Kabanata 2

3 2 0
                                    

Accidentally I kiss him?!

Kasalukuyan akong nagbabasa sa Library ng mga libro tungkol sa assignment namin. Sila Kris at Yoomi magkasama sa photoshoot daw si Vianne naman kasama yung Kagrupo niya kaya mag-isa ako ngayon.

Buti nalamang at tahimik dito napansin kong ako lang mag-isa ngayon at yung nagbabantay. Tatlong libro pa ang babasahin ko naalala ko may Quiz kami kay Mr. Manabat at ayaw nun ng mga bumabagsak sa mga Quizzes, tahimik akong nagbabasa ng may dumating na lalake sa aking harapan at napatingala ako.

"G-Good Morning Sir"  nauutal kong sambit pero ngumiti lamang siya at tumango pinanood ko siyang kumukuha ng libro at lumapit ulit sa akin.

Umarte akong normal na parang wala lang sakin na dumating siya. Actually ang bilis ng tibok ng puso ko at siguro naririnig na niya dahil sobrang tahimik at sumabay pa ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarerahan. Hindi sa kinikilig ako dahil nasa harap ko lang naman ang Teacher ko, pero tinuloy ko ang pagbabasa ko habang dama ko ang prisensya niya.

"Coldrey" napahinto ako at napatingin sa kanya.

"Yes Sir?" seryoso lamang siya pero nakakatunaw ang mga titig niya.

"Mr. Manabat have a fever, Ako muna ang magbibigay ng quiz ninyo para mamaya"

Tumango nalamang ako dahil ayaw bumuka ng bibig ko pero tinaas niya ang kilay niya at parang  hinihintay pa siyang sagot ko.

"Ah okay po Sir Cedric" at ngumiti ako ng kaunti.

Naglakad na rin siya palayo at nabunutan ako ng tinik, buti na lamang at walang nakakita kung nagkataon kalbo na ako sa mga oras na ito pagnalaman ng mga girls student or fans ni Sir Cedric.

Si Sir Cedric ay nagtuturo dito sa School. Sinasabi nilang Hottie daw si Sir sa pagkaka-alam ko may Group pages si Sir na binuo ng mga student madalas pinipicturan nila si Sir ng patago. Hindi ko maitatanggi na Gwapo si Sir kaya ganyan na lamang siya kasikat.

Tinuloy ko ang pagbabasa ko.

"Hey!"

"AY PALAKA?!" buti nalamang at hindi gaanong malakas ang pagkagulat ko kaya hindi ako napagalitan ng nagbabantay ng Library.

"Easy, its me" wika niya habang tumatawa..Ewan ko ba! pero naiinis ako sa ginawa niyang panggugulat hindi man kami close pero pinalo ko siya sa braso sa sobrang inis.

"I said Easy" nagwink pa ang unggoy.

"Istorbo ka talaga. Shawn"

"Istorbo agad, maybe I can help" sabay kuha ng binabasa kong libro.

"Shawn naman!" palo ko sa kamay niya at hinila ko ang libro.

"Choosy mo naman"

"What?! Choosy! Hoy unggoy na may lahing palaka bago mo sabihing choosy ako isipin mo muna bat naman ako magpapaka CHOOSY at sayo pa?! Hello No. You don't know me very much! and remember kahapon lang tayo nagkakilala kaya wag kang feeling!" medyo hiningal ako ng kaunti.

"Opss Sorry, I want to be nice and also I'm interested in you" medyo na guluhan ako sa huli niyang sinabi pero umiling ako.

"Tseh! kung di ka aalis. Fine ako ang aalis" niligpit ko yung libro sabay alis ng library.

I have 15mins to go in my next class. Habang naglalakad ako pansin kong nakatingin sila sakin kaya medyo binilisan ko ang lakad inisip ko baka yung tungkol ito kay Sir Cedric. Wala namang tao sa Library ng nag-usap kami kaya hindi naman yun yung pwedeng reason para titigan ako ng masasama ng mga ito, hindi na lang ako nag-isip at naglakad na lamang ng mabilis.

Pagdating ko hindi pa naman ako late. I saw Sir Cedric and my classmates na abot tenga ang ngiti because of Sir Cedric.

Umupo na ako sa likod at tahimik na nakaupo. After 5mins nagstart na si Sir Cedric magturo bago magpaquiz, kita ko sa mga kaklase ko ang pakikinig nila kay Sir Cedric. Bigla silang tumingin lahat sakin.

"Coldrey tawag ka ni Sir Cedric ikaw daw ang magkolekta ng mga papers" bulong ng katabi ko.

Agad naman akong tumayo at kinuha ang mga papers narinig ko yung iba na gusto nila sila na lang yung inutusan ni Sir Cedric.

"Follow me, Coldrey" sabay labas ni Sir Cedric nagulat nalang ako pero mas nagulat ang mga kaklase ko at yung iba nagbulungan pa.

Wala akong nagawa kundi sumunod habang naglalakad nakatingin sila sakin na parang iniisip nila isa din akong fans ni Sir Cedric. Habang sinusundan ko si Sir Cedric mayroong pumatid sakin kaya bumagsak ako sa sahig kumalat tuloy ang mga papers. Pinulot ko ito pero laking gulat ko ng si Sir Cedric nagpupulot din.

"Okay ka lang?" hinawakan niya ako sa balikat at inalalayang tumayo, tumango na lamang ako dahil sa kahihiyan.

Palakad kaming pumunta sa Office niya at inutusan akong bilangin ang papers kung kumpleto, habang nagbibilang ako tinawag niya ako kaya lumingon ako. Ikinagulat ko dahil hindi ko alam na nasa harapan ko at naglapit ang mukha kasabay ng labi.

Nanlaki ang mata ko sa nangyari.  Ang bilis ng pangyayari.

Accidentally





















I kiss him?!











"S-Sir"




_________

Authors note:

I hope you like it
Keep voting ^^


Agreement (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon