"Stuck in that moment"

22 0 0
                                    

PROLOGUE

Hi ako nga pala si Nadine.

Simple lang naman ako makulit laging pasaway, mahilig mag drawing at madalas makinig ng music.

Ako nga pala ay nakatira sa taguig.

Noong bata pa ako akala ko ay ang bayan namin ang isa sa pinaka masaya na puntahan dahil lahat ng tao ay mababait , palakaibigan at laging masaya.

Kaya ako naman lumaki ng may puso at masayahin din.

Ang nanay at tatay ko, nakikita ko sa kanila nagmamahalan sila nag tutulungan..

parang ang saya ng may nagmamahal sayo kumbaga.

Na pa tanong ko sa sarili ko kelan kaya ako makakaranas ng pagmamahal?

Chapter 1

Napaka aga ko nagising ngayon ewan ko ba kung bakit.

Naalala ko may pasok pala ngayon hay katamad naman..

Nasa service na ako nagtataka nagiisip parang may kakaibang feeling ngayong araw.

Di ko maexplain kung ano pero
Hayaan nalang natin :)

"Nadine!"

Isang sigaw ng babae na sumalubong sa akin pagpasok ko.

Siya nga pala si Rosalie isa sa aking mga kaibigan.

"Nadine bilisan mo na mag start na yung activity natin sa gym tara na!"

Nga pala nakalimutan ko sabihin sa inyo may activity kami sa school ngayon.

May mag dadrama , kakanta o sasayaw.

Sa aming paglakad sa hallway...

*BOOM*

May nakabangga sa akin mukha siyang nag mamadali at hindi tumugil.

"SORRY"

pasigaw niyang sinabi at parang parehas lang din kami ng pupuntahan.

Infairness may itsura siya.

Naka costume siya?

Magpeperform siya?

**

Andito na kami nakaupo naghihintay na mag start.

"Student's pls all sit down and keep quiet. The program will start"

Nakakaexcite naman!

Syempre nakakatuwa kasi wala din klase haha!

"NADINE NADINE! may chance ka ng maghanap ng gwapo yiee"

Yes.

Wala akong crush at wala akong ka relasyon.

Abno daw pag walang crush?

Sus di naman totoo yun eh haha.

Meron akong mga signs na gusto ko mangyari pag nalaman ko na nasiya na talaga.

First one:

Dapat maganda mailaw ang background namin.

Second:

Gusto ko may music na parang sa mga koreanovela haha.

Lastly:

Yung kakaiba dapat sa ordinaryo para unique :)

Mukhang mahirap isipin noh?

**

Nakalipas na ang mga ibang nagperform.

Hay napaka boring na.

"Nadine Nadine huy diba parang yun yung nakabangga sayo kanina?"

Oonga noh.

Kakanta sya?

Aba wow naman When you say nothing at all pa talaga kinanta nya :)

At nandito ako nakaupo malapit sa stage.

Malapit sa kanya.

Rinig na rinig ko ang masasabi mo nang magandang boses nya.

Bakit ganto may kakaiba akong nararamdaman..

Eto na ba yun?

Eto na ba yung sinasabi nilang kilig?

Aba napaka araw naman himala ata.

Teka teka!

First: mailaw maganda background??

Nanaginip ba ako? Haha!

"Rosalie kurutin mo nga ako."

"Bakit naman kita kukurutin?"

"Basta."

OUCH!

"Grabe ka naman mangurot dapat sa iba ko na lang pinagawa"

"Dami mong arte Nadine! :)"

Pero di talaga ako nanaginip.

"The smile on your face lets me know that you need meee"

Bakit ang ganda ganda ng boses niya.

SECOND: cute na music

Eto na ba talaga?

Siya na ba?

Wait wait!

Bumababa sa stage!

Bakit nakatingin sa akin?

May dumi ba ako?

Bakit papalapit dito.

"There's a truth in your eyes
Saying you'll never leave meee"

"GWAPO MO NICK! DITO NICK!"

Nick pangalan niya ahh..

Pero wait wait andito na siya papalapit na!

BOOM

Lumagpas.

Eto ako umasa.

Nagulat sa pangyayari.

Yung nasa likod na babae yung pinuntahan nya.

Wait sino siya?

"Rosalie sino ba yung babaeng nasa likod natin na pinuntahan ni Nick"

"Ahh yun ba si Celine? Nililigawan niya yun eh"

Natahimik ako.

Napaisip.

Siya na ba?

Siya na ba ang matagal ko ng hinahangad?

- -

Chapter 2 -----> :)

"Stuck in that moment"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon