Kaibigan

13 1 0
                                    

Kaibigan

Kaibigan? Kaibigan!
Yan ang madalas makikita mo kahit saan.
Kaibigan na laging nandiyan,
Kaibigan na lagi kang dadamayan.

Pero kaibigan nga lang ba?
Hanggang kaibigan nanga lang ba?
Yan ang tanong na gumugulo sa isipan ng marami.
Tanong na hanggang ngayon, pilit na iniintindi.

Hanggang ganito nalang ba?
Kaibigan at hindi magiiba?
Bakit hindi pwede?
Kasi ang kaibigan, kaibigan hanggang sa huli?

Masaya,malungkot, nakakatuwa at minsan masakit.
Maging isang kaibigan, madalas ay sobrang lupit.
Pano kung ngayon higit  sa kaibigan ang nadarama ko?
Hanggang huli ba, gusto parin na akoy maging kaibigan mo?

Pano kung, malaman mong akoy may gusto sayo?
Normal parin ba, o akoy unti unting lalayuan mo?

Yan! Yan ang problema madalas sa mga magkakaibigan.
Tatagal kayo, pero hindi mo alam kung hanggang kailan.
Turing mo sa kanya ay dapat hindi magbago.
Kung ayaw mong ikay kanyang itulak palayo.

Mahirap, masakit, pero dapat itago.
Kung gusto mong, sa relasyon niyo ay walang magbago.
Pag may gusto siya, dapat suportahan mo!
Kahit iyon ay pagiging martyr, wala kang pake kasi siya ay mahal mo!

KAibigan.
KaIBIGan.
Hanggang dito nalang ba?
Bawal na bang sumobra?

Written by :Jayelee

POEMSWhere stories live. Discover now