CHAPTER 24 – The Last Game
3rd person’s POV:
Magkasama ngayon sina Venom at Zico sa rooftop para sa one on one nilang dalawa habang ang iba naman ay nilalaro ang sinabing laro ni Venom kasama ang natitirang council.
Hide and seek.
Iyon ang larong ibinigay sa kanila ni Venom para mailigtas ang buhay nila. Kailangan nilang makahanap ng magandang lugar para pagtaguan at hindi mahanap ng student councils. Sa oras na mahanap sila ng mga ito, walang pakundangan silang papatayin ng mga ito.
Makasurvive kaya sila?
Zelo’s POV:
Napagdesisyunan naming maghiwa-hiwalay para makahanap kami ng lugar na mapagtataguan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng pagkabog nito. Sobrang kaba na itong nararamdaman ko. Isa-isa silang may dala-dalang patalim at nagbilang na sila ng sampu. Paniguradong nagsisimula na sila ngayong maghanap sa amin.
Naisipan kong magtago dito sa isang lumang bus na nakita ko sa gilid ng school building. Lumakad ako hanggang sa likuran nito at naupo sa ibaba ng mga upuan. Napapikit na lang ako para magdasal na sana hindi nila kami makita.
Amber’s POV:
Tumakbo ako sa mga nagtataasang puno malapit sa football field. Nagsimula akong umakyat sa nakita kong pinakamataas na puno doon. Umakyat lang ako ng umakyat hanggang sa kaya ko. Siguro naman ay ligtas na itong lugar na ito dahil hindi na masyadong nakikita ang nasa ibaba.
Napasandal ako lang ako habang hawak-hawak ang dibdib ko. Halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba. Ano na kaya ang nangyayari kina Zico? Sana lang ay matalo niya ang lalaking yon.
Kailan ba matatapos tong mga nangyayari sa amin? At bakit ba dapat mangyari sa amin to? Eto na ba ang kabayaran sa lahat ng kagaguhang ginawa naming noon?
Zico’s POV:
Napasigaw na lang ako nang pilipitin ni Venom ang kanang kamay ko matapos niya akong bigyan ng malakas na sipa sa sikmura dahilan para matumba ako dito sa malamig na semento. Shit! I underestimated him. Hindi ko lubos akalain na ganito pala siya kalakas.
Pinakawalan niya din ang kamay ko kaya naman napagulong na lang ako at napahawak sa sikmura ko. Lumapit siya sa akin at biglang hinigit ang buhok ko. Pilit niya akong itinayo at hinawakan ang collar ko at walang sawa akong pinaulanan ng suntok sa mukha.
Sinubukan kong itulak siya papalayo sa akin pero hinang-hina na ang mga braso ko. This is insane! Ano bang ginawa sa kanila ng hayop na principal noon ng Bloodwood Academy at nagkakaganito sila ngayon?!
“You’re pathetic.”
Tininulak niya ako dahilan para matumba ako sa sahig. Nakatingin lang siya ng diretso sa akin. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko dahil sa mga natamo kong suntok at sipa sa kanya. Marahas kong pinunasan ang dugo sa labi ko at sinubukang tumayo pero bago ko pa man magawa iyon, sinipa na naman niya ako sa sikmura kaya namilipit na naman ako sa sakit.
Napasigaw na lang ako sa sakit nang higitin niya ang buhok ko at pilit na naman akong pinatayo.
“Just give up, Zico. Hayaan mo na lang akong patayin ka at ang mga kaibigan mo.”
Tinignan ko siya sa mata at nginisian. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya naman dinuraan ko siya ng dugo sa mukha. Inaasahan kong magdidilim ang paningin niya at walang sawa na naman akong papaulanan ng suntok pero nagulat ako nang biglang sumilay sa mga labi niya ang isang ngisi. Mala-demonyong ngisi. Dinilaan niya ang dugong malapit sa labi niya at tumango-tango.
Binitawan niya ako at bigla niyang bigla niyang itinali ang isang paa ko at kinaladkad. Sinubukan kong makawala. Pinagsisipa ko ang kamay niya gamit ang isang paa ko pero parang walang epekto sa kanya.
Hinila niya ako papunta sa gitnang bahagi ng rooftop bago ako pinakawalan. Sinenyasan niya akong tumayo at inabot pa ako ng ilang Segundo bago makatayo ng maayos. Napapikit na lang ako sa sakit na nararamdaman ko at sinubukang pakalmahin ang sarili. Paniguradong oras na sumabog itong galit na nararamdaman ko, matatalo na niya ako.
Nakatingin lang sa akin si Venom at nakangisi habang pinupunasan ko ang dugo sa mukha ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya napakuyom ang kamay ko. Nang makalapit siya at bigla ko siyang pinaulanan ng suntok.
“I’m waiting…” Sabi niya habang tumatawa sa bawat suntok na ibinibigay ko sa kanya.
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."