Habang nagmumuni muni ako
Bigla kong naalala yung mga panahon
Na madalas tayong magkasama
Nagbibiruan at nagtutuksuhanNaging sobrang madikit tayo sa isa't isa
Nakahiligan nating umakyat ng bundok
Mag- explore sa gubat, maligo sa bawat ilog na ating nadaraanan
At ang pinaka exciting sa lahat...Ay kapag natutunton na natin ang mga nagagandahang waterfalls
Ang mala paraisong lugar
Tahimik at payapa, tanging agos ng tubig
At huni ng mga ibon lamang ang ating naririnigPero ang pinaka paborito ko sa lahat
Ay ang mala diyosa mong halakhak
Masaya tayo diba?
Hindi natin nararamdaman ang pagodKapag kasama kita totoong humihinto ang oras
Lahat slow motion.
Lakad dito, lakad doon
Food trip dito, food trip doonDahil sa madalas kitang nakakasama
Lalong lumalalim ang pagtingin ko sayo
Tanda ko pa yung linya mong
"pag wala ka sa tabi ko feeling incomplete ako"Sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.
Habang nakatitig ako sa mala prinsesa mong mukha
Hindi nagtagal inamin mo sa akin
Ang tunay mong nararamdamanTinawag mo akong bro at
Laking gulat ko
Dahil ang trip mo rin pala
Ay ang katulad mong may mala prinsesa mukha.

BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoetrySInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...