"Two Hearts Needing One Another"

5.6K 218 25
                                    

"Two Hearts Needing One Another"

"Huwag mong masyadong pakaisipin, mahal ka nun." Nabigla ako sa sinabi ni Raymond pero hindi ako nagreact dito. Sige lang ako sa pag-inom. Sa isip ko, kung alam mo lang. Kung totoo iyang sinasabi mo, sana hindi niya ako iniwan. Sana siya ang kasama ko ngayon at hindi ikaw.

Sana ako ang kasama ni Arix ngayon at hindi si Sheena.

Sana tinupad niya ang pangako niya sa akin. Sana hindi ako nag-iisa ngayon.

Napakaraming sana.

Dumoble lalo ang pait ng alak pero hindi pa rin iyon naging dahilan para hindi ko laklakin ng sunod sunod ito. Gusto kong magpakalasing. Sana kahit sandali makalimutan ko si Arix. Mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Madaming bote na ng alak ang nainom namin ni Raymond. Hindi ko alam kung paanong iniwan ko siya sa kwarto ko at naglalakad ako ngayong mag-isa sa harap ng gate ng subdivision nina Arix.

Kilala ako ni manong guard na nakaduty ngayon. Tumango ito at nag-good evening pa sa akin. Sa ilang beses ko nang nakarating dito kasama si Arix ay natandaan na niya ako. Kinakamusta pa ako nito at sinabing matagal tagal na rin nang huli niya akong makita.

Kinabahan ako nang todo nang sabihin nito sa akin na kadarating lang din ng sasakyan ni Arix. Halos magkasunod lang daw kami.

Ilang hakbang na lang at nasa harap na ako ng mismong gate ng mansion nina Arix. Aaminin ko naduduwag ako. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Bakit pa nga ba ako nagpunta dito? Kaya ko ba talaga siyang harapin?

Gusto ko lang naman siyang tanungin. Gusto ko lang sabihin niya sa akin ang dahilan. Bakit ganun? Bakit siya ganun? Mula ng gabing iyon sa condo niya ay hindi na kami nakapag-usap. Hindi na siya nagpakita pa. Wala siyang paliwanag. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto kong malaman niya kung gaano ako nasasaktan.

Gusto kong itanong kay Arix kung minahal ba niya talaga ako? Kung bakit siya nagbigay ng mga pangakong hindi pala niya kayang panindigan.

Umiikot ang paningin at naduduwal ako dahil narin siguro sa lakas ng kaba at epekto ng alak. Kinakabahan talaga ako. Kaya mo to Cj, last na 'to. Pagkatapos nito aayusin mo na ang buhay mo. You'll be strong. Gusto mo lang ng closure. Gusto mo lang na marinig mismo sa kanya ang dahilan niya, hindi iyong basta ka na lang niya iniwang mag-isa. After this, itutuloy mo na ang buhay mo, nang wala siya. Life is all about moving forward, not looking back. Hindi mo na siya iisipin pa. Aalisin mo na siya sa sistema mo. Hindi na siya magiging parte ng buhay mo. Pampalakas ko sa aking loob pero hindi rin nito nabawasan ang kaba ko.

Lalo akong nawalan ng lakas ng loob nang makita ko sina Arix at Sheena na nag-uusap sa harden.

Para akong sinusuntok ng sunod sunod. Gusto ko nang tumakbo palayo pero ayaw namang kumilos ng mga paa ko.

Dito na ba nakatira si Sheena sa mansion nina Arix? Nagsasama na ba sila? Nagpakasal na ba sila? Pero bakit hindi man lang nabalita, hindi man lang na-feature sa mga magazines na karaniwang mayayamang kagaya lang din nila ang nagbabasa?

Umalis ka na lang Cj. Parang awa mo na. Maawa ka sa sarili mo. For Pete's sake. Sigaw ko sa isip ko. Ganun pa rin ayaw kumilos ng mga paa ko. Nanatili akong nakatanaw kina Arix at Sheena. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Bakit parang umiiyak si Sheena? Pero sigurado ako hindi sila nag-aaway. Sa mga kilos ni Arix, kitang kita ko na concern siya kay Sheena.

Umalis kana please,Cj. Huwag kang ganito. Pero hayaan mo na lang akong masaktan. Hayaan mong lunurin ko ang natitira kong pag-asa para sa amin ni Arix. Para akong baliw. Nag-uusap ang utak ko. Kahit alam kong iisa lang ang utak ko. Ang sakit sakit kasi. Bakit pa kasi ako nagpunta dito? Bakit kailangan ko pang alamin kay Arix ang bagay na parang alam ko naman na talaga ang sagot.

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon