Prologue

154 4 2
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Prologue:

Ang buhay ay parang awitin. minsan nasa tono, minsan naman ay wala.

pero nakadepende iyon sa taong kumakanta ng awitin.

nasa sa kanya na iyon kung paano nya dadalhin ang kanta.

pero bago mo makuha ang tamang tono, marami kang pagdadaanan-labis ka nilang pahihirapan.

kinakailangan mong makipagsapalaran sa mapanirang tadhana at mapanlinlang na kapalaran.

Dito, may parteng mataas ang tono, ngunit kailangan mong abutin.

may parteng mababa lang kaya't kailangan mong maki-ayon.

Kadalasan, dinadala ka niya sa isang sitwasyong susubok sa'yong pagkatao.

dinadala ka nya sa sitwasyong di mo inaasahan.

pero papatalo ka ba ? hahayaan mo nalang bang pumiyok ka at mapahiya sa mata ng mga tao?

dito mo pa ba hahayaang masira ang awitin mo kung kailan nasa tono na ang lahat?

Ako si Jireh Cheviana Black, napakagandang babae pero isang dakilang brat.

ang buhay ko ay masasabi mong perpekto at nasa maayos na kalagayan hanggang sa makilala ko si Mr. Sungit- si Mr. Sungit na talaga namang kinamumuhian ko.

may chance bang mahanap si TRUE LOVE sa aking kaaway?

matatawag mo ba itong True Love or just love for revenge?

pero ang tanong, hanggang saan namin ito kayang panindigan?

kakayanin kaya namin itong ipaglaban hanggang sa huli?

kaya ba naming makipagsapalaran sa agos ng buhay?

kung ikaw ay ako, kakayanin mo bang ipaglaban ang iyong kaaway?

protektahan ang iyong kaaway?

at mahalin ang iyong kaaway?

paano kung dumating ang iyong kakampi na handa kang protektahan, ipaglaban at mahalin, sinong pipiliin mo?

ang mahal ka pero hindi mo mahal? o ang mahal mo, pero hindi pwede?

Kung pwede sana, makinig ka sa kwento ng buhay ko, at sa awitin kong sintunado.

dahil malaking bagay iyon para sa akin.

kaya, umupo ka lang jan ah.  samahan mo ako

alay ko sa'yo ang kanta ng buhay kong ito. :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's note:

hello sa iyo! ngayon pa lamang nagpapasalamat na ako dahil binasa mo itong kwentong to na sinulat ko (I mean, tinayp ko XD) dahil sa dinami dami ng kwento sa wattpad, nabigyan mo ng pansin tong story ko. sobrang laking bagay na iyon sa akin. as in sobra! mas malawak sa universe. hehe

(ginawa ko lang to out of the blue at hindi ko sure kung icocontinue ko, please if nagustuhan nyu sya, comment and vote nalang kayo para alm kong icontinue. haha. salamat ng marami! labyu all!)

PS: hanggang chapter 1 pa lang yan kasi nga, nagdadalawang isip pa ako if icocontinue ko :D

Engaging Ms. Brat and Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon