Chapter 16

1.1K 76 12
                                    

Maymay's POV
× × ×

Kakatapos ko lang mag-agahan nang nag-alarm yung phone ko. Yung reminder pala yun, na itext or sabihin ko kay Edward yung tungkol sa show nila Kuya sa school nila next week.

Edward, good morning! may sasabihin pala ako sa'yo mamaya. Tickets. Ipaalala mo nga? See you!

Ayan, tinext ko narin siya. Ilang sandali pa, nakarating narin ako ng school. As usual, maaga nanaman akong dumating. Sabay-sabay kasi kami nila Yong, eh maaga pasok niya kesa samin ni Kuya pero sakto lang naman din.

"Haven't talked to you in a while, Marydale." Si João. Maaga siya ngayon ah?

"Oo nga no. Kumusta?" Sabi ko naman.

"Eto. May gusto parin sa'yo." Sagot niya. Ayy iba din! Lagi nalang ako ginugulat netong si João. Kung hindi siya sumusulpot sa kung saan, yung mga sagot niya naman ang nakakabahala.

"Parang may kasamang sama ng loob at pagsisisi ah?" Sagot ko sakanya. "Lilipas din yan, wag ka mag-alala."

"Seriously? Bakit mo sinasabi yan sakin?" Biglang sumimangot siya. "Wala ba talaga akong pag-asa?"

"Bakit kasi ako pa? Ang daming nababaliw sa'yo. Eh ni hindi naman ako maganda?" Sabi ko nalang.

"That's not true." Sagot ni Edward. Oo, si Edward. Kararating niya lang at narinig niya pala yung usapan namin ni João. "Hey bro. Maymay, Hi. And yeah, that's not true." Dagdag niya pa.

"Hey. Right." Yun nalang nasabi ni João sakanya.

"Oy hello! Ikaw pala." Sabi ko.

"What were you saying na kasi? About your text kanina, that you're gonna tell me something? Tickets?" Sabi ni Edward sakin.

"Ayy si Kuya ko kasi. He gave each of us, tickets.  Tara daw sa show nila next week." Sabi ko. Ang awkward pala, narealize ko lang, kasi nasa tabi ko lang si João na nakikinig sa usapan.

"Alright. Sure. Kindly say thank you for me." Sagot niya naman.

"Anong show?" Sabay tanong ni João. Eto na nga ba yung sinasabi ko eh!

"Her brother's in a dance troupe with my cousin. So . . . yeah" Sagot ni Edward. Buti nalang, kasi hindi ko alam kung anong sasabihin. Baka magka-idea at sumama pa. Madiskarte pa man din si João.

"Oh okay. I see. Have fun." Sabi niya. Ang sarcastic nung pagkasabi. Hmm. Siguro hindi naman, baka ako lang to.

Normal lang naman naging takbo ng araw at hindi ko pa feel umuwi nung hapon na. Buti nalang nagtext si Ryle na nasa theatre daw siya. Wala naman practice pero nasanay lang din kasi siya na dun na nag-aaral o tumatambay pagkatapos ng klase. Pinuntahan ko din agad siya.

"Kwento na." Sabi niya, pagkababa ko palang ng mga gamit ko sa mesa.

"Ano? Anong kwento?" Pagkukunwari ko pa, pero alam ko naman kung anong tinutukoy niya. Baka lang iba, diba?

"Si Edward, baliw." Sagot niya. Hayy. Walang lusot. Ano pa nga ba?

"Osha. Oo na." Sabi ko. "Ganto kasi yun." At nag-umpisa narin akong magkwento.

--
Flashback (Part 1)

Bagong lipat lang sila Edward nun, mga bata palang kami, crush ko na agad siya. Pogi kasi eh. Hahaha Nakakatawa! Hindi ko maisip na ganun pala dati, pero wala naman na yun ngayon.

Ayun.

I-shortcut ko nalang ha? Sa madaling salita, crush ko siya hanggang high school kami. Pero syempre, ayoko ko naman sabihin talaga. Kaso nalaman niya rin pala.

Broken Promises (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon