Kabanata 2

52 2 0
                                    

"Tara na, uwi na tayo."

Kanina pa kami magka-chat kami ni V habang nasa trabaho. May centralized Skype for business kasi kami sa company. So, kahit nasaang lupalop ka ng mundo, basta empleyado ka ng company namin, maco-communicate ka. Meron din kami parang FB pero ang network lang at makaka access ay yung mga employees around the globe. Astig!

Nasa kabilang dulo siya naka-upo, at effort na dumayo pa sa akin para lang mag-ngangawa. Kaya eto gamit na gamit ang keyboard niya sa kaka-chat sa akin.

Nangungunot ang noo ko. Lumabas na naman ang pagmumukha ni V sa monitor ko.

May kino-consolidate kasi akong data at kailangan i-send ang report end of shift. Hindi ko matapos tapos sa kaka-chat niya sa akin.

"Tama na yang pagpapanggap mo. Tigilan mo na yan."

Sarap kaltukan sa ngala-ngala! Kanina pa siya rant ng rant sa akin tungkol sa stress niya sa boss niyang si "Barakuda". Oo, barakuda. Boss na mahilig mambara at kuda ng kuda. Kaya ang pet name sa kanya ng luka luka kong kaibigan ay Barakuda.

Kill joy kasi. Trabaho ng trabaho. Turing sa mga tao, aliping sagigilid. Pag may iniutos na report, at kung ano ano pang ad-hoc task, wag ka na sumagot dahil maba-bara ka lang. Mapapa -ear plugs ka dahil sa dami ng kuda niya sa loob ng isang araw.

"Oo, wait lang. Send lang ako ng End of Day Report."

"Pakisamahan ng konting bilis. Pag ako, naharang mamaya at di naka-onda ng uwi ah!"

Natawa ako. Uwing uwi na kasi siya. Kanina pang bago kami mag lunch break, stressed na stressed na siya sa sobrang daming pinagagawa sa kanya na urgent.

"Oo na nga. Eto na isesend na lang yung email oh?"

"Okay, log out na ako. Baka mabaliw na naman tong manager ko at may ipagawa na naman na last minute report. Echuserang Barakuda, gawain niya pinapasa! Feeling niya naman ikinaganda niya yung blush on niyang pang habang buhay."

Natawa ako at nag type ulit ng response sa chat niya.

"Oo na. Sige na. Kita na lang tayo sa locker! "

"Sige bilisan mo ah! Gusto ko na ng frappe. At ng lumamig lamig ang ulo ko. Nakaka-stress ang araw na to ah! Friday na Friday Pressure!"

"Oo na nga. Kulit! Try mo kaya wag mag chat para hindi pop up ng pop up yang pagmumukha mo sa monitor ko no? Para matapos na ako dito. Pampam! "

"K. "

Veronica Madrigal (Offline)

Napailing na lang ako at nag send ng email sa KKB. (kataas-taasan, kagalang-galangan at ka-Boss boss-an). Ako kasi ang nag mononitor at nag ta- track ng mga deliverables ng department namin na isinesend naman sa client namin sa Australia.

Pag ka-hit ko ng send button, nag log out na ako sa PC ko at nagligpit na para maka-alis. Tama na ang pagpapanggap na mabuting empleyado. At saka baka kasi bumula na bibig ni V sa kaka-antay sa akin sa labas. Tumayo na ako at nag paalam sa mga kasamahan ko.

Malapit na ako sa exit nang nakasalubong ko ang isa sa KKB. Tower Lead namin, si Sir Raven Dela Rosa.

"O Crissy, done for the day?"

Muntik ko na mairapan. Naka-out na nga, mag English na naman! Pag tapos na ang trabaho, dapat pilipino na ulit. Paubos na baon kong English ngayong araw. May EOP kasi sa opisina. English Only Policy. Kaya biglang transform into introvert ang mga tao pag nasa loob na ng 16th floor. Laging "a moment of silence" ang peg ng lahat. Walang magsasalita kung hindi tinatanong o kinakausap ng boss. Puro tunog ng keyboard lang ang maririnig sa lahat. Yun pala kasi lahat, doon dumadaldal at nag chichismisan thru chat.

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon