CHAPTER 23 – Saving Catrice
Cassadee’s POV:
“Sigurado ba kayong dito natin siya mahahanap?”
Nakatayo kami ngayon sa tapat ng student council room. Nagkibit balikat na lang si Zico sa tanong ni Aldave. Hindi naman naming sigurado kung nandito nga ba nagtatago si Venom o hindi.
Dahan-dahang binuksan ni Zelo ang pinto kaya maingat kaming pumasok isa-isa habang tinatawag ang pangalan ni Catrice. Madilim ang buong silid kaya naman hinanap ko ang switch. Nanlaki na lang ang mga mata namin nang buksan ko ang switch.
Bumungad sa amin si Catrice na nakahiga sa sahig habang nakatali ang mga kamay sa likod nito at nakatakip ang mga bibig. Nadurugo ang ulunan nito at punong-puno ng pasa ang mukha at braso nito.
“Finally, you’re here.”
Napalingon kami sa demonyong bigla na lang nagsalita at lumabas kung saan. Lumakad siya papalapit sa kinaroroonan ni Catrice. Huminto siya sa harapan nito at ngumisi sa amin nang bigla niyang inapakan ang tyan nito.
“What the hell!” Sigaw ko sa sobrang gulat sa ginawa niya. Kitang-kita ko sa mga mata ni Catrice na nasasaktan siya. Umiiling-iling siya kay Venom para magmakaawa sa kanya na tigilan na siya pero tinignan lang siya nito at nginitian. Maging sina Zelo at Aldave napamura na lang sa ginagawa ni Venom.
“Shit! Paano mo nagagawa to sa sarili mong kapatid?!” Sigaw ni Amber. “I can’t believe kaya mong saktan ang sarili mong kadugo.”
“Sinuway niya ako. Hindi ba’t ang nakababatang kapatid ay dapat sumunod sa nakatatandang kapatid niya? Pero anong ginawa niya? Kaya nararapat lang sa kanya ito.”
Nakangising sabi ni Venom at inalis ang pagkakaapak niya kay Catrice. Buong akala ko titigilan na niya ang kapatid niya pero nagulat na lang kami nang bigla niyang higitin sa buhok si Catrice at pilit na itinatayo. Napapapikit na lang ng mariin si Catrice dahil sa sakit na ginagawa sa kanya ng kapatid niya.
“So, what’s the school motto?”
Nagkatinginan na lang kami dahil hanggang ngayon, hindi pa rin naming nalalaman kung ano ba talaga ang motto ng lintik na paaralan na to.
“I’m waiting…”
“Can’t you give us a clue?” Tanong ni KD dahilan para lalong lumaki ang ngisi ni Venom at umiling-iling.
“Pag-isipan niyong mabuti. Kung ayaw niyong masaksihan ang pagtalon ng pinakamamahal kong kapatid mula sa bintana nang dahil sa inyo.”
“Wala ka talagang awa! Kaya mong patayin ang sarili mong kapatid?!” Sigaw ni Zico dahil sa sinabi ni Venom. Ngumiti na naman siya sa amin at nilingon si Catrice.
“I’ll tell mom and dad na naglalaro ka lang sa rooftop at aksidenteng nalaglag at tumama ang ulo sa isang malaking bato.” Malokong sabi ni Venom kaya lalong umiling-iling si Catrice at hindi na napigilan ang sarili sa pag-iyak.
“Hindi naming alam kung ano ang lintik na motto mo!?!” Inis na sigaw ko.
“Is that so?”
Humakbang si Knight lalapit kay Venom habang nakakuyom ang mga kamay. “Lumaban ka ng patas. One on one tayo. Pakawalan mo si Catrice!” Napakunot ang mga noo namin sa sinabi niya.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya o nasisiraan na rin siya ng ulo? Hinang-hina pa nga siya dahil sa kalagayan niya tapos may lakas pa siyang lumaban kay Venom?!
“Nasisiraan ka na ba, Knight?!” Sigaw naming nina Chase pero hindi niya kami pinansin at nakatingin pa rin ng diretso kay Venom.
“Trying to be a hero, eh? Fine, tinatanggap ko ang hamon mo but I’m afraid I can’t let her go since she heard enough. Kung mananalo ka, papakawalan ko siya pero pag natalo ka, kayo… lahat kayo mamamatay.”
“Ako ang labanan mo!” Sigaw ni Zico.
“Pero---“
“Sa tingin mo kaya mo siyang labanan sa ganyang kalagayan mo?! Ako na ang haharap sa kanya.” Sabi ni Zico at tinapik tapik ang balikat ni Knight.
“Very well, Delos Reyes. I accept your challenge.” Nakangising sabi ni Venom at isa-isa kaming tinignan. Ugh, nakakakilabot talaga ang ngiti niyang iyon.
“But the others must accept a challenge from me, as well.”
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Zelo at biglang nanaig ang katahimikan sa amin. Marahan niyang pinakawalan si Catrice at hinaplos ang pisngi nito bago hinalikan. Isa-isa niya kaming tinignan ng seryoso at biglang ngumiti. Nagulat na lang kami nang biglang lumitaw sa likuran niya ang iba pa niyang kasamahan.
“You will be playing our last game.”
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved

YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."