Someone asked me if I'm an Army. Yes, I am an Army and my bias is Jungkook. 😉 Anyway, Thank you HANDWRITTEN04! I really appreciate your feedback for every chapter.
***
Sabay kaming napalingon ni Fate nung may tumawag saakin. Alam kong ako kaagad yung tinatawag nila dahil familiar yung boses.
"Hi Angela!" Masayang bati saakin ni Rui.
What the fudge are they doing here? Akala ko ba sa Heaven's cafe sila pupunta so bakit nandito sila sa Starbucks?
"Babe, Do you know them?" Bulong saakin ni Fate. Mukhang nagtataka siya kung sino ang tatlong lalaki na nasa harapan namin ngayon.
Tumango naman ako kay Fate.
"Anong ginagawa niyo dito? Akala ko ba sa Heaven's kayo pupunta?" Tanong ko sa tatlo na feeling close, Nakiupo pa talaga sa table namin ni Fate.
"Nagbago isip ni Winter, Gusto niya ng Starbucks." Sagot saakin ni Nick na ngayon ay nagpapacute sa harap ni Fate. What an asshole!
"Huh? Bakit?" Nacurious lang ako. Sikat ang Starbucks pero as far as I know, Heaven's cafe ang tambayan ng halos lahat na member ng Campus prince. Private place kase yun at hindi basta nakakapasok dun.
"Ewan." Kirk just shrug his shoulder at mukhang wala talaga silang idea. Tsk, Hindi ba ito nabubusog? Kumakain na naman.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong starbucks. Mukhang wala naman siya ah. Teka, Ang weird. Bakit ko siya hinahanap?
Nevermind na nga lang.
"Baby pakilala mo naman kame sa maganda mong kasama." Sabi ng malanding si Nick. Nandiri ako dahil kinindatan niya pa si Fate na mukhang wala din magawa sa kalandian ni Nick.
"Hoy! Bitawan mo nga ang kamay niya at wag mo akong tawaging Baby dahil hindi ako sanggol. Ang landi nito." Napanguso siya nung tinapik ko yung kamay niyang nakahawak na sa kamay ni Fate. Baka mamaya mahawahan pa ng kalandian niya si Fate, May panguso pa siya nalalaman di niya naman kina-cute yun. Magpasalamat nga siya sinaway ko siya dahil halatang nagpipigil lang si Fate pero malapit na siyang masuntok sa mukha.
Natawa naman si Rui at Kirk saamin.
"Guys this is my bestfriend, Fate. And Fate this is Rui and Kirk." Turo ko dun sa dalawa na kumaway naman kay Fate, "And this is Nick, Pinakamalandi sakanilang tatlo."
Nagpipigil ng tawa yung dalawa dahil sa sinabi ko habang si Nick naman nakapout na naman. Letse, Mukha siyang pato.
Nakipagshake hand si Fate sakanila maliban kay Nick na inirapan niya. Ha! Akala ng Nick na 'to uubra ang kalandian niya sa bestfriend ko.
"Ang hard mo saakin baby. Nagseselos ka kaagad, Gusto ko lang naman makilala yung maganda mong bestfriend. Hindi kita ipagpapalit." Hinawakan niya yung kamay ko at idinikit sa pisngi niya. Napangiwi ako sa sinabi niya at mabilis na hinila pabalik ang kamay ko. Kadiri! Bakit kase katabi ko ang malanding 'to? Yung pwesto ng upo namin. Nagigitnaan ako ni Kirk at Nick tapos sa tapat namin si Rui at Fate.
Nainis ako sa kalandian ni Nick kaya naman hinampas ko siya nung libro ko, Todo iwas naman ang hinayupak kaya mukha kaming baliw. Si Kirk tumatawa habang kumakain, Si Fate tawa na din ng tawa haban pipanuod kame at si Rui naman naiiling na lang sa kalandian ng kaibigan niya.
"Aww baby naman. Haha. Sorry na, Di na ako uulit." Tuwang-tuwa pa ang hayerp.
"Hayop sa mga moves mo, Alcantara." Natatawang sabi sakanya ni Rui. Hindi pa ako nakuntento kaya hinampas ko ulit siya habang siya pinipilit na hawakan yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Winter's Cry
Ficción GeneralWinter Angelo Dela Cruz is known for being one of the Hottest Campus Prince of BHU and he hates it. He hates attention and spotlight. He hates being with crowd of people. But despite of the things he hates, He's still always the talk of the town for...