text! text!

109 3 0
                                    

First day of school. Fourth year na ko. Akalain mo yun?

Boring. Hindi masaya. Puro pagpapakilala.

Buti na lang at half day lang.. kung hindi, di ko kakayanin baka tulugan ko lang sila.

Hehehehe uwian na! Gutom na ko.. Nasaan na ba ang kapatid ko?

Sabay kaming uuwi eh..

Palabas na ko ng classroom.. nang may nakita akong pamilyar na lalaki.

Aah hindi pala pamilyar. Kilala ko pala siya.

"Lea! Musta?" 

Si Gelo. Schoolmate ko dati. Graduate na kasi siya eh..

"okay naman.."  tinatamad kong sagot.

"ate mo?" 

classmate / tropa nga pala niya ang ate ko.

"nasa bahay."

Bigla siyang sumilip sa classroom namin..

"May kaklase ka bang maganda? Pakilala mo naman ako.. 

ayun! Sino yun?"

"Si sheila yun. Bakit?"

"Ganda eh! Hingiin mo number."

Wow ha.  "Bat ako? Ikaw na.."

"sige na. Parang di tayo friends eh.."

Pumasok ulit ako ng classroom at hiningi yung number ni Sheila.

New student siya pero magkakilala na kaming dalawa. Ex kasi siya ng pinsan ko at schoolmate ko siya nung elementary kami.

 Small world noh? ☺

Actually new student din ako sa paningin ng mga teachers dito.. Umalis kasi ako nung mag 3rd yr na tapos bumalik din kaya hindi nila ko kilala. Kasi nung umalis ako, sila ang bagong teachers na gagaguhin ng mga studyante dun.

Private school yun. Akala mo lang public dahil marami ding loko dun.

May mga tropa ako kaya lang nag aadjust pa ko kasi nawala din ako ng isang taon.

Si Gelo naman.. Wala yun. dating schoolmate. Tropa ng ate ko. at friends daw kami.

Hindi pa pala ako nagpapakilala..

Pangalan ko ay Lea Dimagiba. Boyish ako, pero purong babae ako na marunong din mag-inarte at mag-landi. Kahit itanong niyo pa sa atay at balun-balunan ko.. babae talaga ko.

Ganito lang talaga ko kaya pasensya na kayo..

Tamad ako, inaamin ko. Kung hindi importante sakin ang isang bagay, di ko talaga bibigyang pansin ang mga yon.

Masarap mag-aral para sa'kin. Matalino din naman ako.. tamad nga lang talaga mag-aral ng mabuti.

Gustong gusto kong lumalaban kapag alam kong nasa tama ako.. Kaya sorry kung minsan eh siga na ko ha. =))

"oh eto na yung number." binigay ko na kay Gelo yung number ni Sheila na binigay din agad..

"ikaw, number mo?" inabot niya sakin yung cellphone niya para ilagay ko number ko..

"Ako nalang unang magtetext sayo. Akin na number mo." sabi ko sa kanya at binigay na niya number niya.

"uwian niyo na ba?"  tanong niya.

"oo. bat nga pala nandito ka?"

"bakit? bawal ba? May itatanong lang ako kay Akina."

Si Akina, classmate ko. Friends din kami kahit pano. Girlfriend siya ng tropa ni Gelo. Magttropa sila ng ate ko.. Kilala ko rin. Schoolmates eh, dati.

At ganyan talaga siya magsalita. Pabalang parati. Nakakainis nga eh!

Bababa na ko. Iniwan ko na siya dun. Kausap niya na rin si Akina.. at hahanapin ko pa kapatid ko eh. Uuwi na kami. Gutom!!!!

Pagkababa ko. Nakita ko na rin ang lil broda ko. Hinihintay na rin pala ako. Gutom nadin siguro yun.. Lunch na eh!

"Pst!"

Di ko pinansin. Di naman ako aso eh..

"suplada. sabay tayo uwi." si Gelo yan.

"Sabay ka jan.. magkaibang way tayo eh."

"Pupunta ko kela Men eh.. tara na." sabi niya. Si Men naman yung boyfriend ni Akina.

Lakad na kami palabas ng school kasama kapatid ko. Nag-uusap silang dalawa tungkol sa dota. Nakakahilo sila. Di ko magets ang pinaguusapan nila..

Sumakay na kami ng jeep. Less than 10mins ang byahe pauwi samin.. Siya mejo malayo pa.

"Sige." sabi ko sa kanya.. pababa na rin kami.

"geh. text text ah!" 

Never almost had youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon