Yes RETURN. Yes EXCHANGE. (Updated)

127 1 0
                                    

“And I need you.. And I miss you.. And now I wonder..”

Staring blankly ahead.

Makin’ my way through the crowd..

HAHAHA

Sheeeeeeeeeeeet.

Ano bang nangyayari sa’kin. Iniwan lang naman ako ni Gab, ganito na ‘ko.

Lagi na ‘kong nag-eemote.

Matagal na ding panahon yun ah.

Halos magsi-six months na. Wala pa ding paramdaman.

Kahit na araw-araw kaming nagkikita dito sa school.

Parang walang nangyari.

Ayon pa nga sa mga sources ko, binalikan na daw niya yung ex niyang si Andrea. Ewan ko lang kung totoo ha. Hayyy.

Ako naman, eto, si Jam pa din na boyish at makulit, na kahit nasasaktan hanggang ngayon eh parang wala lang sa’kin.

Naka-block na nga pala sa cellphone ko yung number ni Gab.

Pero may Spambox pa din.

Kaya nakikita ko kung napapatext ba siya o ano. Hahaha. Okay, asa pa ako.

Eh nagpalit na ako ng number, the day after ako iwanan nung hayop na yun..

 Kung ano ang reason?

Ewan ko. HAHAHAHA

(Uyyy.. Kunwari, hindi alam. XD)

Eh kasi daw mahal pa niya talaga yung ex niya..

Siguro daw INFATUATION lang yung sa'min.

Hindi daw niya kasi sure kung ano yung nararamdaman niya talaga.

Pero naging kami. For 2 months and 9 days.

Sa 2 months na yun, si ANDREA pa din yung nasa isip/ puso niya..

Yun si Gab?

Sweeeeeeeeeeet yun.

"Princess" pa nga ang tawag sa'kin.

Pumupunta pa ng bahay twing dinner time to make sure na kakain ako.

Tapos pag magkagalit kami, binibilhan niya ko ng half gallon ice cream saka cotton candy.

Lagi yun.

Ewan ko lang kung pati doon sa Andrea na yun, ginawa niya.

Namimiss ko siya.

Pero hayop siya.

Hayop magmahal(?)

At HAYOP DIN KUNG MANG-IWAN SA ERE.

Yung hayop na yun.. na almost 6 months na, nakatira pa din dito sa puso ko.

Madaya..

Hindi naman siya nagbabayad ng renta pero nakikitira pa din siya.

*BOOOOOOOOOOOOOOOOGSH!!* (OA eno. Hahaha!)

Ay shemayness!!

Ayan. Sa kakaisip ko kay Gabriel Alison Milanes dela Cruz/ HAYOP, nakatanga pala ako habang naglalakad papunta sa room..

“Ay bakla ka Gabriel!!”

“Excuse me?”

May kaboses ‘to eh. Swear.

“Sorry, sorry. Yung ex ko kasi yun eh iniwan ako. Hahaha!”

Ayan, nakapag-kwento tuloy ako ng di oras. Anobear. Nagpupulot kami ng mga papel papel na nahulog galling sa binder ko kaya hindi ko pa din nakikita mukha niya.

“Hahaha! Okay lang yun.”

Hay. Ligtas. Buti nalang mabait to.

“Thanks ah? Sige, una na ‘ko.”

Nagsuot na ‘ko ng eyeglasses at nagpatuloy sa paglalakad.

Di ko na siya tinignan. Siguro naman makakasalubong ko ulit yun mamayang lunch.

Malayu-layo rin yung room namin galing sa high school lounge.

Kaya medyo natagalan ako sa paglalakad..

Pagpasok ko ng room, biglang bumulalas ng sigaw tong si Aya. Best friend ko nga pala..

“Huy bakla!”

Babae ako ah. Bakla lang talaga tawag niyan sakin. Hahaha!

“Oh? Aga aga mo na namang hyper, te?”

“Balita ko nag-usap na daw kayo ni Gab ah!”

“Ha?!!!” Kelan? Hahaha. Nantitrip na naman siguro to.

“Kanina daaaaw! Uyy, wag ka ng magtago. Aminin!!”

“Hala. Wait!”

Chineck ko yung gamit ko.

Calculator, binder.. Sa loob ng binder, mga Post-it! notes saka photocopies..

Sa sobrang atat ko mahanap yung pen na binigay sakin ni Gab nun, sinabog ko sa desk ko yung laman ng binder. Nalaglag yung paper clips, pictures namin ni Aya, picture namin ni Gab?!

Kelan pa ko naglagay ng picture namin dito?!

Alam ko matagal ko ng tinanggal yung mga pictures namin eh. Saka, wala akong copy neto.. Shemay.

Ano bang dapat na reaksyon dito, mga ate, mga kuya?

Sa likod ng picture namin ni Gab (Na naka-kiss siya sa cheeks ko at ako ay naka-smile sa camera, btw.), may nakasulat..

“Want your pen back? You have to want ME back first. – Gabriel”

Yes RETURN. Yes EXCHANGE. (Updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon