Sa kaarawan ni Inay (One shot)

178 3 0
                                    

Maaga akong gumising ngayon para pumasok sa school, nagluto ako ng almusal ni Inay para paggising nya handa na ang lahat. Nakita ko yung mga hugasan ng pinggan, baso at kutsara kaya hinugasan ko na rin ito tutal maaga pa naman eh. Narinig kong may naglalakad sa hagdan kaya tiningnan ko kung sino yun, si Inay lang pala. Hinugasan ko ung kamay ko at dali daling sinalubong si Inay..

"Good Morning nay!" Aktong yayakapin ko sya pero bigla nya akong tinulak papalayo

"Anong maganda sa umaga? Eh panget kaagad ang bumati sakin!" sabi ni Inay

"Ah.. Nay! pinaghanda po kita ng almusal oh, masarap po yan, ako nagluto nyan." kinuhaan ko ng pinggan, kutsara at tinidor si Inay at inilagay ko ito sa lamesa.

"Nay, umupo na po kayo at kumain na po, paborito nyo po yung niluto ko. Ito po oh! Hotdog at itlog with matching pandesal pa po." Hinawakan ko si Inay sa braso para paupuin sya pero nagpumiglas sya

"Wag mo nga akong hawakan! Nakakadiri ka! Ilang beses kong uulitin sayo na ayaw kitang makita! Ang mukha mo! Ang mukha ng tatay mo na sumira ng buhay ko!" galit na sabi ni Inay.. di ko na napagilang umiyak dahil sa sinabi nya, pinunasan ko agad ung mga luha na dumaloy sa pisngi ko.

"Tsaka itong mga pagkain na to! Ha?! Kahit ilang pagkain na masasarap pa ang iluto mo para sakin, hindi nyan maibabalik ang nakaraan! Hindi nyan maibabalik ang dati!" Pagpapatuloy ni Inay, kinuha nya yung mga hinaing niluto ko at pinagtatatapon sa sahig, galit na galit si Inay. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha nya. Niyakap ko si Inay pero di nya ako pinayagan, hinawakan ako ni Inay sa braso ng mahigpit.

"Nay, aray po. Nasasaktan po ako. Tama na po." pagmamakaawa ko kay Inay.

"Masakit ha? Masakit! Kulang pa yan sa sinapit ko!!" tsaka ako binigyan ng isang malakas na sampal ni Inay na syang naging dahilan kaya natumba ako sa sahig. Agad na umakyat si Inay sa kwarto nya at binalibag ang pinto. Lumabas si Aling Nena sa kwarto nya at doon ay niyakap nya ako at tinulungan.

"Aling Nena, ba't ganun si Inay sakin? Di nya ba ako mahal?" tanong ko kay Aling Nena habang nagwawalis ako.

"Anak, mahal ka ng nanay mo. Sino bang ina ang hindi mahal ang kanyang anak? sadyang di nya lang talaga matanggap ang nangyari sa kanya." paliwanag ni Aling Nena sakin.. pero ba't ganun sya? lagi nya na lang akong pinagtatabuyan, lagi nya akong sinisigawan at sinasaktan.

"Oh, Wag ka ng malungkot. Nandito naman ako ah. Mahal naman kita kaya wag ka na malungkot." sabay yakap sakin ni Aling Nena.

--------------------

Naggayak nako para pumasok school. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay pinuntahan ko ang kwarto ni Inay, kinatok ko sya..

"Nay, aalis na po ako ah.. Kumain po kayo, wag po kayong papalipas. Mahal na mahal po kita, Nay. Kailanman di po ako magagalit sayo. I love you nay!" pagkatapos ko sambitin yun ay umalis nako. Pagkalabas ko ng gate namin ay nakita ko na naman ang mga kapitbahay naming tsismosa. Nagbubulung-bulungan sila habang nakatingin sakin, hinawakan ko ang bag ko ng mahigpit at saka tumuloy sa paglalakad.

"Esther BINGOT! Esther BINGOT! Esther BINGOT!!" tukso sakin ng mga bata, tuwing umaga laging yan ang naririnig ko, kadalasan nga yan ang almusal ko eh pag di ako nakakakain ng almusal. Kung hindi 'Esther Bingot' ang tawag nila sakin may mang-aasar sakin ng..

"Esther!! Kamusta naman yung paa natin? parang mas lalong lumiliit ah! HAHAHAHAHA!!!" sabi naman nung mga tambay sa kanto na nag iinuman. Di ko na sila pinapansin! wala naman akong mapapala eh. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa school na pinapasukan ko. Scholar lang ako kaya nakapag aral ako dito, simula ng mamatay sila Lolo't Lola nung Grade 6 ako, hindi nako ginastusan ni Inay para sa pag aaral ko. Gastos lang din daw kasi yun, wala din namang kukuha sakin na kumpanya dahil nga dito sa itsura ko. Hayy.. naalala ko na naman sila Lolo at Lola, ang bait bait nila sakin. Kailanman di nila ako sinaktan o pinagalitan. Sila nga yung nagsasabit sakin ng medalya pagnakakatanggap ako ng awards.

Sa kaarawan ni Inay (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon