26 - The Ending

986 33 0
                                    

CHAPTER 26 – The Ending

3rd person’s POV:

Nainip na sa pagtatago sa cubicle si Cassadee kaya naman naisipan na niyang lumabas pero natigilan niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso niya habang palapit ng palapit ang mga yabag sa kinaroroonan niya. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng cubicle sa tabi niya. Nakita niya ang paa ng pumasok sa cubicle at nakakasigurado siyang isa itong babae at hindi iyon si Amber.

Could it be Catrice?

Mas nakaramdam ng takot si Cassadee nang wala na siyang marinig na ingay mula sa babaeng pumasok sa katabing cubicle. Dali-dali siyang lumabas sa cubicle niya at napasigaw siya nang makitang nakadungaw sa itaas si Alyana.

Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa may makabangga siya dahilan para pareho silang matumba. Napahawak sa balakang niya si Cassadee dahil sa sakit ng pagkakatumba pero natuwa naman siya nang makita niyang si Catrice ang nakabangga niya. Dali-dali siyang tumayo at hinila si Catrice palayo doon nang maalala niyang hinahabol siya ni Alyana.

Natigilan naman sa pagtakbo si Cassadee nang makakita siya ng isang trash can. Nakatingin lang siya doon at nagsimulang halukayin iyon. Tanong ng tanong sa kanya si Catrice pero hindi niya sinasagot hanggang sa makakita siya ng babasaging bote.

Inutusan niya si Catrice na manatili sa kinatatayuan nito habang tumatakbo siya sa ilalim ng hagdan.

Napangisi naman si Alyana nang makita niyang nag-iisa si Catrice sa gitna ng corridor. Tinawag pa nito ang pangalan ni Catrice gamit ang malambing na tono habang papalapit dito kaya’t nagsimula ng magpanic si Catrice nang bumibilis ang paglapit ni Alyana sa kinatatayuan niya.

Maingat na sumunod naman si Cassadee sa likuran ni Alyana habang dala-dala ang babasaging bote at malakas na inihampas sa ulo ni Alyana nang makalapit siya. Nanlaki naman ang mga mata ni Alyana sa nangyari at agad na natumba sa malamig na semento. Ilang beses niya itong pinaghahampas at hinawakan nito ang pulso para makasigurado.

“N-napatay mo siya.” Nanginginig ang boses ni Catrice habang sinasabi ito kay Cassadee.

“That’s the only thing I can do to stop her, Catrice.” Pagpapaliwanag ni Cassadee. “I’ve never killed anyone before.”

“Cassadee! Catrice!”

Napalingon naman ang dalawa sa tumawag sa pangalan nila at napangiti nang makita si Aldave na

tumatakbo papalapit sa kanila. Halos lumuwa naman ang mga mata ni Aldave nang makita niyang ang nakahandusay na katawan ni Alyana. Punung-puno ng dugo ang ulo nito at may mga nagkalat pang mga bubog sa sahig. Napalunok na lang siya sa nakikita.

“Umalis na tayo dito.” Sabi ni Cassadee at nagsimula na silang maglakad paalis doon.

Samantalang hindi pa rin natatapos ang laban nina Venom at Zico. Ilang beses nang sinubukan ni Zico na patumbahin si Venom pero hanggang ngayon, matatag pa rin ito kahit na nakakabawi siya dito.

Pagod na pagod na siya sa pagbato ng mga suntok at sipa kay Venom pero tila ba hindi nauubusan ang lakas ang kalaban. Nagagawa pa rin nitong makaiwas sa kanya.

Nagsisimula na namang umikot ang paningin ni Zico. Ramdam na ramdam na niya ang panghihina ang buong katawan niya. Gustung-gusto ng bumigay ang katawan niya. Bigla na lang natumba si Zico sa sahig at napasandal sa pader matapos siyang bigyan ng malakas na suntok ni Venom.

Napatawa na lang ito nang makita ang itsura ni Zico. Magang-maga na ang buong mukha at dumudugo na rin ang ulo at ang labi nito. Naglakad si Venom papalapit kay Zico nang bigla itong natigilan.

“Layuan mo si Zico, Venom!” Sigaw ni Chase nang makarating silang dalawa sa rooftop. Nakatayo silang dalawa ni Knight malapit sa pinto. Nanlaki ang mga mata at napaawang ang bibig ni Knight nang makita ang kalagayan ni Zico. Nilingon sila ni Zico, umiling-iling ito at sinenyasan silang umalis.

