Bakit ganito?Hindi ko alam ang gagawin ko nanatili kami sa pwesto namin pero hindi na magkadikit ang aming mga labi. Naglakas loob akong tumakbo sa Office niya at lumabas ng mabilis, basta ang alam ko mali... mali ang nangyari hindi dapat nangyari ang bagay na yun. Pumunta akong Basketball Court na hingal na hingal.
Sumandal ako at huminga ng malalim, napahawak ako sa labi ko at hindi makalimutan ang nangyari hindi ko alam kung bakit ako napangiti at kapag naaalala ko bumibilis ang tibok ng puso ko.
Bakit ganito? nakangiti ako na alam kong mali yung nangyari.
Bakit ganito? parang gusto ko pa
Bakit ganito? at inaalala ko yung nangyari
Bakit ganito? pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
"Hey"
"AY SIR CEDRIC!"
"I'm not Cedric"
Napalingon ako bigla namang napawi ang ngiti niya. Tinakpan ko ang bibig ko, bakit ganito?! pangalan niya yung lumabas sa bibig ko.
"Shawn ikaw pala" umayos ako ng tayo at humarap sa kanya.
"Oh" napatingin ako sa dala niyang jacket.
"Ano gagawin ko diyan? wala naman akong period or anything sa likod ko" bumuntong hininga siya.
"They looking in your legs. Its annoying"
Hindi naman sobrang ikli ng palda ko at ang OA niya naman pagtripan ko kaya itong si Shawn
"Ayoko" biglang kumunot ang noo niya sa sinabi ko at naasar.
"Wear it. Or else I will kiss you"
Bigla akong natigilan. I don't know but I freeze in my situation now he's laughing, its irritating wala akong nagawa kundi suotin ang jacket niya.
Bakit kasi yun pa ang naisip niyang panakot parang ako pa ata naisahan niya at sumunod pa ako. Kainis
"Goodgirl"
Bumalik na siya sa pag babasketball kasama ang mga kamember niya. Ako ito hindi makamove-on sa sinabi niyang kiss, naisahan pa ako ng lalaking yun.
Bakit ganito? siya yung naalala ko about kiss.
Bakit ganito? He's the first man I think when I heard the word kiss
Bakit ganito? Ang effect niya sakin....
Bakit ganito?! naguguluhan na ako.
Naglakad akong papuntang locker ko pero di kalayuan natanaw ko ang lalaking dapat kong iwasan si Sir Cedric. Luminga linga ako kung saan pwede pang-daanan buti at hindi niya ako nakita at hindi ko rin ata kayang magkasalubong kami o magkita man lang.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na siya nakikita nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla ako napa atras ng nasa harapan ko siya.
Bumagay sa kanya ang salamin at style ng buhok niya at kinakabahan ako di ko alam ang gagawin natutuyo na ata ang lalamunan ko. He smirked
Mas lalo akong kinakabahan!
"Stop avoiding me, Ms. Irvington"
Di ako makatingin sa kanya.
"Look at me"
Humakbang siya papalapit at ako'y paurong.
"Are avoiding me because of---"
Ayokong marinig kaya tinakpan ko ang tenga ko mas lalo akong kinakabahan hindi dahil sa nangyari kung sa nararamdaman ko sa kanya ngayon! at bawal ito.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nilapit niya ang kanyang mukha sa akin konti na lang malapit niya akong mahalikan nararamdaman ko ang kanyang paghinga.
"Don't be shy"
Gusto kong lumayo sa kanya dahil hindi ko nakaya ang mga tingin na iyon para bang sakin lang umiikot ang mundo niya.
"S-Sir" bigla niyang siniil ako ng halik.
Tumugon ako at lalong lumalalim ang halikan naming dalawa na parang hindi iniisip ang bawal na ginawa.
Kumalas ako at tinakpan ang labi ko.
"S-Sir s-sorry ahh ano" nauutol na ako
"I love----"
"Don't say it, Sir baka naguguluhan ka lang"
Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya umalis na ako. Oo! parang gusto ko yung sasabihin niya pero pumasok sa isip ko na mali iyon.
Bakit ganito?!
"Uyy Coldrey"
Magkasama silang Tatlo at papalapit sa akin.
"Namumula ka?" tanong ni Vianne sabay turo sa mukha ko.
"Paano kasi! Bakit ganito pa nangyari eh kung nandito kayo edi hindi nangyari yung aksidenteng iyon ngayon! ito umaasa ako! nakakabitin! lalo na sa lahat BAKIT GANITO ang nararamdaman ko!!" gulat na gulat sila sa pinagsasabi ko.
"Kailangan mong magexplain" at nakapangewang silang tatlo.
Ugh.
BINABASA MO ANG
Agreement (On going)
General FictionBasahin ang storya ni Coldrey Irvington [; smile/