Noong una'y di magkaka-kilala
Kung madaana'y parang walang nakita
Iba't-ibang tao ang kasa-kasama
Noong nagkausap, okey naman pala.
Konting chismisan at kulitan
Paglaon naging tunay na kaibigan
Salamat sa mga guro at eskwela
Pati na rin sa kursong parehong kinuha
Magkakasama sa hirap at ginhawa
Magkatuwang sa tuwa at saya
Sa mga assignments nagkokopyahan
Pero hindi nakakalusot sa mga long exams
Ilang sem na ang nakalipas
Ibang kasama, sa kurso'y lumayas
Ang noon at ngayon ay di na parehas
Ngunit hindi rito magwawakas
Kung iisipin, bawat araw ay pagkatagal-tagal
Ngunit sa'king pagtanto'y nasambit: ang bilis, Maykapal!
Sa mahabang panahon, isa-isa kaming natatanggal
Di na nakakapiling, mga kaklaseng mahal
Di man kami parating magkakasama
Sa puso't isip nagkakaisa
Bagyo man o baha sami'y rumagasa
Mananatiling buo, samahan at barkada..
