Pangarap lang kita
Unang araw palang, nakuha mo na ang atensyon ko.
Sa bawat galaw, mundo ko'y iyong iyo.
Unang araw palang, puso ko'y nagwawala na.
Unti unting, ikaw ay pinapangarap na.Pangarap kita, alam mo ba yon?
Gusto kita, alam kong wala lang sayo iyon.
Pangarap kita, di mo ba napapansin?
Sa mga mata mong, ako'y nabihag narin?Ano ba ang dapat gawin?
Ano ba ang dapat kong gawin?
Magpakatorpe? O Tumahimik?
Wala akong ibang maisip kundi ay ang wag nalang umimik.Sabi nga nila, masakit mangarap.
Lalo na kung isang tao, ang gusto mong makaharap.
Masakit, mahirap, lalo't alam kong imposible.
Na kahit anong gawin ko, ang salitang TAYO ay hindi mangyayari.Pano kita makakamit?
Kung ikaw mismo ay siya ang laging sinasambit?
Pano kita makukuha?
Kung ikaw mismo ay siya ang hila-hila.Ilang araw at buwan na ba ang lumipas?
Bakit pagibig ko sayo'y, ganun parin at di kumukupas?
Ilang araw at buwan na ba ang nawaldas?
Tama bang, sumuko nalang sa ganitong oras?Pangarap kita.
Hanggang pangarap nalang ba?
Kung san ka masaya,
Asahan mong dun din ako liligaya.Written by: jayelee