AKO’Y SA’YO AT IKA’Y AKIN LAMANG
ni : Ma. Felyn C. Comaingking
CHARACTERS :
CATHERINE GONZALES
JUNRIEL SUSUSCO
RICO
RONIE
IBRAHIM
ALDRIN
BRYAN
JELMAR
JHON REY
MGA MAGULANG NI CATHERINE
LOLO’T LOLA NI CATHERINE
MGA KAIBIGAN NI JUNRIEL AT RICO
MGA KAIBIGAN NI CATHERINE
MGA GURO SA SAPAK
MGA TAONG NAGPAPA-ARAL SA MAYNILA
KABANATA 1
“Mahal Kita simula pa nung una , sana’y mahal mo rin ako. Dahil ika’y nagsilbing pag-asa at naging ilaw sa ‘king mundo.” Kantang pinamagatang “Mhine by Repablikan.”
Isang kantang nagbibigay himig at buhay sa isang babae, simula nang siya’y nagmahal ng tapat at totoo sa isang di inaasahang lalaki.
Siya si Catherine Gonzales, labing-pitong taong gulang, isang mag-aaral sa isang sikat na Unibersidad sa kanilang lugar. Siya ay kilala sa kanilang paaralan, sapagkat isa siya sa pinakamahusay na mananayaw at isang matalino, mabait, palakaibigan, mapagmahal at higit sa lahat siya ay isang napaka-gandang babae.
Lingid sa kaalaman ng lahat, isa siyang babae na mahilig paglaruan ang mga lalaki, “PLAYGIRL” kumbaga. Simula pa noong Elementarya siya, nagsimula na siyang makipagrelasyon sa mg aka “opposite sex” niya. Nasa ika-anim na baiting siya noong naimpluwensyahan siya ng kanyang mga barkada. Ang lalaking ito ay nagngangalang Ibrahim, siya ang kauna-unahang naging “boyfriend” ni Catherine. Hindi rin sila nagtagal, sapagkat nagsawa agad si Catherine sa kanya at bata parin sila sa mga oras na iyon.
“Ano ba ‘yan, wala na bang mas magandang lalaki sa mundo?” aniya sa sarili.
Umabot ang ilang buwan ay may nanligaw na naman sa kanya , siya ay si Ronie, sinagot niya naman ito agad. Nasa unang taon na siya noon nang sinagot niya ang pangalawa niyang nobyo ,umabot sila ng isang taon . At akala niya noon hindi niya na kinakailangan pa ng iba. Ngunit, sa kasamaang paladnakita niyang naglalakad ito ng mayroong kasamang iba.
“Hindi ko akalaing lolokohin niya lang ako, minahal ko siya ng isang taon, bakit ganun?” aniya sa sarili, habang umiiyak.
Simula ng pangyayaring iyon, lahat ng mga lalaking nanligaw sa kanya ay sinasagot niya agad, ngunit iniiwan niya rin kapag nagsawa na siya sa mga ito. Pangatlo si Aldrin, pang-apat si Bryan, pang-lima si Jelmar,at pang-anim si Jhon Rey. Sa dami nila ang iba ay tinu-time niya lang, pinaglaruan lang kumbaga.
KABANATA 2
Malapit na ang bakasyon, sapagkat papatapos na ang pasukan, tutungtong na si Catherine ng Ikatlong taon sa Sekondarya. Hindi niya inaasahang dadating ang panahon na : “Anak, magbabakasyon na, at napagdesisyunan namin ng Tatay mo na patirahin ka muna sa probinsya, dahil ayaw naming kahit sino na naming lalaki ang papatulan mo dito.” Sabi ng Nanay niya.
Sobrang gulat na gulat si Catherine, naiyak na lamang siya ng sobra dahil sa tindi ng hinanakit.
Lingid sa inyong kaalaman alam ng mga magulang ni Catherine ang lahat lahat ng kanyang pinaggagawa. Galit nag alit na ang kanyang mga magulang , sapagkat sobrang tigas na ng ulo ni Catherine at hindi na ito sumusunod sa mga magulang niya.