Hays, Math nanaman?! Nakaka-sakit ng ulo 'to eh!
Hiii! Ako nga pala si April ****** chikret na po ang aking last name. Ako ang babaeng ayaw na ayaw ang subject na Math.
***
Sa wakas! Exchange papers na! Kahit wala akong sagot, ok lang yun! Di talaga ako marunong sa Math eh. Kinolekta ng teacher namin yung mga papel namin at binigay ito kung kani-kanino.Tingnan mo 'to, siya ang teacher pero kami ang mag-checheck tsk tsk tsk.
Pinaalala pa ni Sir na lagyan ng Corrected By:
Paulit-ulit niya nang sinasabi yan.
Magkaka-sundo kami ng na-checkan ko, itlog din hahahaha. Kanino ba 'to?
Grace ******
Eh kaya pala eh =__=
Yung bestfriend ko pala 'to eh. Sabi ni Sir, ibalik na yung papel sa owner kaya binalik ko na yun sa bestfriend ko. So syempre tumayo ako at ibinigay ito sa bestfriend ko.
Pagbalik ko sa table ko, nakita ko na yung papel ko. Sayang di ko nakita kung gwapo, eh bakit ba? Malay mo lalaki. Kung sa bagay, nilagay naman siguro niya yung pangalan niya hihi.
Nagulat naman ako ng makita ko yung sinulat niya. Hindi na ako nagulat sa score ko! Isang malaking circle yung score ko. Saan ako nagulat? Dito:
Corrected by: Your Future Husband
Contact me :) 09*********
Relationship Status: Single and ready to love you ;) ♡
PS: I love you :pDeja vu, parang nangyari na 'to dati pero di ko maalala.
Pero what the? Sino naman kaya 'to? Siguro naman kung itetext ko siya, tutunog yung phone niya.
Me: Sino ka?
Tumingin ako sa paligid pero walang nag-ring. Silent mode si kuya. Umalis na din si Sir kaya madami nang nag-cecellphone.
Nag-vibrate naman yung phone ko.
09*********: I told you, I am your future husband
Me: Ang hahgin mo din nuh?
09*********: Slight lang naman. BTW, just call me JZ
JZ? Parang wala naman akong kilalang JZ dito eh. Inilibot ko ang tingin ko para makita ko kung sino man yang nagtetext saakin.
09*********: Wag mo na akong hanapin, wala na ako sa room :p
Me: Ewan! Bahala ka, nandito na si Ma'am
Pinalitan ko lang saglit yung caller ID niya at nag-goodmorning na kami kay Ma'am. May tatlong lalaki ang pumasok habang may hawak na cellphone.
Hmmm... Ginagawa niya 'to para lituhin ako. Hindi naman sila late kasi mga 30 seconds lang nauna si Ma'am.
Sino kaya yung JZ na yun?
***
Hay, sa wakas, tapos na din ang klase. Lumabas na agad ako ng room. Yung bestfriend ko kasi busy sa boyfriend niya eh.Naka-receive nanaman ako ng text.
JZ: Punta ka sa locker mo
Me: At bakit naman aber?
JZ: Basta...
Duniretso nalang ako papunta sa locker ko dahil dun din naman ang punta ko. Pagkabukas ko ng locker ko, may nakita akong isang rose at isang note.
YOU ARE READING
Corrected By: (One Shot)
Short StoryPosible nga bang may mabuong pagmamahalan dahil lang sa pag-eexchange papers niyo nung nagka-sitwork kayo? --- Date Started: 07/23/2017 Date Finished: 07/23/2017 Cover made by: JCZARINA