Chapter 47

536 106 53
                                    

~*~

Ang probinsiya ng Marinduque ay kilala bilang "Lenten Capital" dahil sa sikat na Moriones Festival. Maraming turista ang dumarayo dito kahit pa malayo at tawid dagat.

Gabi na ako nakauwi sa bahay nila Jasper at tulog na si Meryl, napansin ko na hindi na siya nakapagpalit ng damit niya, napagod siguro sa maghapon kaya hindi na nagawang magpalit ng pantulog.

Dahan-dahan na akong tumabi sa kanya at pinilit nang matulog.

Hindi malalim ang pagkakatulog ko kaya may naririnig na naman akong mga boses sa sala parang boses na naman ni Jasper.

Naluluha ako pagkagising ko dahil naghahaluscination na naman ako.

Kakaisip sa kanya at sobrang pagka miss sa Daddy ko.

Hindi bale dahil bukas ng gabi ay doon ako sa amin sa Banogbog matutulog, sana hindi ako maghalluscination.

Kinaumagahan bago ako umuwi sa amin ay dumaan ulit ako sa bahay nila Paul.

"Paul, nandito na si Cassey." Nakangiting sabi ni Tita at inaya ako sa may kubo nila dahil mas maginhawa doon.

Chill lang ako, kahit alam kong magkikita kami ni Paul at mag-uusap.

"Nandito ka na pala, akala ko ay hindi ka na babalik ngayon."

"Pinapabalik ako ni Mama mo saka para makita ko rin si Ate Zoila."

"Ah!" Maikling sagot niya.

Awkward moment!

"Meryenda ka muna." Inabot niya sa akin ang baso na may lamang orange juice at platito na may lamang biscuits.

"Dito ka na magtanghalian ha Cassey. Nasa palenke pa sila Zoila kasama ang Principal niya. Nagbakasyon rin dito." Bungad ni Tita at iniwan na ulit kami ni Paul.

"Sige po Tita, mahirap tumanggi sa grasya."

Kasama ni Ate Zoila ang principal nila. Ang galling close sila.

Teacher sa private school si Ate Zoila kaya magkasundo kami, iyon nga lang nagtampo ako sa kanya noon nung kinuwestyon niya ako kung bakit si Jasper pa ang boyfriend ko na pinsan nila.

Bakit ko raw pinatulan si Jasper.

Katwiran ko sa kanya na hindi ko naman madidiktahan ang puso ko kung sino ang mamahalin ko eh. At saka hindi ko naman alam na magpinsan pala sila.

Kami lang ulit ni Paul ang nasa kubo. Uso kasi sa probinsya na may kubo o dampa bukod sa bahay nila mismo.

Awkward na naman. Kaya ako na lang ang nagtanong nang nagtanong ng kung ano-ano lang.

Nagkuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa mga nangyari sa akin.

Hanggang sa naitanong ko iyong gusto kong itanong nuon.

"Bakit mo ako biglang iniwan noon? Ni hindi ka man lang nagpaliwanag bigla ka na lang nawala. Nagdisconnect at hindi na kita macontact?"

"Ah Kasi."

"Casseyyyyy!"

Biglang tili ni Ate Zoila nang makita ako at bagong dating sila.

Kasama niya ang principal na sinasabi ni tita.

May edad na pala. Akala ko ay medyo bata pa.

"Hi po Te Zoila. Nananaba ka ata ah. Hiyang ka sa Lucena."

Ipinakilala niya ako sa Principal na kasama niya at nakipagkuwentuhan na rin.

"Ikaw ay nawala sa sirkulasyon ah Cassey."

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon