Chapter 3: Di Naman Masyado

26.8K 355 42
                                    

Chapter 3: Di Naman Masyado

*Joshua's Swwexy POV*

Hindi ko nga rin matanggap sa sarili ko na nagkagusto ako sa kanya. I thought I was straighter than a pole.

Everytime his skin brushes with mine, I shudder. Everytime he looks at me, my insides go trembling. Ano bang meron sa taong ito?

Sa bawat araw na lumipas, lalong lumalalim ang feelings ko kay Nicko. Nagmukha na nga akong stalker eh. Lahat ng paborito niyang kanta, kabisado ko na. Yun mga ayaw kong bagay noon, halimbawa sa kulay. Ayaw ko ng BLUE noon, pero dahil paborito niyang kulay yun, nagustuhan ko. It's cool to think that he makes me appreciate things that I don't.

Mahal ko siya. Kahit mali sa mata ng nakararami, wala akong pakialam.

"Oh ano namang iniisip mo? Yung kiss nanaman? Selos ka nuh?" sabi ni Jasmine. Katabi ko nga pala siya sa Math. At wala akong balak makinig. Magpapaturo na lang ako kay Nicko. 

Oo nga pala. Hinalikan pala siya ni Miguel. Sana di ko na lang yun nakita. Pero medyo masaya din ako kasi naupuan niya ako. Manyak ba ako?

"Di naman masyado. Teka, makinig ka na nga."

*Jasmine's POV*

Uwian na. At naglalakad na kami pauwi ni Bes. Pero nasa may school pa lang kami. Malayu-layo pa bago main gate.

Ang haba ng buhok ni Bes Nicko. Lahat ng dreamboys ko, sinasamba na siya! Andiyan si Miguel na ubod ng kagwapuhan! Tall, Dark, Sexy and Handsome. Si Joshua, oh my. Si Joshua na bad boy, si Joshua na maputi, matipuno at higit sa lahat magaling mag-gitara!

"Bakit ba ganun sila?" tanong sa akin ni Nicko.

"Bakit ba ganyan ka?" sagot ko.

Kumunot ang noo niya at biglang tumigil sa paglalakad. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ikaw ano bang ibig mong sabihin?" sabi ko naman. Namumula na si Bes. Galit na ata?

"Look Jasmine, I'm just being me. Ako to. And if you're asking, what I meant is that bakit kailangang ganun? Kailangang sa akin sila mahulog, bakit ako?" sabay upo sa gilid ng kalsada. Kawawang Nicko. Akala mo kung okay lang lahat. Ang lakas ng ganang ngumiti kapag maraming tao. Yun pala punong-puno na siya ng problema at sobrang lulong na sa depression.

"Sinagot mo na rin yung tanong mo Bes. Know why they fall for you instead of the beautiful girls out there? Kasi you're just being you. You're so sincere. And they see that through your actions and through your eyes. Ikaw si Nicko na understanding at higit sa lahat, loving. Wala kang pinipiling paglalaanan mo ng pagmamahal mo. Kaya bumabalik lang sayo yan. Good karma, kumbaga." 

Grabe. Hiningal pa akong nagsabi nun sa kanya. Tumahimik lang siya. Nandito lang kami sa gilid ng maliit na kalsada sa loob ng campus. Wala nang masyadong tao.

Totoo nga naman kasi. Imbes na ma-inlove yung mga lalaking yun sa babae, kay Nicko sila nagkakandarapa. Nandito naman ako? CHAR!

"I'm confused about how will I feel towards them, Bes. Di ko na alam kung may mukha pa akong ihaharap sa dalawang taong yun. They are big personalities sa school, mga idols sila. Tapos lalaki sila. Lalaki!" Naman. Naiiyak na si Nicko. Pagkasabi niya nung mga words na yun, yumuko na lang siya at nanahimik.

"Sa generation natin Nicko, halos wala nang imposible. Kulang na lang i-download natin sa internet ang mga kakainin natin araw-araw eh! Isipin mo bes ha, wala akong pakialam kung papatol ka sa isa sa kanila."

Inangat niya yung mukha niya. May halong lungkot at may halong pagka-bagabag.

"I'm not gay." Diin naman niya.

"I'm not saying you're gay. But maybe you can be bisexual."

"Jasmine, give me time okay? I have to think about those pa."

-----

Ano sa tingin niyo ang magiging desisyon ni Nicko sa huli? Comments please! (:

~Walter

Haba Ng Hair! (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon