"Dalawang Letrang Salita"

499 3 0
                                    

"Hi" dalawang letra

Isang maiksing salita

Ngunit madalas jan nagsisimula

Ang isang usapang minsan mahirap tuldukan

Gaya na lamang ng ating nasimulan.

"Hi" madalas lutang ako pag nasasambit ko

Itong dalawang letrang salita na to

Hindi ko alam kung san sisimulan

Mga tanong na mula sa kalawakan

Patungo sa mundo ng kawalan

"Hi" dalawang letrang salita

Na kung minsan masaya

Pero madalas malungkot

Madalas napapasimangot

Kakaisip sa sinapit

Ng puso kong nais lamang umibig

Ngunit laging naiipit sa pagitan ng

Salitang ikaw at ako.

Kaya muli mag uumpisa ako at bibigkasin

Ang salitang "Hi" dalawang letrang salita

Ngunit hanggang dun na lang

Hindi ko na dudugtungan pa

Dahil ayoko nang maulit pang muli

Ang minsang nasimulan sa maganda

At natapos sa salitang kabaliktaran na "goodbye". 

Ang mala Rollercoaster Ride na TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon