CHAPTER 22 – The Garden
3rd person’s POV:
Sa kalagitnaan ng kakahuyan, makikita ang isang malawak na abadunadong hardin. Kahit saan man mapadpad ang paningin mo, tanging mga lantang halaman, nagtataasan mga puno at mga sira-sirang upuan lang ang makikita at tanging mga paglangitngit lang ng mga puno ang maririnig.
“Kevin Dale Alfonso, kahit anong gawin mong pagtatago, makikita at makikita pa rin kita. Kaya kung ako sayo, magpakita ka nalang bago pa ako ang makahanap sayo.” Mariing sabi ni Alyana habang nakangisi sa sarili. Lumingon-lingon pa siya sa kanyang paligid at nagsimulang maglakad hanggang sa bigla na lang siyang maglaho sa dilim.
Napabuntong hininga na lang si KD nang maramdaman wala na ang presensya ni Alyana. Napasandal na lang siya sa malaking punong pinagtataguan niya at pilit na hinahabol ang hininga. Pinunasan niya ang kanyang pawis at napatingala na lang sa madilim na langit.
Ilang oras na lang at malapit na ulit sumilay ang araw. Napapikit na lang siya at hiniling na sana ay dumating na ang mga kaibigan niya at matapos na ang lahat ng ito. Pagod na pagod na rin siyang makipagtaguan kay Alyana. Sa isip niya’y kung pwede lang na harapin niya ito, gagawin niya pero wala siyang sapat na lakas ng loob para gawin iyon. At higit sa lahat, wala na siyang lakas para lumaban pa.
Napapikit na lang siya habang dinadama ang pagtama ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang balat hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
Zico’s POV:
Hapong-hapo na kami dahil kanina pa kami walang tigil sa paglalakad dito sa kakahuyan na para bang wala namang katapusan. Para bang paikot-ikot lang kami sa lugar na ito. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Shit! I never felt so fucked up in my entire life before.
“Tangina! Hanggang saan pa ba itong lalakarin natin? Wala na akong ibang nakikita kundi mga puno.” Inis na sabi ni Zelo.
“Anong gagawin natin kung mali pala itong tinatahak nating daan?” Tanong ni Chase kaya napakibit balikat na lang ako at napahikab. Pagod na pagod na talaga ako pero kailangan naming magpatuloy. Wala na kaming oras pa para magpahinga.
“I don’t know. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin natin. Pero ngayon pa ba tayo susuko? Nandito na tayo kaya ipagpatuloy na natin ito.” Tumango-tango na lang itong mga kasama ko at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Napaawang na lang ang bibig naming nang makarating kami sa isang open area.
Nagtataasang mga puno, mga lantang halaman, mga tuyong dahon na pakalat-kalat kung saan, mga sira-sirang gamit. Tahimik ang buong lugar. Tanging paglangitngit lang ng puno na nakikisabay sa ihip ng hangin ang maririnig.
Eto na ba ang sinasabi ni Venom na garden ng Bloodwood Academy?
Nilibot naming ang buong lugar habang sinisigaw ang pangalan ni KD. Habang tumatagal ang pananatili ko sa lugar na ito, lalong lumalalim ang nararamdaman kong takot sa dibdib ko. There’s something weird and eerie about this place pero hindi ko matukoy kung ano yun.
“H-holy shit!” Nanginginig ang boses ni Knight habang nakaturo sa malayo. Sinundan naming ng tingin ang kamay niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita sna Alyana, Stacey at si Maxine na balut na balut ng dugo ang uniform. May malalaking ngisi ring nakapinta sa kanilang mukha habang nakatingin sa isang bagay o sa isang tao? What the fuck?!
“S-si KD ba yun?” Pagtatanong ni Zelo kaya agad kaming nagkatinginan. Hindi naming masyadong maaninag kung si KD nga ba talaga iyon o ano dahil may mga nakaharang na mga halaman at may kalayuan rin sila sa amin.
Hell! Kung ano man yun, isa lang ang dapat naming gawin. Kailangan na naming mag-isip kaagad ng paraan kung paano kami makakatakas sa kanila kasama si KD.
