Chapter 3

38 5 0
                                    

ATHENA

Two months na ang lumipas. I felt na mas nababagay ako dito. Marami na din akong mga kaibigan. At hanggang ngayon, nagtataka pa rin kami kung bakit nakikita ko ang Tree of Life.

Simula noon, iba na ang trato ng mga Blackblood sa amin. Hindi lang sa aming mga Stonebrook. Pati na din sa mga Roseheart at Knightshade. Tama nga si Eos. Talagang masasama sila. Hindi naman lahat sila. Pero halos lahat sila.

Si Pheito naman, iba ang trato sa amin. Mas malala pa sa ibang mga Blackblood. Hindi porket siya ang heir, pwede na niya kaming awayin. Pasalamat lang siya at pinigilan ko si Eos na sampalin siya.

Si Zeus naman, ang clingy. Every time na may klase ako, lagi niya akong pinupuntahan. Tapos lapit siya ng lapit sa akin. Ang FC eh.

Library became my second home. Lagi akong nandoon. Lagi nga akong inaasar ni Pheito. I have an obsession on books. Ang bango kasi nila. Atsaka, mahilig lang talaga ako magbasa.

Hendrix became my friend too. Kahit phoenix pa siya. Hendrix is always there for me. Kapag inaaway ako ni Pheito, guguluhin ni Hendrix yung buhok niya. I can't help but to laugh every time na ginagawa ni Hendrix yun. Isang beses nga, Hendrix even scratched Pheito's face.

“Hey.”

“Anong problema, Apollo?”

Apollo Hernandez is the god of music, poetry, art, oracles, archery, plague, medicine, sun, light and knowledge. Nasa kaniya na ang lahat. He is a friend. To be honest, crush ko siya.

“Samahan mo ako.”

“Saan?”

“Sa library. Ano ba. Ikaw kaya yung kapartner ko. Kapag tayo walang na-pass na thesis, lagot ka sa akin.”

“Oo na. Tara, punta na tayo sa library.”

“Punta lang sa library. Walang tayo, Athena.”

Aray ko ha.

Naglakad kami- ay wala palang kami. Habang naglalakad, sinalubong kami ni Hendrix. Sumama siya sa amin ni Apollo sa library.

“I'm still curious kung bakit sayo lang lumalapit si Hendrix.”

Apollo even tried to touch Hendrix pero umilag lang siya.

“Oo na. Sanay naman akong ipagtaboy eh.”

Pinalo ko siya ng pabiro sa balikat niya. Aba't nakuha pang mag-drama.

“Magbasa na nga lang tayo about sa History ng Phoenix Kingdom.”

“Magbasa lang, Athena. Ilang beses ko bang uulitin na walang tayo?”

“Gusto mong sapak?”

“Oo na! Nagbabasa na nga ako oh. Tignan mo, Phoenix Kingdom is-”

Phoenix UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon