan nya kaysa kay Shiela.
Tulad ngayon, they were suppose to go to Cebu for a barkada get-away. Bachelorrete party ng isang kaklase ni Shiela from college ngayong gabi na gaganapin sa isang sikat na hotel sa Cebu. Pati siya isinama sa invitation ng kaibigan nito para lang mapayagan ang kaibigan nya na makapunta pero wala din palang mangyari.
Actually may fault din si Shiela sa lakad na ito, if only she told her mom a week ago ay pwede naman siguro na mapapayag nya ang mama nito sa kanilang lakad, basta magsama din sila ng isang security. Pero nagmamatigas ang bestfriend nya, she insist on going, and deciding on her own, ang rason nya, graduate na siya ng college, may trabaho at kumikita na rin ng sarili niyang pera kahit di naman na nya kailangan iyon.
So, ang ending, habang nasa daan na sila papunta ng pier ay tumawag bigla ang mommy nito kasi may dinner sila mamaya sa bahay nila, nang sabihin nito na on the way to cebu sila ay bigla nagwala ang mama nito at pinigilan sila, pero walang nagawa kasi di pa rin nakinig ang anak niya. Pero mas wala silang nagawa ng pagdating nila sa terminal ay pina cancel ng mama nya ang ticket at inutusan lahat ng staff na wag na wag silang papasukin onboard or malalagot lahat sila.
Natigil sa kanyang pag-iisip si rhea nang makitan niya uli ang kaibigan na palabas sa ticket outlet ng kakumpetrnsiya nila na shipping lines. Naiwan lang siya sa loob ng sasakyan.
Napansin niya na nakangiti ngayon ang kaibigan nya. So typical of her, kung may kalokohan na naman siyang nagawa. Pagkalapit nito sa sasakyan ay agad niyang binuksan ang driver side.
“Guess what?” nagmamalaking sabi nito.
“what?”
“ am going to Cebu in 30 minutes. And you my Dear friend will stay.”
“ Whaaaaat?. No, way. You can’t go without me Shiela Marie. Mas lalo ako malalagot kay Tita.”
“ Sori Unni, fully booked na talaga. This is the last slot na nakuha ko.” Sabay bigay ng ticket nya sa kaibigan nya na si Rhea.
Biglang nanlaki ang mata ni Rhea nang makita nya ang pangalan na nakalagay sa ticket. “ Noooo, you can’t do this Sheng, paano kung may mangyari sa byahe nyo?”
“ Ikaw ang morbid mo mag-isip”
“ No I’m not!, sinasabi ko lang ang posibling mangyari.”
“ I’ll be alright. Everything will be alright. In 4 hours nasa Cebu na ako, ang lapit lang kaya ng byahe ko, as if naman overnyt yong barko.” Pangungumbinse nito sa kaibigan nya.
“ Paano mo lulusutan yan, eh hahanapan ka ng I. D pagsakay mo.”
“Dont you remember this?” sabay wagayway nya sa pagmumukha nito ng fake I.D na minsan na nila pinagawa nung minsan din siyang tumakas sa mama nya at sumama nag-disco sa mga kaklase nya.
Di na nakapagsalita pa si Rhea. As usual, what shiela wants shiela gets. Ganun naman lagi ang nangyayari.
Pinasibad na ni Shiela ang sasakyan pabalik sa pier. Habang nagmamaneho ang dalaga ay di pa rin mapakali si Rhea sa upuan. Iniisip nya paano na kung may mangyari sa kaibigan nya, at pangalan pa talaga nya ang ginamit nito sa pagkuha ng ticket.
Pagkarating nila sa pier ay tamang-tamang sumasakay na ang iilan sa mga huling pasahero na mag-embark sa Fast Ferries.
Dali-daling kinuha ng dalaga ang malaking sunglasses sa loob ng bag nya at binalot ng malaking scarf ang kanyang mukha, sabay ngiti kay Rhea at inabot ang susi ng sasakyan.
“what do you think” sabay taas niya sa mukha niya.
“ di ka nila makilala”
“Good”
“Please Sheng, mag-ingat ka doon, call me when you arrive.”
“Sureness. I really want you to come with me, pero wala akong magawa, Wish me luck”
“Goodluck. Enjoy” yon nalang ang pwede nya sabihin. Sa tindi ba naman ng kalokohan na ginawa nito para lang makaalis ay kailangan din ma-enjoy nya ang pagtakas na ito para sulit sa pag-uwi nya na pihado mahabang litanya ang matatanggap nito mula sa mama niya.
“Thanks Unnie. Tell mama I’ll be back on Monday.” At dali-daling tumalikod na ang dalaga palayo sa kanya.
Napasandal si Rhea sa sasakyan. Sumagi sa isip nya, na isa din siya sa mga dahilan kung bakit minsan ganito ang kaibigan nya. Minsan kasi tinotolerate nya ng mga pinaggagawa nito, pinagtatakpan sa tita nya, at kung ano-ano pa na pwede niyang magawa para makalusot lang si Shiela, sa kadahilanang naaawa din siya dito, dahil sobrang guarded at boring ng buhay nito habang nagdadalaga.
Tiningnan niya uli ang kaibigan na ngayon ay nakapasok na sa loob ng ferry, para siyang nabunutan ng tinik sa kaalamang di ito nahuli na di siya yong nakapangalan sa ticket nito, she silently prays for her friend’s safety bago siya tuluyang sumakay sa kotse, pauwi sa mansion, pauwi sa nagbabagang galit ng mama ni Shiela.
“ Here I go again! Help me Lord.”