ika-labing dalawang kabanata

186 12 0
                                    

Al's PoV

Nakatungo na ako ng makarating ako sa Clinic tagal ko ring kumakain sa Canteen kaya naman, ibinili ko na rin sila ng makakain.

"Yo, Wends, ano bang ibig sabihin ng Mates?" nakahawak na ako sa door knob at tinanong ko iyon ng maiangat ko na ng kaunti ang pinto.

*BLAG* anu yun? Agad akong pumasok at nakita ko si Wends na nagwawala.

"Pakawalan mo ako Sister. Isang ganti lang oh. Kahit babae yan, 'di ko na yan mapapatawad. Ako na nga itong nagpick-up line sya pa ang magagalit at ibubuntong lahat sa gwapo kong mukha!!"

'Nak ng pating, lumalabas ang hindi kalmadong Wendyl ngayon. Kapag nagpatuloy ito baka masabi nya kay sister na lalaki kami at nagpunta kami dito para kay Ro. Patay kami nun. Baka mapakulong pa kami.

"Ginawa ko ang lahat pati ang--" bago pa man nya maituloy tinakpan ko na ang bibig nya.

"Wends, nakita ko si Ro sa gate, may kasamang lalaki." Seryoso ang mata ko at tingin ko maniniwala talaga sya dito.

Totoo namang may kasama sya sa may Gate e. Si Mr. Croford. Tatay ni Ro.

"Ano?" di na sya nakapaghintay pa ng paliwang ko at agad na tumakbo sa pinto. Napatingin na lang ako sa bintana at agad ko syang nakitang nagtatakbo papunta sa gate. Galit na galit.

"Anong ginawa mo?!" luh? pati ba naman sya magagalit sa akin. "Alam mong sugatan pa yung tao pinagalaw mo agad."

"Hinatid ko sya sa libingan nya ng magtino sya. Tatay ni Ro kasama nya ngayon may kasama din itong body guards at tingin ko sapilitan nilang isasama si Ro sa kanila sa kung saan man. Basta, masama ang balak nila dito." Lumapit ako sa table kung saan ko inilagay yung binili ko tapos lumingon ako kay sister. "Mabuti pa kumain ka muna. Tingin ko hindi ka pa kumakain e. Para sa inyo sana yan ni Wends pero ngayong umalis sya tayo na lang ang kumain nito."

Iniabot ko ang plastic bag sa kanya at tinggap naman niya iyon.

"Lalaki kayo pareho ni Wendy ano?" nabigla ako sa tanong nya pero hindi ko pinahalata iyon at tumingin lang sa kanya. Sabi nga, masamang masyadong nagiging reactive. Nakakamatay. This time, alam kong kapag naging reactive ako, mapapatalsik kami sa school. "Nahalata ko iyon noong una pa lang kayong napunta dito sa clinic ko. Sinabi ko iyon kay Ro bilang tinuturing kong matalik na kaibigan at bilang nakakataas sa akin. Pero sa kasamaang palad hindi sya naniwala."

Si Ro?

Ano nanamang kinalaman nya sa ganitong pangyayari? At bakit nya sinabing nakakataas sa kanya si Ro ganoong magkasing edad lang kami ni Ro.

"Hindi ako magpapaliwanag sa iyo basta mas malalim kung hindi ka sasangayon sa konklusyon ko na lalaki kayo." Napangiti ako sa sinabi nya. Sigurista pala talaga sya.

"Kung oo, isusumbong mo kami sa nakakataas tama ba?" ipinatong ko ang kinakain ko sa table at lumapit sa kanya. Nabigla naman sya sa ginawa ko at tumingala sya sa akin. Naka-upo sya at napaka-lapit ko sa kanya.

Narinig kong napalunok sya at napangisi naman ako doon.

"Hindi ko iyon gagawin kung malalaman ko ang tunay ninyong dahilan." Bumaling sya sa kanan nya at doon ko nakita na nagtatagumpay na ako.

"Narito kami para iisang dahilan ang patakbuhin at manalo si Ro, pagkatapos din noon aalis na kami ni Wendyl. Walang makaka-alam, walang masasaktan. Yan din ang sinabi nya sa iyo kanina, hindi ka pa naniwala, ngayon harapin mo ang parusa mo." Kasabay ng paghangin ng malakas ay ang pagkakatumba nya sa semento. Hinawakan ko sya sa leeg. Mahigpit.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon