When god Made you

48 0 0
                                    

Parang kailan lang,hindi makapaniwala si Ashley na suot na niya ang  pinapangarap niyang wedding dress, piling niya tuloy siya si  snow white, sleeping beauty at cinderella ng mga panahon na iyon, nasa isang perfect na okasyon,PERFECT  ang lahat ng bagay sa paningin niya, tunay pala ung pag ikakasal ka,magkahalong kaba at excitement ang mararamdaman mo, dahan-dahan siyang naglakad,papalapit sa altar, kung saan naghihintay sa kanya ang prince charming niya, piling niya,ito ang prince charming niya,ang pinakaperfect na lalaki sa buhay niya, kung puwede nga lang tumakbo papalapit dito,kanina pa niya ginawa, napakaguapo niya sa suot niyang tuxedo, haiiizzzttt...sarrrraaappp mainlove....

Parang kailan lang......

Siya nga pla si Ashley, matangkad, balingkinitan ang katawan, in other word,morena!matangos ang ilong at maliit ang mukha,yan lang lagi nadidinig niya tuwing dinidescribe siya ng ibang tao,isang pangkaraniwan babae na nabubuhay sa mundo ng anime at pocketbooks.Sa MUNDO ng Fantasy,para sa kanya mas-masarap mangarap at isipin na ikaw ung babaeng bida na pinagtatanggol ng iyong kaisa-isang mahal, iyong pagtatanggol ka kahit anong problema ang dumaan, mga away at bati na story,pero at the end,kayo pa din sa huli,masarap mangarap at mainlove,ung piling na kinikisig-kisig ka pa sa sobrang kilig, AMMMP!...pero aware naman siya sa reality ng buhay, sa magulong realiyadad ng buhay,tungkol sa pag-ibig, pero madami siyang dahilan para hindi pasukin ang reyalidad,manatili sa mundong bumubuhay sa kanya.

"Kailangan ko ng umuwi girl,magsisimula na kasi ang meteor garden"sambit niyang nakasimangot... "ano ba naman tong titser natin,ngayon pa nag-extend, salang-ala naman sa oras" ulit nito sabay tingin ulit sa kanilang titser.May make-up class sila ngayon, dahil 3 days absent ang titser nila, kailangan humabol ng lecture,malapit na ang midterm exam, after nito may dalawa pang subject na natitira na kailangan nilang atenan.

"Sinabi mo pa Girl, kainis, kala mo naman may natututunan tayo sa kanya, kahit nga ata siya, hindi niya alam ang tinuturo niya no"sagot naman ni Dianne,habang panay naman ang sulat sa sinusulat din ng tiser nila sa blackboard.

"Sinabi mo pa girl, kainis talga"...naiinis na niyang sabi,sabay kamot sa ulo..

Nasa 4th year High School na sila at talagang adik na adik siya sa bagong palabas sa channel 2, ang guapo kasi ng mga bida at pag hindi niya napapanood alin man sa mga sinusubaybayan niya para siyang nanghihina, may mga time nga na umiiyak siya sa inis na hindi niya napanood yon.

"Wala tayong magagwa girl, no choice,kakasimula pa lang ng lecture niya no,magtigil na lang tayo at magsulat"Si Dianne.

"HINDI! gagawa ako ng paraan makalabas lang"sabay tindig sa upuan niya at tinaas ang kamay, "ma'am me i go out, maiihi na po kasi ako"sabi nito sa nagmamakaawang tinig"sasabog na po ang pantog ko"kung kapilyahan din lang naman ang usapan,nangunguna na siya jan, mapanood lang talaga niya ang meteor garden, gagawin niya lahat para dito..

"Ok  Ms. Ashley"tugon nang titser niya..

"YESSSS!"...bulong niya ng mahina sabay tingin kay Dianne na pinandidilatan pa siya ng mata,pero dedma lang siya at dire-diretso siyang lumabas,nang palabas na siya naalala niya ang bag niya.

"NAKOUW!uuwi na nga pala ako, pano na ung bag ko, PATAY!  need ko makadiskarte ng malupit dito.

When god Made youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon