25 - The Little Monsters

833 30 0
                                    

CHAPTER 25 – The Little Monsters

3rd person’s POV:

Tahimik na nakatago si Cassadee sa comfort room ng mga babae. Nakaupo siya sa isang cubicle habang may hawak-hawak na tubo para maging panlaban sa mga student council na nakaabang sa kanila.

Tanging ang paghinga niya at ang mabilis na pagtibok ng puso niya lang ang maririnig sa loob ng comfort room.

Napasinghap si Cassadee nang makarinig siya ng mga ingay mula sa labas. Idinikit pa niya ang katawan niya sa pader at hinigpitan ang pagkakahawak sa tubo.

Samantalang marahang naglalakad si Aldave sa loob ng science lab habang pinagmamasdan ang mga kemikal na nakahilera sa mesa doon. Isa-isa niyang binasa ang mga tungkol doon habang may kung anong naglalaro sa isipan niya. Kinuha niya iyon at pinagmasdang mabuti. Maya-maya lang ay ibinalik niya ito at bumuntong hininga.

Gusto niyang gamitin ang mga kemikal na iyon panlaban sa mga student council pero napailing na lang siya at nagkibit balikat. Naglakad na siya palapit sa isang malaking cabinet at nagtago sa likuran nito.

Tanging mabibigat na paghinga lang ni Catrice ang maririnig sa kahabaan ng corridor. Kanina pa siya palakad-lakad pero wala siyang makitang lugar na pwede niyang mapagtaguan. Nakita niya ang janitor’s closet kaya naman, dali-dali siyang pumasok doon. Kahit saan man siya lumingon, wala siyang makita kaya’t napaupo na lang siya at niyakap kanyang mga binti.

Zelo’s POV:

Ilang minuto na akong nananatili dito sa school bus hanggang sa makarinig ako ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. Sinilip ko kung sino ang paparating at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Stacey kaya dali-dali akong napayuko at nagdasal na sana hindi siya dito pumunta.

Malas.

Nandito na siya ngayon, kasama ko. Naririnig ko ang mahinang tawa niya dahilan para mapatakip ako ng bibig. Napapikit na lang ako sa sobrang takot at kaba. Napansin kong tahimik na ang buong lugar kaya’t napahinga ako ng maluwag. Iniangat ko ang tingin ko at napaawang naman ang bibig ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko at nakangisi sa akin.

Sinubukan kong itulak siya palayo at para makatakbo ako palabas dito pero agad niya akong hinila at dinaganan. Tinakpan niya ang bibig ko at naramdaman ko na lang ang patalim niya na bumaon sa sikmura ko.

Ito na ata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Wala akong ibang magawa kaya kusa nalang tumulo ang mga luha ko habang si Stacey naman ay tuwang-tuwa na nakikita akong nasasaktan.

Eto na ba ang katapusan ko? Sa ganitong paraan na lang ba ako mamamatay?

Lalong lumaki ang ngisi niya nang itapat niya ang patalim niya sa dibdib ko kaya dali-dali ko itong pinigilan gamit ang isang kamay ko at itinulak ko siya paalis sa ibabaw ko. Pinilit kong tumayo at agad na tumakbo palayo sa kanya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

“Oh my dear, Zelo. At saan mo naman balak pumunta?” Malambing na sabi ni Stacey habang pinapagpag ang kanyang sarili at nakangisi pa rin na nakatingin sa akin.

Amber’s POV:

Nabasag ang katahimikang kanina pa bumabalot sa kinalalagyan ko nang makarinig ako ng mga paghikbi at mahihinang yabag. Tinignan ko kung sino ang paparating at nakita ko si Zelo. Tumatakbo siya habang umiiyak na para bang isa siyang bata na hinahabol ng multo. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang kamay at damit niya na punong-puno ng dugo. Nakita ko naman si Stacey sa malayo, naglalakad lang siya habang nakangisi at hawak-hawak ang isang patalim.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at bumaba ako ng puno at tumakbo papalapit kay Zelo.

“Z-zelo…”

Hinubad ko ang jacket ko at itinali ko sa tyan niya na walang tigil sa pagdugo. Nakita ko si Stacey na papalapit na sa amin habang lumalaki ang mga ngisi sa labi. Napansin kong bumilis ang paglalakad ni Stacey kaya naman dali-dali kong hinila si Zelo para makalayo sa kanya.

“A-amber, s-saglit lang…”

“Just hold on.” Mariing sabi ko sa kanya at tumakbo kami papasok sa loob ng gym. Inilock ko ang pinto at dumiretso kami sa rooftop. Habang paakyat kami, nakita ko si Aldrin na naglalakad papunta sa direksyon naming habang nakangisi. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ni Zelo. Hinigit ko siya papalapit sa akin at binilisan ang pag-akyat papunta sa rooftop.

Nang makarating kami sa rooftop, pinagtago ko muna si Zelo. Ako na ang bahala kay Aldrin. Sabihan niyo na akong baliw, siraulo o kahit ano pero punung-puno na ako sa kanila. Pagbabayaran nila itong ginagawa nila sa amin.

Knight’s POV:

Aksidenteng nagkabangga kaming dalawa ni Chase nang tumakbo ako papasok sa library. Mukhang iisang lugar pa ang pagtataguan namin pero napag-isip isip naming dalawa na harapin na lang ang mga student councils at labanan sila.

Bago kami lumabas sa library, naghanap muna kami ng pwede naming ipanglaban sa kanila. Nakapulot ko ng isang bakal at naghiwalay na kaming dalawa ni Chase. Tumakbo ako papunta sa gym para hanapin sila. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarinig ako ng ingay mula a rooftop. Napabuntong hininga na lang ako.

Should I go up there or stay here?

Zelo’s POV:

Nandito sina Stacey at Aldrin at kaharap sila ngayon ni Amber. Hindi ako mapakali dito sa pinagtataguan ko. Hindi ko alam kung okay lang ba si Amber doon. Gustuhin ko mang tulungan siyang harapin ang dalawang yun, hindi ko naman magawa dahil wala pa rin patid ang pagdurugo ng mga saksak ni Stacey.

Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng ingay malapit sa pinagtataguan ko. Tumingala ako at nakita ko si Stacey na nakangiti sa akin. Iniangat niya ang kamay niyang may hawak na patalim. Punung-puno ito ng dugo ko.

Lumaki lalo ang ngisi niya at biglang dinilaan ang patalim niya. Napaawang ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako makatayo dahil sa sakit na nararamdaman ko kaya gumapang ako palayo sa kanya.

Natigil naman ako sa paglayo ko kay Stacey nang makita ko si Aldrin na nasa ibabaw ni Amber habang sinasakal siya. Hinigit niya ang buhok ni Amber patayo at dinala sa gilid ng rooftop.

Nanginginig ako sa sobrang galit dahil sa ginagawa ni Aldrin at hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si Stacey. Hinigit niya rin ako papalapit kina Amber. Hirap na hirap ng huminga si Amber dahil sa pagkakasakal sa kanya ni Aldrin kaya nagmakaawa ako kay Aldrin habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Tumatawa lang si Stacey habang pinapanuod kami. Nagulat na lang ako nang bigla niyang inilapit ang patalim niya sa leeg ko.

“Goodbye, Zelo.”

Wala akong ibang magawa kundi ang panuorin lang si Aldrin na itulak si Amber sa gilid ng rooftop. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko kaya’t dali-dali kong itinulak si Stacey palayo sa akin at tumalon.

Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit. Nagsimula na namang tumulo ang dugo mula sa sikmura ko. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko pero pinilit ko parin tumayo para hanapin si Amber. Mabuti na lang at hindi gaanong mataas ang kinatatayuan naming kanina.

Para akong isang lasing habang naglalakad. Isang beses kong natumba dahil sa panghihina ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko si Amber na namimilipit sa sobrang sakit kaya dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya.

“A-amber… anong masakit sayo?”

Kita ko ang pagtulo ng mga luha niya at inabot niya ang likuran niya. Tinignan ko ito at nakita kong dumudugo. Fuck! Anong gagawin ko?

Inalalayan ko siyang tumayo pero dahil nanghihina rin ako natumba kaming dalawa. Naghahabol pa rin siya ng hininga dahil sa pagkakasakal sa kanya kanina ni Aldrin. Napayakap na lang ako sa kanya.

“Guys! Over here.”

 --------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now