Isang linggo na ang nakakalipas ng mawala si mama, marami ng nagbago sa bahay namin. Hindi ko narin alam kung saan ba ako tutungo, sobrang namimiss ko na si mama. Si papa, natutuwa ako sakanya dahil buo na talaga ang pasya na pagaralin ako sa kolehiyo. Kukuha ako ng course na nursing sa college, sabi nila mahirap daw ang course na nursing dahil parte na raw ng katawan ng tao ang sinasaulo mo. Well, wala nalang siguro saakin yun mahilig naman din kasi ako magsulo ng kung ano-anong bagay dito sa mundo.
Si papa, kahit masyado ng pagod sa trabaho niya bilib ako sakanya dahil mahal na mahal niya kaming anak niya, kahit busy siya sa trabaho niya hindi siya nawawalan ng oras saamin tatlong magkakapatid. Tatlo kaming magkakapatid, bunso sa ako sakanila.
Si Mark Kenji Hernandez, panganay kong kapatid na ubod ng sungit, pero sobrnag alaga niya saakin dahil baby girl niya raw ako. Mas paborito nga raw ako kaysa sa pangalawa kong kuya, si kuya kenji ay second year college na. Kumuha siya na course ng doctor, nakakabilib lang kasi nasa dugo na yata namin ng pag-aaral ng medisina. Kahit 3rd year high school palang ako ay pursigido na ako mag-aral ng nurisng.
Si Karter Hernandez, pangalawa saamin magkakapatid, itong si kuya maalaga rin saakin bully lang talaga saakin, ewan ko ba sakany kung bakit niya ako laging binubully, masaya raw siya doon. Bukod sa pasaway, si kuya may pagka badboy rin lagi siyang nakikipag-away sa school dahil lang sa maliit na bagay. Si kuya karter ay 4th year high school na graduating na siya this year pero mukang di makakagraduate dahil marami record at puro kabaliwan ang nasa utak.
At ako? Ako si Kayleigh Hernandez, pangalo sa magkakapatid, simple lang naman buhay ko, hindi ako nerd hindi rin ako bad girl. Ordinaryong tao nalang ako na pinanganak sa mundong ito, at anong talent ko? Pagkanta. Oo, nasali ako madalas sa singging contest minsan narin ako nanalo pero ngayon kasi hindi narin ako sumasali, kawawa naman kasi yung kalaban baka matalo ko sila.
"hi! Kayleigh!" bati saakin ni joan, habang papasok siya ng room. Malakas ang bati niya saakin kaya napagtinginan siya ng mga tao, HAHAHA nakakatuwa talaga tong si joan.
"hello, joan? Ang aga mo pumasok ngayon ah" nakakapagtaka lang talaga siya kasi madalas ay palagi siyang late pumapasok, ano kayang nakain niya? Siguro may sakit siya.
Umupo siya sa tabi ko at alam ko na kung anong gagawin niya, sumagap na naman siguro siya ng chismis dito sa campus at for sure. Tungkol yan sa babae o kaya sa lalaki.
"maaga talagang pumasok ang magaganda! Alam mo ba sis, yung kuya mong si karter nakipaghalikan kanina doon sa may tabi ng locker ko ewwwww! Kuya mo ba talaga yun?" umirap naman siya at parang diring diri sa kapatid ko, napaka kulit talaga nun ni kuya mag-aaway na naman sila ni kuya kenji nyan hays.
Madalas pasaway si kuya, pero hindi na ako magtataka kung palagi siyang ganyan, hindi ko naman din siya masisi kung bakit niya ginagawa ang kalokohan na ganyan. Nang dahil lang sa babae noon, nagkaganyan na siya hays.
"hayaan mo na yun si kuya magaaway na naman sila ni kuya kenji" nagulat ako ng biglang tumili si joan, crush na crush niya kasi yung kuya kong yun.
"waaaaahh! Si kenji! My loves hihihi"
Naalala ko dati, sa skbrang crush na crush niya si kuya, lagi siyang nagaabot ng loveletter doon. Gwapo kasi si kuya e, yung dalawa kong kuyang yun laging may naghahabol. Kung si kuya karter ay chickboy, at araw araw nagpapalit ng babae, si kuya kenji naman ay baliktad NGSB nga yun e HAHA.
"manahimik ka nga dyan joan, mag-aral ka may quiz tayo ngayon" sabi ko sakanya.
After a minutes, dumating na yung teacher na magtuturo saamin. Naalala ko history nga pala kami ngayon, kaya madali nalang to.
--
Half day class lang kami tuwing wednesday, kaya dumaretso nalang ako sa room nila kuya karter para kausapin siya.
Habang naglalakad ako napansin ko yung naka lagay sa bulletin board, may hiring sila na vocal ng banda.
Hiring for HenryBand:
-vocalist
-musicians
-drummer
-guitarist1 p.m. auditions at 1st building.
"sasali ka?" tanong ng babaeng nasa tabi ko.
"ah, oo sana? Bakit po?"
![](https://img.wattpad.com/cover/117148825-288-k858797.jpg)