This short story is work of fiction.
Note: Any names of person, place, or events are purely coincidental.
Alam ko yung feeling nang may Crush ka. Yung tipong may inspirasyon ka gumising nang umaga aside sa family mo. may gana kang pumasok araw-araw sa school para lang makita siya. Yung kinikilig ka pag tinatawag niya ang pangalan mo. Ang saya nang pakiramdam pag may crush ka. Palagi kang inspired.
Alam ko rin ang feeling nang masaktan dahil lang sa crush. Alam natin na minsan ang crush ay hanggang crush lang. Iba na kasi ngayon, eh kahit sa simpleng crush lang ay nahaheart broken din tayo.
• • • •
Ako nga pala si Arrianne Kate Tolentino. Just call me 'Yan, or Kate'. 4th year high school sa isang Catholic school. I'm Just simple girl at walang arte sa katawan. Kaya nga walang nagkakagusto sa akin e.
Naging crush ko siya noong 3rd year highschool ako. Paghanga lang naman. Ang gwapo niya kasi pumorma. Halos lahat naman kami sa section namin na may crush sa kanya. Hindi naman siya kagwapuhan Pero Ewan.
'' Uy! Arriane Kate. Nag didaydream ka nanaman. Ano ba kasi iniisip mo?'' tanong sakin ni Ethel. Siya yung pinaka maingay sa aming grupo. e maingay naman talaga kami magugrupo.
'' Ha? Wala ah. '' Palusot ko.
Buti nalang at kinalabit niya ako. Iniisip ko nanaman kasi siya. Haaaay. Ilang minuto rin at pumasok na ang 1st subject teacher namin. Math lang naman. Nag focus naman ako sea pakikinig dahil finals na.
Salamat ay break na namin. Pumunta na kami sa canteen. kasama ko ang mga best friends ko ang JEANKAH sisters. Initial names namin yan na pinagsasama. J for Jenny, E for Ethel, A for Arrianne, N for Noreen, K for Keizyll, A for Andrea and
H for Hannah. Oh diba? Ang ganda nang group name namin. May kasama rin pala kami sina Wilbert, Vince, Bill, JC at si Paul.y Ang ingay nga namin pag kami ang pinagsama.
Nandito kami ngayon sa canteen na at naghihintay sa pagkain. Mag oorder na si Vince for the foods of the boys and Jenny for the girls. Kinuha na nila ang mga pera namin at yung gusto ipabili.
'Jen. Ham sandwich nalang yung sa amin ni Noreen at Ethel. at mineral water. thanks! ' sabi ko.
Tumango nalang siya.
' Sa amin ni Hannah at Keizyll ay sunny side up na sandwich at mineral water Jen. Thanks.'' sabi naman ni Andrea.
'' Okaaaaay. Swerte kayo at masipag ako ngayon. '' Sabi ni Jenny at tumawa nalang kami lahat.
Ganun din ang ginawa nang mga boys sa kabilang table. Ang ingay nga nila e. Mas maingay pa sa amin. Ang cute lang nila tignan..
'' Hoy! titig na titig ka nanaman kay Bill.'' sabi ni Keizyll.
Oo. Si Bill Jay Cuales ang crush ko. Nagkulitan lang kami hanggang dumating na ang snacks namin.
'' halata ba? hahahaha.'' sabi ko. At nagtawanan naman sila.
'' Oo. halatang halata. Di nalang kami magugulat kung malalaman niya yan na crush mo siya.'' sagot ni Noreen
'' Hala! Wag naman. Ang awkward kasi pag nalaman niya.'' sagot ko na may halong lungkot.
'' O? bakit naman? Ayaw mo pa nyan. Malalaman niya na, na may crush ka sa kanya.'' sabi naman ni Hannah.
Umiling nalang ako. Pero sa totoo ayoko na malaman nya na may gusto ako sa kanya. Baka mag-iiwasan lang kaming dalawa. Ayoko naman na masira ang pagkakaibigan namin.
Nag bell na at hudyat na tapos na ang break time. Oras na para sa next class. Sinenyasan na ni Ethel ang mga boys sa kabilang table para sabay na kami papasok sa classroom namin. Tumango naman sila lahat. Nagsimula na kami maglakad patungong classroom at sumunod naman ang mga lalaki sa likod. Nang biglang lumapit sa akin si Bill.