“Ano na ang gagawin natin?” Tanong ni Chase sa akin kaya napatingin sila sa akin.
“Let’s just follow out instinct.” Seryosong sabi ko at nagsimula ng maglakad papalapit sa kanila.
KD’s POV:
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at parang gusto ko na lang pumikit ulit nang bumungad sa akin sina Alyana, Stacey at Maxine na may malalaking ngisi sa mga mukha nila. Isa-isa ko silang tinignan at bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa takot nang makita ko ang itsura ni Maxine. Punung-puno ng dugo ang mukha niya hanggang sa uniporme niya. Tawa lang siya ng tawa habang patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa mata niya.
Lumuhod siya sa harapan ko at hinaplos-haplos ang pisngi ko. Gusto kong magsisigaw para humingi ng tulong at tumakbo palayo sa kanila pero hindi ko magawa. Mahigpit nila akong itinali dito sa puno at tinakpan pa nila ng duct tape ang bibig ko.
“Ano ba ang magandang gawin sa kanya?” Nakangising tanong ni Stacey kay Alyana habang nakatingin parin sa akin.
“Isabit sa puno? He’ll look good on this old, dead tree.” Seryosong sabi ni Alyana at tinapik-tapik pa ang balikat ni Stacey kaya lalong lumaki ang ngisi sa labi nito. Lumapit na sa akin ni Stacey kaya’t napailing-iling na lang ako.
Walang patid ako sa pag-iling para magmakaawa sa kanilang wag gawin sa akin yun pero nakangisi lang sila kaya nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Ayoko pang mamatay. Ayokong mamatay sa ganitong paraan.
“Pakawalan niyo siya!”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sigaw na iyon. Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na yun at sobrang tuwa ko nang makita ko sina Zico, Zelo, Chase at Knight. Pero napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang duguang bandage sa mata ni Knight. Anong nangyari sa kanya?
Napalingon si Maxine sa bagong dating at napatawa ng mahinhin. “My pretty doll, saan ka ba nanggaling? Kung saan-saan na kita hinanap.” Nakangising sabi niya habang nakatingin kay Knight.
“I’m not your fucking doll, crazy bitch!” Sigaw ni Knight habang nakakuyom ang mga kamay nito. Napansin ko namang dahan-dahang lumapit sa akin si Chase at tinulungan akong makawala sa pagkakatali ko. Nakatingin lang sina Alyana at Stacey habang pinapakawalan ako ni Chase.
“Okay ka lang ba?” Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot at hinila na niya ako papalayo kina Alyana na hindi pa rin naaalis ang mga mata sa amin. Hindi sila nagsasalita at patuloy lang sila sa pagtingin sa amin kaya naman mabilis kaming tumakbo papalayo sa kanila.
Knight’s POV:
Agad kaming tumakbo pabalik sa school building kung saan naming iniwan ang iba naming kasamahan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila nalalaman kung ano ba talaga ang motto ng Bloodwood Academy kaya naman nagpatuloy na lang kami sa paghahanap kay Catrice.
Malapit na ring mag-umaga at ramdam na ramdam na naming ang sobrang pagod kaya naisipan naming magpahinga na muna sa isa sa mga silid. Napasandal na lang ako sa pader nang maramdaman ko na naman ang pagkirot ng mata ko.
Lumapit sa akin si KD at tinanong ako kung anong nangyari sa mata ko kaya naman sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Napaawang na lang siya ng bibig niya habang kinukwento ko sa kanya ang ginawa sa akin ni Maxine hanggang sa patigilin niya ako. Napailing na lang ako dahil hindi na niya kaya pang i-digest pa ang mga nangyari sa akin.
Fuck! Kailan ba matatapos itong bangungot na to? Gusto ko na lang bumigay. Damn it!
I seriously can’t take it anymore. I was badly tortured. Who knows kung anong susunod na mangyayari. I’m going to make them all pay for everything they’ve done.
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mistério / SuspenseBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."