Almost

21 3 3
                                    


Nauso yung TOTGA kaya napaisip ako, sa edad ko na ito mukhang wala pa naman akong TOTGA pero natawa nalang ako ng sumingit sa isip ko na andami kong "almost" yung mga muntik na tapos hindi pala.

Hindi ko alam kung bakit palagi kitang napapanaginipan... Ang alam ko sarili ko ang usual na napapanaginipan ko ay yung mga tao o bagay na naiisip ko sa buong maghapon na gising ako kaya nakapagtataka na pumapasok ka parin sa panaginip ko kahit na hindi ka naman sumasagi na madalas isip ko. Hindi ko pinapansin nung una hanggang sa maging madalas at nakakatawa na.

I tried to look for an answer and somehow I came across this advice on the internet and it says that I should think about my relationship with you then think about the things that I've set aside or look past. Kelangan ko raw isulat ang mga bagay na yun at i-recall so I can go back and formulate a pattern that could make things easier. So habang nakatayo ako at nakapila sa sakayan ng jeep I tried to recall everything...

Kilala kita sa pangalan nung highschool ako pero hindi kita kilala ng personal, isa ka sa mga myembro ng dance group ng isang private school sa lugar natin kung saan ka nag-aaral. Nakilala kita ng personal nung unang araw ko sa college, we did the usual introduce yourself activity. Natatandaan ko pa na naging crush ka ng kaibigan ko at sobrang kinikilig sya sayo. You were one of those guys na mukhang masungit, may itsura at di madalas magsalita, kung magsasalita man napakatipid. Ang natatandaan ko magaling ka sa Algebra kaya lalong kinikilig ang mga kaibigan ko sayo, hindi ako kasama doon dahil hindi ang tipo mo ang gusto ko. Minsan sa isang lunch break nakiupo kayo sa mesa namin ng bestfriend ko dahil wala na kayong maupuan, kasama mo ang isa sa mga bully nating classmate. Nasa tabi kita at kaharap ang kaibigan ko, busy ka sa pagkain habang hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil sa sunod-sunod na subo ni bestfriend habang pawis na pawis hanggang ngayon natatawa ako sa reaction nyang yon ganun kasi talaga sya kapag kinakabahan at kinikilig at the same time.

Sinubukan ko noong sumama sa isang dance group ng school natin pero sa simula lang ako naging interesado, sumakit kasi ang katawan ko sa unang araw ng practice at na-frustrate ako ng hindi ko magawa yung isang stunt natin kung saan tinuruan mo pa ako na hanggang sa natapos ang practice natin ay di ko nakuha, I'm trying to imagine that stunt again at napapangiwi ako kasabay ng pagtawa dahil mukha talaga akong engot noon (hahahahaha), at the end pinalitan din naman ako.

Isang araw nabalitaan ko na nanliligaw ka sa isang magandang estudyante, may ilang nagtaas ng kilay pero napansin ko na kung may isang magandang bagay man sa pagiging mukhang unaware mo sa mundo yun ay yung hindi ka nagbibigay ng pansin sa ilang di magandang komento. You somehow showed me that there will always be a man who can accept a woman regardless of what she is or what she becomes. Isang beses naipakita mo pa sa iba kung ano ang kaya mong tanggapin kasi mahal mo sya. Hindi ko na maalala kung gano katagal ang naging takbo ng relasyon nyo o kung totoong naging kayo nga ba, hanggang sa narinig ko nalang na niloloko ka daw nya behind your back. Well wala naman akong alam sainyong dalawa kaya pinabayaan ko ang usap-usapan na yon sa loob ng room kapag wala ka.

Ang alam ko nakarating yun sayo and that news broke you. Ang balita ko rin (chismosa din talaga ako sorry na man) you confronted her and she admitted and the sad ending is that she didn't choose you in the end. I saw you danced alone on a love song while hugging a bottle of liquor like a broken man na hindi na mabubuo ulit.

I pitied you like everybody else; with your situation at that moment naisip ko rin na kahit ikaw pa ang ideal guy ng ilang kababaihan you can also get your heart broken. Hindi nakatulong ang pagiging gwapo mo, pagiging matalino, ang pagiging talented at kung ano pang magandang qualities mo kasi sa huli iniwan ka ng taong pinaglaanan mo ng oras at pagmamahal, yung taong tinanggap mo ng buong-buo pero nakuha kang iwan.

Para Kay TopiasWhere stories live. Discover now