Nangibabaw naman ang pagtawa ni Venom dahil sa sinabi ni Chase. Hindi niya inaasahang darating ang mga ito. Tinalikuran niya si Zico at humarap sa direksyon ng dalawa. Seryoso ang tingin ni Venom habang papalapit sa kanila at nakangisi nang bigla nitong nilingon si Chase.

KD’s POV:

Tumakbo kami nina Amber at Zelo papalayo sa gym. Napahinto lang kami sa library para makapagpahinga kahit sandali. Napansin kong wala pa ring tigil sa pagdurugo ang natamong saksak ni Zelo. Namumutla na siya at hinang-hina. Inayos ko ang pagkakatali ng jacket ni Amber sa kanya para mapigilan ang pagdurugo dahil baka maubusan na siya ng dugo at maging sanhi pa ng pagkamatay niya.

Wag naman sanang mangyari iyon.

Pumasok kami sa library at nakita kong hirap na hirap na si Zelo. Nakahawak siya sa mga upuan para maging suporta niya. Sa nakikita ko sa kanya ngayon, mukhang hindi na niya kakayanin pa.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at inalalayan siya habang si Amber naman ay nakadungaw sa malaking bintana ng library na para bang may pinagmamasdang mabuti.

Napabuntong hininga na lang ako. Sana wala ng mangyaring mas malala pa dito. Sana matigil na lahat ng kabaliwan na ito.

“Amber, dalhin mo sa ligtas na lugar si Zelo.” Sabi ko sa kanya kaya’t napalingon kaagad siya sa akin ng nakakunot ang noo.

“S-saan ka pupunta?” Tinignan ko lang siya at dahan-dahan siyang tumango sa akin. Inalalayan niya si Zelo at maingat silang umakyat sa hagdan.

“Mag-ingat ka.” Paalala niya sa akin. Tumango lang ako at nagsimula ng maglakad papalayo sa kanila. Napakuyom na lang ako ng mga kamay. This is it! There’s no turning back.

This is between life and death.

3rd person’s POV:

Kahit saan ka lumingon, nagkalat ang dugo. Mabibigat ang bawat paghinga nina Chase at Knight. Nakahandusay na ang katawan ni Knight sa sahig, dumudugo na ang ulunan nito, at putok na ang mga labi’t pisngi. Unti-unti na ring nagdidilim ang paningin niya.

Napatingin na lang siya sa madilim na kalangitan habang papalapit sa kanya si Venom. Hinigit siya nito patayo at idiniin sa pader habang hawak-hawak ang leeg nito. Halos hindi na siya makahinga dahil sa pagkakasakal sa kanya ni Venom kaya’t naglandas ang mga luha niya mula sa mata.

Wala na siyang sapat na lakas para lumaban pa.

Si Zico naman na hinang-hina na ay pilit na bumangon. Hindi niya alam pero kusang tumutulo ang mga luha niya. Inabot niya ang isang bakal na may matalim na dulo sa di kalayuan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nina Venom at Knight at lalong sumilab ang galit na nararamdaman niya dahil sa nakikita.

Binilisan niya ang kanyang kilos kahit na hirap na hirap na siya at walang pagdadalawang isip na isinaksak kay Venom ang matalim na bakal. Itinulak niya ito palayo kay Knight at ilang ulit na pinagsasaksak na para bang wala na siya sa sariling katinuan.

Hindi makapaniwala sina Knight at Chase sa nagawa ng kaibigan kaya dali-dali silang lumapit dito at inawat. Hinila nila ito palayo sa malamig na bangkay ni Venom. Nagsisisigaw lang si Zico at walang patid sa pag-iyak at ibinato sa malayo ang hawak-hawak na bakal na punung-puno ng dugo.

Agad na tumakbo papunta sina Cassadee, Catrice at Aldave sa rooftop kung nasaan sina Zico nang marinig nila ang malakas na sigaw nito. Napahinto naman sila nang makita nila ang mga ito.

Napatakip ng bibig at nanlalaki ang mga mata ni Catrice nang makita niya ang kapatid niyang nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo. Tumakbo naman si Cassadee papalapit sa mga kaibigan na hanggang ngayon ay nakahandusay pa rin sa sahig malapit kay Venom. Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap ang mga ito at umiyak ng umiyak.

--------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now