Bruno Mars my gahhhddd hahha
Gusto ko talga makita si Bruno nag concert na siya dito kaya lang hindi ako nakapunta wala akong pera.
Dahil doon nanood na lang ako sa youtube. Para kunwari nasa concert ako. Lakas ng pangarap ko noh.
Magpapakilala muna ako ha! Ako nga pala si Jana Guevara isang certified fan ni Bruno Mars. 3rd year ngayon. 15. Makulit. Walang Magawa sa buhay. Twitter addicted.
beautiful girls all over the world
i could be chasing but my time would be wasted
they got nothin' on you baby
nothin' on you baby
they might say hi and i might say hey
but you shouldn't worry about what they say
cause they got nothin' on you baby
nothin' on you baby
Nakakaadik talga si Bruno ... mag iipon na talga ako ng pera para pag nag concert ulit siya makakapunta na akoRingggggg
Ano ba yan istorbo nakikinig ako eh.
Dahil mabait naman ako
Pero unregistered number sino kaya toh?
baka naman kaibigan ko na nagpalit ng number
sinagot ko na rin
"Hello" sabi ko
"Hi" lalaki pero parang kakatapos lang umiyak
"Sino toh?" tanong ko sa kanya
"Babae ba ito?" tanong niya
"Oo bakit?" Ha? sino ba ito
"Buti naman"
"HA? hindi kita maintindihan? bakit?"
"Alam mo bang masakit mainlove tapos niloloko ka lang pala" HA? ano raw
"Oo kahit hindi ko nararanasan bakit?"
"Ang sakit eh noh sabi niyo manloloko kami e, kayo pa nga ang manloloko sa amin" haha ang weird niya naman
"Hoy alam kong lalaki ka! Hindi naman lahat ng babae manloloko"
"Anong hindi lahat kayo manloloko"
"Sige kung brokenhearted ka sabihin mo sa akin lahat ng masakit na nararamdaman mo" ewan ko ba kung bakit? nasabi ko yun
"Niloko ako ng girlfriend ko dahil sinagot niya lang ako para daw tumigil na ako sa kakahabol ko sa kanya at isa pa ginamit niya lang ako dahil matalino daw ako at mayaman. Tanga tanga ko ba't ko ba kasi siya minahal lahat ng oras binigay ko sa kanya tapos ngayon malalaman ko may boyfriend na siya sh*t"
Na speechless tuloy ako ngayon ko lang kasi nalaman na may ganon rin palang babae. At ngayon lang ako naka-encounter.
"Oh ngayon hindi ka makapag-salita dahil ginagawa mo rin ayy oo nga pala hindi mo pa nararanasan diba sabi mo dahil sinasaktan mo rin sila kaya hindi mo pa nararanasan yung sakit"
"Hoyy alamin mo muna kung nagka boyfriend na ako bago ka mang husga ng tao noh at isa pa hindi ako ganon na tao ha? at isa pa sino ka ba para sabihan mo yan kilalang kilala mo na ba ako"
"Hindi, ganon wala ka pang boyfriend, sorry"
"Tskk .. Ewan ko sayo"
"Pwede ba ikaw muna kausapin ko kahit ang weird dahil hindi mo pa ako kilala"
"Sige pero wag mo na sasabihin yun ang sakit kaya kahit hindi ko pa yun nagagawa"
"Oo na ano nga pala pangalan mo" ha sasabihin ko ba wag na lang kaya stranger pa din naman